Yasmien Kurdi says flight attendant being linked to her is just a "special friend"

"Gusto ko rin pong makatapos ng college. Nasimulan mo na ang isang bagay, bakit mo tatalikuran, di ba? Kailangan panindigan mo na mag-aaral ako, magtatapos ako. Third year college na po ako. Mga one year and a half na lang po, tiis-tiis," says Yasmien Kurdi.


"Now you see her, now you don't" ang drama ngayon ng young actress na si Yasmien Kurdi sa shows ng home network niyang GMA-7. Pero hindi naman maikakaila na isa si Yasmien sa sumikat among the StarStruck graduates.

Ngayon, sa kabila ng mga successful drama series niya sa Kapuso network —Encantadia, Bakekang, Pati Ba Pintig ng Puso, Pasan Ko ang Daigdig, Babangon Ako't Dudurugin Kita, at Saan Darating ang Umaga—at pati na ang successful recording career niya (with hit songs like "I Know" and "In the Name of Love"), ay pinili ni Yasmien na mag-lie low sa kanyang showbiz career at mag-concentrate sa kanyang pag-aaral.

TRAVELS ABROAD. Sa "Sweet Talk" segment ni John "Sweet" Lapus sa Showbiz Central noong Linggo, March 21, ay tinanong si Yasmien tungkol sa madalas niyang pagbabakasyon sa ibang bansa, partikular na sa Middle East at Asia.

"Hindi po, may nanlibre po... Yung Hong Kong ko, Forever Flawless po. The rest po, sarili ko po kasi pinuntahan ko ang tatay ko. Nine years din akong hindi nakabalik sa Kuwait. Pinuntahan ko yung mga gamit ko dati, yung kuwarto ko. Nagpunta ako sa school ko dati. 'Eto ngang dress ko ngayon, bigay ng tito ko," lahad ni Yasmien.

Nang marinig ang sagot ni Yasmien ay sabay-sabay na sumigaw ng "echosera!" ang tatlong puppet frogs ni Sweet. Kaya hirit ng host, kaya raw siguro siya nasasabihang echosera dahil napapabalitang meron siyang boyfriend na flight attendant at ito raw ang nanlilibre sa mga vacation niya abroad.

"A, hindi, hindi... Kasi, wala naman silang privilege na magbigay sa mga friends nila. Sa family lang yun. Depende yun sa airlines at saka kaibigan ko lang talaga yun," paglilinaw ng young actress.

Mas lalong malakas na "echosera!" ang isinigaw ng puppet frogs sa sinabi ni Yasmien na nakapagpatawa na lang din sa young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, close friend. Close friend ko po yun," diin ni Yasmien.

Nililigawan ba siya ng flight attendant na "close friend" niya?

"Hindi, special friend lang po talaga na naging best friend mo na rin na guy, aside from my best friend na nandito sa studio," sabi niya.

Kinumusta naman ni Sweet ang bakasyon ni Yasmien sa Kuwait.

"Okey naman, nakita ko naman ang mga pinsan ko na napaka-cute. Yung isang pinsan ko, green eyes, yung isa, blue eyes. Yung mga buhok nila, blonde talaga. Nakakatuwa," kuwento ng half-Filipino, half-Lebanese actress.

FOR THE FUTURE. Nabanggit din ni Yasmien na busy siya ngayon sa kanyang water refilling station. Paghahanda na ba ito dahil gusto na niyang lumagay sa tahimik?

"Siyempre, iniisip mo rin naman ang future," sabi ni Yasmien. "Iniisip mo rin ang mangyayari sa 'yo kasi hindi naman tayo lahat bata na mag-i-stay lang ng bata. Siyempre, sa future, magse-save ka rin. Hindi yung pagdating ng future, wala ka na."

Desidido rin daw si Yasmien na tapusin ang kurso niyang Foreign Service sa New Era University.

"Yes, po," sambit niya. "Kung hindi n'yo po alam ang Foreign Service, isa po siyang consular or diplomacy. International relations po ang pinag-aaralan ko. May mga languages din po, international law, may immigration law, tungkol sa OFW natin..."

Malapit na nga ba siyang magpaalam sa showbiz? How true na namimili na siya siya pagdating sa mga guesting?

"Kasi po, ano, e, depende rin po. Kasi gusto ko rin pong makatapos ng college. Nasimulan mo na ang isang bagay, bakit mo tatalikuran, di ba? Kailangan panindigan mo na mag-aaral ako, magtatapos ako. Third year college na po ako. Mga one year and a half na lang po, tiis-tiis," saad ni Yasmien.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN