Alessandra de Rossi says yes to sexy outfits but no to kissing scenes

" I never change my mind. Kapag hindi kailangan, hindi kailangan. Wala naman ako nakita ever sa kuwento na kailangan may kissing scene, so walang point para lagyan," says Alessandra de Rossi about kissing scenes.


Bago ang premiere night ng indie film na Romeo at Juliet ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap ang lead female star ng pelikula na si Alessandra de Rossi sa cinema lobby ng SM Megamall last March 22.

Katulad ng iba pa sa cast and production people ng movie, headed by it's director Adolf Alix Jr., very proud din si Alex (palayaw ni Alessandra) sa bago niyang indie film na produced ng Kisapmata Productions.

Base sa title, given na isa itong love story. Pero ayon kay Alex, ang pagkakapareho lang ng pelikula nila sa classic drama na Romeo and Juliet ni William Shakespeare ay ang title.

"Actually, wala talaga. Title lang ang pagkakapareho sa totoong Romeo and Juliet ni Shakespeare. It's about love for your lover, dad, family at kung anuman. More on ano siya, naka-focus sa kung ano ang naging childhood ng mga main characters. Na kung pangit man yun, pangit din ang naging konsepto ng kinalakihan nila," sabi ni Alex.

Na-challenge din daw si Alex sa movie dahil sa iba't ibang klaseng damit na ipinasuot sa kanya rito.

"Actually, hindi rin naman daring, pero, mga damit na never ko pang naisuot sa movie. Sa pictorial, oo, pero sa movie, hindi pa."

X-RATED. Ipinaliwanag din ni Alex na ang trailer lang ng Romeo at Juliet ang nabigyan ng X-rating ng Movie Television Review and Classifcation Board (MTRCB), pero yung mismong pelikula ay hindi raw.

"Hindi naman kasi siya dapat i-X-rated. Yung trailer lang dahil kita ang likod, pero yun lang. Kapag pinanood mo yung whole movie, I don't think na may makikita kang ka-X-X," saad ng aktres.

Dagdag pa niya, "Ako pa? Hello! Kissing scene lang tinatakbuhan ko!"

May limitation pa rin daw siya pagdating sa kissing scenes.

"Oo naman, ako pa. I never change my mind. Kapag hindi kailangan, hindi kailangan. Wala naman ako nakita ever sa kuwento na kailangan may kissing scene, so walang point para lagyan," saad ni Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TV WORK. Sa TV, ang ABS-CBN fantaserye na Agua Bendita lang daw ang pinagkakaabalahan niya ngayon. Itinanggi rin ni Alex na may plano siyang lumipat sa TV5 at wala rin daw siyang alam na pagbabalik niya ng GMA-7.

"Hindi ko rin alam 'yan. Kasi may show pa naman ako sa Channel 2. Although yung contract ko talaga sa Dos, per show, hindi sa network. Pero after ng Agua, meron pa rin naman akong offer. So, hindi ko rin masasabi kung ano ang meron.

"Pero siyempre, dun lang din naman tayo sa kung ano ang makakabuti. As of now, maayos naman ang trabaho ko. Hindi naman tayo magrereklamo, di ba? Pero siyempre, kung may mas bongga pa, bakit hindi?" natatawa niyang sabi.

Pero may offer nga ba sa kanya ang ibang networks?

"E, manager ko naman ang nakikipag-usap sa mga ganyan. At mukhang hindi pa naman importante ang opinion ko ngayon hangga't siyempre hindi pa sigurado," sagot ni Alex.

On her part, wala naman daw problema sa kanya kahit saan man siyang network magtrabaho.

"I think so, oo naman. Basta mababayaran ko ang bahay ko. Kasi, yun naman ang dahilan kaya ako palipat-lipat ng istasyon. Malaki ang binabayaran ko. After nun, kahit saan na, puwede na ako."

May mga nagsasabi na mas nagkaroon siya ng fan base noong nasa Kapamilya network na siya. Although, hindi itinanggi ni Alex na yung soap opera na in-offer sa kanya ng ABS-CBN kaya siya nagdesisyong lumipat dito ay hindi pa niya nagagawa hanggang ngayon.

"Well, sabi nila, mas nagkaroon daw ako ng fans noong nasa ABS na ako. Siyempre, hindi nila sinasabing mas gumaling ako kasi magaling naman talaga ako. Chos! Biro lang!" tawa niya.

Dugtong niya, "Pero yung in-offer nga nilang soap sa akin, hanggang ngayon, wala pa. Yun ang dahilan kung bakit ako lumipat. Pero siyempre, ang ganda-ganda naman ng Tayong Dalawa, number one yun. Yung Agua Bendita, number one din. So, sa'n ka pa, di ba? Di ka na aarte dun. Yung soap naman, nandun pa rin daw, na-delay-delay lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naiintindihan din daw ni Alex kung bakit may followers ng Agua Bendita na parang mas gusto na yung child actress na gumaganap sa lead role ang ma-retain kesa sa pumasok ang talagang bida nito na si Andi Eigenmann.

"Of course, nakakatuwa talaga ang mga bata. Pero hindi naman puwedeng hanggang dun lang. Siyempre, may mga love stories pa 'yan na papasok. Pero kapag nakita n'yo si Andi, napaka-lovable naman ng bata. Napakaganda, napakabait. So, masasanay rin sila.

"Yung sa mga fans, siyempre, ang ku-cute naman talagang tingnan nung mga bata. Tapos, kagagaling pa nila sa May Bukas Pa na bata rin," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN