Piolo Pascual declares loyalty to ABS-CBN: "I'm very much Kapamilya!"

"Kakasimula pa lang ng kontrata kong bago, e. Nakapirma ako sa Star Cinema. Nasa Star Records ako. Nasa ABS-CBN ako. Happy ako. No complaints. No negotiations na nangyari sa kabila. Wala akong problema sa istasyon. Masaya ako," says Piolo Pascual.


Naging laman ng mga balita last week ang diumano'y may balak na lumipat ng ibang network si Piolo Pascual. Kaya naman sa interview ng SNN (Showbiz News Ngayon) na ipinalabas kagabi, March 22, binigyang-linaw na ni Piolo ang intrigang iiwan na raw niya ang ABS-CBN.

"Hindi totoo yun, ano ba? Exclusive contract ako sa ABS-CBN. Hindi ko alam kung saan nanggaling yun. And I'm very much ABS-CBN Kapamilya," paglilinaw ni Piolo.

Dagdag pa ng aktor marami pang nakapilang proyekto ang ABS-CBN sa kanya, kaya malayo raw mangyari na lilipat siya ng network.

"Katunayan pagdating ko galing ng tour namin sa Heartthrobs [with Sam Milby] magsisimula na kami ng taping. Excited ako for that. Kakasimula pa lang ng kontrata kong bago, e. Nakapirma ako sa Star Cinema. Nasa Star Records ako. Nasa ABS-CBN ako. Happy ako. No complaints. No negotiations na nangyari sa kabila. Wala akong problema sa istasyon. Masaya ako," sunud-sunod na sabi ni Piolo.

Good news pa ni Piolo baka raw isa sa projects na naka-lineup ay ang pagbabalik-tambalan nila ni KC Concepcion.

"Hopefully, by the time she finishes her movie with her father [Gabby Concepcion] and Echo [Jericho Rosales], kami naman ang magsimula. Baka movie namin ni KC ang gawin ko alongside the soap," banggit niya.

Ang sinasabing soap ni Piolo ay posibleng ang nababalitang pagsasamahan nila ng miracle boy na si Zaijian "Santino" Jaranilla at Agua Bendita child star Xyriel Anne Manabat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN