Aiza Seguerra says anti-Duterte ad is "an all-time low"

May 6, 2016
<p>Aiza Seguerra on why the LGBT community supports Duterte: "Because he has done so many things already for the LGBT community. In Davao, siya yung unang city na nagpasa ng anti-discrimination ordinance. Kung talagang mapangmata siya or kahit mahilig siy

Pinamunuan ng mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Diño ang solidarity event at LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender) gathering para suportahan ang kandidatura ni presidentiable Rodrigo Duterte.

Ginanap ito sa K-Pub restaurant sa Trinoma Mall kaninang hapon, May 6.

Bukod kina Aiza at Liza, present din sa event ang iba pang celebrities na supporters ni Duterte; gaya nina Vivian Velez, Bernardo Bernardo, Arnell Ignacio, Isay Alvarez, Robert Seña, Beverly Salviejo, Gerard Pizarras, Jan Marini, Luke Mijares, at iba pa.

Dumalo rin sa pagtitipon ang LGBT leaders at groups mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sabi ni Aiza sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Actually, itong event na ito, it started sa support ng LGBT, but nanganak na nang nanganak because ang daming taong gustong mag-participate.

“Lahat ng artists na nandito, they want an avenue to express their support, so naging LGBT and artists and women’s groups na gustong mag-participate, all for Duterte.”

Continue reading below ↓

Nilinaw rin ni Aiza na hindi nila kine-claim na buong LGBT community sa Pilipinas ang sumusuporta kay Duterte.

Pero hindi rin daw biro ang dami ng mga kasamahan nila sa sumusuporta sa Davao City Mayor.

“Well, actually, we never said na this is the whole LGBT.

“Ang sinasabi namin, right now, we have more than 20 groups and LGBT leaders whose with us.

“So, iyon lang ang sinasabi namin.

“Unlike the other group na sinasabing they officially endorse si Mar [Roxas].

“Ang nangyayari kasi, ang nakapaglabas lang ng statement ay yung kay Mar.

“Pero teka lang, huwag niyong lahatin ang LGBT.

“Kasi kami, this group of LGBT people, is for Duterte.

“So, we want to make that clear.

“Actually, ang mga LGBT leaders na nandito, sila yung grassroots talaga, yung mga nasa barangay, nasa city hall, yung mga ganun.”

Bakit sinusuportahan ng LGBT group nila si Duterte?

Ayon kay Aiza, “Because he has done so many things already for the LGBT community.

Continue reading below ↓

“In Davao, siya yung unang city na nagpasa ng anti-discrimination ordinance.

“Kung talagang mapangmata siya or kahit mahilig siyang magsalita ng bayot, bakla, why would he make that ordinance? Nauna pa siya sa Quezon City.

“Nagkaroon din siya ng gender-sensitivity centers.

“Halimbawa, may baklang hinarass, mayroon silang gender-sensitivity centers sa Davao na puwede silang magreklamo at may legal counsel na umaasikaso sa kanila.”

TRILLANES POLITICAL AD AGAINST DUTERTE. Bukod sa pagiging supporter, kilala rin si Aiza bilang isa sa mga tagapagtanggol ni Duterte, lalo na sa social media.

Ano ang reaksiyon niya sa bagong political ad na inilbas at binayaran ni vice presidentiable Antonio Trillanes na tumitira kay Duterte?

“Actually, una kong narinig iyan sa radio. Sabi ko, grabe naman ito.

“Kasi ngayon lang ako nakakita ng campaign against someone.

“Usually, bubuhatin nila yung sarili nilang bangko, e.

“Pero to pay just to malign or assassinate someone’s character, wow, this is an all-time low para sa akin, especially to use kids to do that.

Continue reading below ↓

“So, parang to use kids to malign someone, for me that’s unacceptable.”

FULL SUPPORT FOR DUTERTE. Bakit ba ganun na lang ang paniniwala ni Aiza na si Duterte ang dapat maging susunod na pangulo ng bansa?

Paliwanag niya, “Because I’ve never seen anyone with that much passion for our fellow men.

“Alam mo, I’ve never seen anyone who really listens kung ano ang problema ng Pilipinas.

“Para sa akin, si Duterte, hindi siya plastic, hindi panlabas lang ang inaayos, but from inside-out.

“And I think that’s what we really need right now, e.

“Kasi yung mga inaayos ngayon, para sa akin, very superficial.

“Eto, may mga bagong daan na tayo.

“Pero yung pinakaimportanteng maayos, yung tayo mismong mga Pilipino, hindi nagagalaw.

“So, siya lang yung naka-strike nun, e, para sa akin.”

ADVISE TO VOTERS. May advise ba si Aiza para sa mga botante sa darating na May 9 elections?

Saad niya, “Tandaan po natin, ang kalaban natin ay hindi lang tao kundi ang sistemang bulok na ever since kinukuwestiyon natin; saan napunta ang pera natin, saan napunta ang taxes, ano bang klaseng serbisyo.

Continue reading below ↓

“Tanong tayo nang tanong. Pero kung pipili tayo ng someone who’s part of the system, and then nothing will change.

“Kailangan natin ng pagbabago and we need someone who’s out of the system at masisiguradong kung anuman yung inaambag natin para sa bansa natin ay mapapatupad.

“Kailangan natin ng isang mapagkakatiwalaan na hindi tarantado at hindi gagamitin ang kapangyarihan niya para lang sa sariling kapakanan o kapakanan ng mga kaibigan niya.

“We need someone who is brave enough to stand for us.

“It’s the system that Duterte is fighting, that’s why they are all scared.

“Because we are not just changing our president, not just changing a certain party, but we are changing the system.

“So, please vote against the system, the system of oppression, the system of social classes na magkakahiwalay.

“Vote someone who can stand with us, as one of us, with the Philippines, who is for peace, and who will make sure that he’ll take care of us.”

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Aiza Seguerra
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Aiza Seguerra on why the LGBT community supports Duterte: "Because he has done so many things already for the LGBT community. In Davao, siya yung unang city na nagpasa ng anti-discrimination ordinance. Kung talagang mapangmata siya or kahit mahilig siy
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results