Steven Silva warned by his mom not to fall in love yet

"I'm ready. I'm really ready. I'm 22 years old now, so it's really time to go out and do my own thing," says StarStruck V winner Steven Silva about facing the challenges in showbiz.


Isa si Steven Silva sa Kapuso stars sa naghatid ng saya sa mga kababayan natin sa United States last week. Pero kakaibang saya ang naramdaman ni Steven dahil sa naging reunion niya with his family, partikular na sa kanyang ina na si Ms. Bernie Silva, na naka-base sa California. Hindi kasi nakauwi ng Pilipinas ang ina ni Steven sa Final Judgment ng StarStruck V last February 21 kung saan itinanghal na Ultimate Male Survivor si Steven.

Hindi nga naiwasang maging emosyunal ang pagkikita ni Steven at ng kanyang mommy na very proud naman sa kanyang anak. Ipinakita ang reunion na ito ng mag-ina sa Showbiz Central noong Linggo, March 21.

Ayon sa ina ni Steven, "I'm just happy. You always think about your parents all the time. Bihira ang mga batang ganyan ngayon. We hope na the best in everything for him. Happy na happy kami sa nangyari sa kanya. Not in my wildest dream na ganito ang magiging sitwasyon ng anak ko. We want simple life lang, that's all, simple life lang."

Pero kung ang mommy ni Steven ang tatanungin, mukhang hindi pa ito aprub na magkaroon ng girlfriend ang binata niyang anak.

"Wala munang babae. Kasi ang babae, distraction sa kanya," sabi ni Mrs. Silva habang ngumingiti lang si Steven.

When asked kung sino ang mas gusto niya kina Diva Montelaba at Sarah Lahbati para kay Steven, ang mabilis na sagot nito, "No comment."

Ayon pa sa ina ni Steven, "Okey lang ang loveteam. Pero sabi ko sa kanya, di ba, pumasok ka rito, then you have to focus, career muna. Mamaya na 'yang mga babae."

Para naman kay Steven, kahit baguhan pa lang siya sa showbiz ay handa na raw siya sa mga hirap na susuungin niya at kahit na ang kapalit nito ay ang malayo siya sa kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm ready. I'm really ready. I'm 22 years old now, so it's really time to go out and do my own thing," sabi ng StarStruck V winner.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN