Boracay sighting of John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao: What's the real score?

Three sightings had insinuated that John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao are more than just friends. But the rumored couple chose to keep mum.


Nanganak ang balita tungkol sa Boracay trip nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao. Ang pinakahuling impormasyong nakalap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, March 23: May "PDA" o (Public Display of Affection) ang dalawa.

Kung tutuusin, wala namang masama kung ang dalawang "single" celebrities tulad nina John Lloyd at Shaina ay maging sweet sa isa't isa. Wala ring masama kung pipiliin nilang gawing pribado ang kanilang personal na buhay.

Pero hindi nila mapipigilan ang publiko na magtanong, at ang media para maghanap ng kasagutan, lalo pa't ang lalake kasing naiuugnay sa isyu ay isang Box-Office King at isa sa mga pinakasikat na aktor sa kanyang henerasyon.

Si Shaina naman ay isa sa mga up-and-coming leading ladies ng Kapamilya network. Bilang nakababatang kapatid ng actress-singer na si Vina Morales, nakatutok na sa kanya ang camera simula pagkabata.

Nitong nakaraang linggo, nabanggit sa telebisyon at pahayagan na nauna silang dalawa sa Boracay ilang araw bago nagsidatingan ang malaking grupo ng ABS-CBN talents para sa summer special ng ASAP XV.

Isang source ang nagsabi na umaga raw ng Huwebes, ika-18 ng Marso, nakita ang dalawa sa lobby ng Shangri-La's Boracay Resort and Spa, na ayon sa website nito ay may sariling private lounge sa Godofredo P. Ramos Caticlan airport at speedboat transfer na diretso mismo sa lugar. Tila kararating pa lang noon ng 26-year-old actor at 20-year-old actress dahil kasunod nila ang kanilang mga gamit.

Naiulat sa Manila Bulletin na sa isang villa raw sila nag-check in, pero ayon sa source ay tumuloy sila sa North Wing, kung saan naroon ang mga De Luxe Rooms.

Biyernes na noong namataan muli ang dalawang Kapamilya stars sa beachfront ng resort. Napakalambing daw ng dalaga sa binata habang nagbibilad sila sa araw.

Isa pang source ang nagsabi na mailap ang dalawa sa tao, at naging visible lamang noong rehearsal at actual taping ng show na naganap noong Linggo, ika-21 ng Marso. Nakita rin daw niya ang dalawa sa beach, at dugtong niya, "Sweet sila. Kumbaga, PDA..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong Lunes, March 22, daw natapos ang Boracay rendezvous ng dalawa dahil namataan sila ng pangalawang source na paalis ng resort.

WHAT'S THE REAL SCORE. Hindi ito ang unang sighting tungkol sa dalawa. Matatandaang noong ika-26 ng Pebrero, inilathala dito sa PEP ang larawan nila sa isang bicycle shop. (CLICK HERE to read related article.)

Sumunod namang inilagay sa "PEP Alerts" ang mall sighting nila noong ika-5 ng Marso sa EDSA Shangri-La Plaza, kung saan meron silang bitbit na shopping bags.

Pero sa kabila ng lahat ng ito, nananatiling tikom ang bibig ng dalawang Kapamilya stars. Kahapon, sinubukan ng PEP na kuhanan ng pahayag sina John Lloyd at Shaina sa pamamagitan ng publicist ng Star Magic na si Thess Gubi, na nagsabing: "Ayaw nila pa-interview. Marami nang nag-attempt."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN