Derek Ramsay on controversial photo with Angelica Panganiban: "I will not deny it."

"The only thing that I worry about that picture, siyempre, si Angel, she's a girl. Angel and I are in a relationship and we're very happy. Tao lang kami. And sometimes, especially with our job, we like to get out and we're there to enjoy. When we took that picture, the least that I expected was for it to become a cover of a newspaper," says Derek Ramsay about the controversial photo of him and girlfriend Angelica Panganiban that came out in a tabloid.


Naging usap-usapan ang lumabas kamakailan na photo scandal sa front page ng isang tabloid. Bumalandra ang isang larawan ng magkasintahang Derek Ramsay at Angelica Panganiban kung saan ang kanang kamay ng young actress ay nakapasok sa loob ng board shorts ng boyfriend niyang si Derek.

Ang larawang ito ay kaagad lumikha ng malakas na ingay sa showbiz kaya naman hiningan ng pahayag ng The Buzz si Derek ukol sa naturang photo scandal. Inamin naman ng aktor na sila nga ni Angelica ang nasa controversial photo.

"I will not deny it," sabi ni Derek. "I know we had a picture like that two or three years ago. I know that the picture was taken in Boracay with a group of friends just having fun. So, if you're gonna ask me if I think it was a friend who sold the picture, I don't think so. A lot of my friends will not do that to us."

Ayaw namang sabihin ng tabloid ang pinagmulan ng pinag-uusapang larawan nina Derek at Angelica. Sinabi lang nila na umano'y December of last year nang may tumawag sa kanila para ibenta ang naturang larawan. Ayon pa sa tabloid, nai-offer na rin daw sa ibang babasahin ang naturang larawan pero walang bumili at tanging sila lang daw ang nagkainteres na bilhin ito.

Sa panibagong kontrobersiyang kinasasangkutan nilang dalawa, sinabi ni Derek na ang kapakanan daw ni Angelica ang inaalala niya ngayon.

"The only thing that I worry about that picture, siyempre, si Angel, she's a girl. Angel and I are in a relationship and we're very happy. Tao lang kami. And sometimes, especially with our job, we like to get out and we're there to enjoy. When we took that picture, the least that I expected was for it to become a cover of a newspaper," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON LEGAL MATTERS. Para naman sa abugadong si Atty. JC Leonardo Santos na nakausap ng The Buzz, maaaring magreklamo sina Derek at Angelica sa pagkaka-publish ng naturang larawan lalo't nagdulot ito ng kahihiyan sa kanila.

"Obviously, napahiya yung dalawang artista natin dito. Shameful 'yan lalo na sa Filipino culture, di ba? In this situation, merong batas na nagsasabi na [you] should not abuse your rights. Although it is your right to publish whatever expression you have, whatever freedom of speech you have, you must exercise it in good faith. Obviously, you're not in good faith if you know na pag pinublish mo 'yan, makakasakit ka ng tao. Since this is a company wherein they can collect monetary reparation sa kanilang mental anguish, moral damages nila," paliwanag ng abugado.

Sa panig naman ni Derek, tila malawak at bukas ang kanyang pananaw dahil naniniwala siyang walang masamang intensiyon ang nag-publish ng private photo nila ni Angelica.

"I still believe na there's no one out there na ganun naman kasama na maninira o naninira," sabi niya. "I'm doing my job, they're doing their job. This is something very interesting, so they put it out. A person is just doing his job and it's not...hindi naman nakakasakit ng tao. You know, you have to look at it in a funny way. Yung tag nga is 'mahigpit ang kapit nina Angel and Derek,' meaning to say our relationship is strong."

MORE PICTURES TO COME? Pero mukhang hindi pa magtatapos ang isyung ito dahil, ayon sa pamunuan ng tabloid, ilang controversial na larawan pa nina Derek at Angelica ang nasa kanilang kamay at maaari nila itong ilabas anumang oras na gustuhin nila. Ang photo ay part lang daw ng series of 20 pictures.

"I don't know...is that a threat or is that ano? I remember the day very clearly. Wala naman kaming ginagawang masama ng araw na 'yon. So, if they do have more pictures of that, then suwerte sila!" natatawang reaksiyon na lang ni Derek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inaabangan ng lahat ang magiging pahayag ni Angelica tungkol sa isyu pero tila pinili nitong manahimik. Nang subukang kunin ang panig ni Angelica ay umiwas naman ito sa camera at sinabing, "Hindi naman ako magpapa-interview, ba't kayo sumusunod?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN