Anne Curtis's camp appeals to the public: "Please have a little respect and decency to stop posting the photos and distributing the same."

Anne Curtis chooses to keep mum on the Boracay swimsuit accident. But Ms. Veronique del Rosario-Corpus of Viva Artist Center—the talent management group that handles the Kapamilya star's career—makes an appeal to stop posting and distributing the photo. "Have a heart," she pleads in the statement emailed to PEP (Philippine Entertainment Portal).


Kumalat na sa Internet ang larawan ng swimsuit malfunction ng actress-TV host na si Anne Curtis.

Kuha ito habang sumasayaw si Anne sa opening number para sa summer special ng ASAP XV last Sunday, March 21, sa Boracay. Ang naturang segment ay bahagi ng taped episode ng nasabing variety show ng ABS-CBN na ipalalabas sa susunod na Linggo, March 28.

Dahil summer special nga ang tema, at sa Boracay pa ang location, lahat ng performers—kabilang si Anne—ay naka-summer outfit.

Sa larawang lumabas sa iba't ibang social networking sites, gaya ng Facebook, bandeau-style na may green print ang suot pang-itaas ni Anne. At walang kamalay-malay ang 25-year-old actress na nakababa na pala ang kanang bahagi dahil sa swimsuit malfunction.

Makikita rin sa larawan ang kamay ng isang lalake sa kanang braso ni Anne. Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal), mula sa isang nakasaksi sa pangyayari, na ang kamay na iyon ay sa ex-boyfriend ni Anne na si Sam Milby.

Ayon pa sa aming source, ang insidente ay tumagal ng "mga ten seconds." Ito ay bagay na ikinasama ng loob ng Babe, I Love You star dahil hindi naagapan kaagad.

Bukod pa rito, marami raw sa mga nanonood sa Boracay ang kumuha ng video at photo sa kanilang cell phones at cameras. Bagamat nakiusap ang production group na burahin ang kanilang mga kuha, may mga sumuway at nag-post pa rin sa mga networking sites.

Ikinalungkot ito ng kampo ni Anne Curtis, at sa ngayon ay ayaw magbigay ng anumang pahayag ang aktres. Ang Viva Artist Agency (VAA), na siyang nagma-manage ng kanyang career, ang nagpalabas ng statement.

APPEAL TO THE PUBLIC. Sa email na ipinadala sa managing editor ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Karen A. Pagsolingan, nakiusap si Veronique del Rosario-Corpus, general manager ng VAA , na na itigil na ang pagpapakalat ng naturang larawan:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We are appalled by the behavior of some people who have irresponsibly posted over the internet a photo of our artist, Ms. Anne Curtis Smith, taken during the taping of one of her production numbers for ASAP XV. What happened during the taping was an unfortunate accident. Nothing was done intentionally. Anne was merely doing her best to deliver a solid performance as an artist.

"It is disheartening to discover though that certain people have taken advantage of the situation, maliciously uploading the photos over the internet. Worse, participating in the proliferation of the same over the net.


"Obviously, some unscrupulous individuals have capitalized on this misfortune and consequently exploited our artist whose only fault was to do her job well.

"We appeal to these individuals, please have a little respect and decency to stop posting the photos and distributing the same. Think of your sister, your mother, your wife, and your daughter. Have a heart."

Nagdesisyon ang PEP na ilathala ang istorya, hindi para pagpiyestahan ang nangyari sa dalaga, kundi para samahan ang VAA sa layunin nito para kay Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN