Valerie Concepcion says she has completely forgotten the father of her child

"Parang five years na siyang late if ever na humingi siya ng sorry sa akin. No more second chances kasi naka-move on na ako. Siguro para na lang kay Fiona ang gawin niyang tawag. Huwag na sa akin kasi wala na...hindi ko na siya mahal. I've gotten over him years ago pa. Kaya huwag na niya akong pag-aksayahan ng panahon," says Valerie Concepcion about the father of her child.


Handa na raw ang actress-TV host na si Valerie Concepcion sa araw na magtatanong ang kanyang five-year-old daughter na si Fiona tungkol sa daddy nito.

Sinabi ni Valerie sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi siya magsisinungaling sa kanyang anak. Alam na rin daw niya ang mga sasabihin niya kapag itanong ni Fiona ang tungkol sa kanyang ama.

"Noon ko pa naman napaghandaan 'yan," sabi ni Valerie. "Since Fiona was two years old, ipinapakita ko na ang picture ng daddy niya. Nakakatawa nga kasi 2x2 picture lang meron ako ng daddy niya. Sinasabi ko naman na yung lalake na nasa picture yung daddy niya.

"Pero mukhang hindi pa naman interesado si Fiona malaman kung sino ang daddy niya, e. Kapag tinanong mo siya kung sino ang daddy niya, hindi siya sasagot. Ngayon kasi, kami-kami pa lang ang nakakasama niya. Siguro when she reaches yung age na mga seven or eight, baka doon na siya magtanong at maghanap. Right now, maka-mommy pa siya at maka-lolo at lola."

FIONA'S FATHER. Ang ama ng anak ni Valerie ay si Jeremy Carag, pinsan ng yumaong young actor na si Miko Sotto. Si Jeremy ay pamangkin ng ina ni Miko na si Ali Sotto. Ayon kay Valerie, simula noong mabuntis siya at manganak ay never na raw itong nagpakita sa kanya.

"Hindi sa exaggerated ako, pero talagang hindi na siya nagpakita sa akin. Kaya isipin n'yo na lang ang nararamdaman ko noong buntis ako. Mabuti na lang nandiyan ang family ko at sila ang sumuporta sa akin. Kaya tingnan n'yo naman, masayang bata si Fiona. Lahat ng pagmamahal ko at ng family ko ay binuhos namin sa kanya," nakangiting sabi ni Valerie.

Hindi naman itinago ni Valerie na sobra siyang na-in love sa ama ni Fiona at handa siyang pakasal noon.

"Aamin ako na naghintay talaga ako sa kanya," sambit ng Wowowee co-host. "Willing akong magpakasal sa kanya noon. Kasi tinanong pa niya ako noon kung gusto ko bang pakasal. Pero I was 16 years old then. Sabi ng parents ko, kung seryoso siya sa akin, hihintayin niya akong mag-18 years old kasi 'yon ang legal age na puwedeng pakasal. May blessing naman mula sa pamilya ko 'yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero hindi na nga siya nagpakita. He never called or made the effort na bisitahin ako. Kung talagang mahal niya ako, gagawa siya ng paraan para makita niya kaming mag-ina. Kahit ba harangan pa siya ng sibat ng daddy ko, kung mahal niya talaga ako, he will find a way na makita kami ni Fiona.

"Pero wala talaga, kaya after a year na manganak ako, nag-decide na ako na kalimutan ko na siya. Tapos na ang love ko sa kanya at nag-move on na ako," saad ni Valerie.

Wala raw hinahabol na kung ano si Valerie sa ama ni Fiona dahil kinaya raw niyang buhayin ang kanyang anak nang mag-isa.

"Bakit pa ako hihingi ng suporta, di ba? Sobra-sobra na ang blessings na ibinigay ni Lord sa akin. 'Tsaka sa umpisa pa lang, ako at ang pamilya ko ang bumuhay kay Fiona. Kaya hindi ko kailangan ang tulong niya," diin niya.

Paano kung isang araw ay bigla siyang tawagan ng ama ni Fiona at mag-sorry sa mga nangyari. Pagbibigyan pa kaya niya ito?

"Ay, parang late na late na, di ba?" malakas na tawa ni Valerie. "Parang five years na siyang late if ever na humingi siya ng sorry sa akin. No more second chances kasi naka-move on na ako. Siguro para na lang kay Fiona ang gawin niyang tawag. Huwag na sa akin kasi wala na...hindi ko na siya mahal. I've gotten over him years ago pa. Kaya huwag na niya akong pag-aksayahan ng panahon."

WOWOWEE. Bilang single parent ay walang nagiging problema financially si Valerie. Bukod kasi sa endorsements niya, regular host siya sa Wowowee na siyang pinaka-bread and butter niya.

"Kita n'yo naman kahit wala akong ibang show sa ABS-CBN, okey na ako sa Wowowee. Malaki ang naging tulong sa akin noong show, lalo na sa family ko. Kaya love na love ko ang Wowowee," pagmamalaki niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Valerie, baka magkaroon pa siya ng isang show sa Dos pero hindi pa raw sigurado kung matutuloy ito. Nakasalalay raw kasi lahat sa schedule niya sa Wowowee.

"May nasabi na sa akin, si Tita Becky [Aguila, her manager] tungkol sa show na 'yon. Pero hindi pa kasi sure. Kapag may conflict sa Wowowee, malabo na akong matuloy. Priority ko kasi ang Wowowee, e. Ayokong um-absent talaga sa show hangga't maaari. Kapag naayos nila ang schedule, baka matuloy ako sa show na 'yon. Malalaman ko pa kasi this coming April."

PUNCH OUT. Marami ang bilib kay Valerie dahil kahit sobrang busy ito sa kanyang career at sa kanyang pamilya, napapanatili pa rin nito ang kaseksihan niya. Alaga ni Valerie ang kanyang katawan dahil sa constant workout at diet niya. Kaya gustong i-share ni Valerie ang kanyang secret workout at ito ay ang boxing.

Kaugnay nito, naglabas ang Viva Video ng Punch Out fitness video kunsaan kasama ni Valerie ang sportscaster at boxing analyst na si Mike Ochosa. Sa naturang video ay ipapakita ang sikreto ng very sexy body ni Valerie na puwedeng gawin ng ibang young mothers na tulad niya.

"Before ko kasi gawin itong fitness video, nag-train muna ako under kay Sir Mike for one month. Hindi naman kasi boxing ang talagang workout ko. Pinasubok lang nila sa akin kung magiging kumportable ako.

"In fairness, nag-enjoy ako sa training ko. Kahit na mahirap siya, enjoy ka sa mga ginagawa ninyo na routine. 'Tsaka mas enjoy kung marami kayo. Natuwa nga ako kasi nagkaroon ako ng konting abs sa one month na workout ko. Kung gusto ko pa raw na ma-develop ang abdominal muscles ko, ituloy ko lang, which I will talaga," sabi ni Valerie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN