Janice de Belen still holds a grudge against ex-husband John Estrada

"Hanggang ngayon, inaamin kong may sama talaga ako ng loob kay John. Malalim ang dahilan para mabago pa yun, o masabing tuluyan kong makalimutan," says Janice de Belen about her ex-husband, John Estrada.


Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Janice de Belen nang siya'y solong mag-guest sa isang taped episode ng showbiz talk show ng TV5 na Juicy last March 23 sa Congo Grill restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

May ilang revelations si Janice kaugnay ng kinahinatnan ng pagsasama nila ng dati niyang asawa na si John Estrada at hanggang ngayon ay hindi niya maitago ang bitterness dito.

"May mga bagay sa pagsasama namin na hindi na dapat inuungkat," sabi ni Janice. "But every time na naitatanong sa akin, hindi ko makayang magpakaplastik. Hindi talaga kami okey. Nag-uusap kami para sa kapakanan ng mga anak namin, pero hindi na kami talaga magkakasundo pa sa maraming bagay, kahit sabihin man lang na maging magkaibigan talaga kami."

Sa shoutout sa personal Facebook account ni Janice, ilang ulit na nabasa roon ang tila wala nang solusyong problema nila ni John sa sustento pagdating sa kanilang mga anak.

"Basta, ang masasabi ko lang, obviously, everybody is not happy," saad ni Janice. "Hindi ko na kailangang isa-isahin at tukuyin ang mga bagay na 'yan, kasi alam na ni John 'yan. And as far as I am concerned, nai-settle na 'yan sa court. Siya na ang bahalang gumawa ng paraan."

INAH'S DEBUT. May paliwanag din si Janice sa hindi niya pagdalo sa debut party ng panganay nila ni John na si Inah. (CLICK HERE to read related story.)

Aniya, "Sa ganitong mga pagkakataon, alam na ng mga anak ko ang saloobin ko. Tiniyak ko na naasikaso ko rin ang lahat kahit wala ako doon. Lahat ng preparations, nandoon naman ako, wala lang ako sa mismong debut.

"Sa lahat ng mga anak ko, ang policy ko, hangga't makakaya kong gawin, iiiwas ko sila sa kung anumang gulo na pupuwedeng ma-create, lalo ng pagkakakita ng media at press sa aming dalawa ni John sa isang event, for example. Ang sa akin lang, para maiwasan na ang kung anumang isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang event na yun ay para kay Inah lang, sa kanya ang focus at hindi sa iba, kahit sa amin ni John. Dahil sa hindi ko pagsipot sa debut ng anak ko, naiwasan din ang iba pang mga intriga at wala nang naging usapan pa afterwards. Hindi naman yun kailangan ng anak ko."

Janice feels that she knows what's best for her kids. At least, hindi pa naman daw siya nagmimintis. Hindi raw magiging problema sa mga anak niya ang mga pagkakataong ganoon, na kahit importante talaga, kung malalagyan pa ng isyu ang mga bagay-bagay, mabuting huwag na lang at magagawa rin niyang maiwasan.

"Tinatanong nga, paano kung ikasal na yung mga anak ko, may paraan pa rin para maisaayos 'yan," sabi ni Janice. "Titiyakin ko na hindi kami ni John ang pag-uusapan, o kung hindi nga maiwasan, I will do my best na hindi pa makaladkad ang mga anak ko sa intriga. Yun lang ang ipaglalaban ko."

SEPARATE LIVES. Maski raw makapagtrabaho professionally, as of now, tatanggihan niya ang anumang pagkakataong puwede silang magsama ni John.

"Huwag na lang," aniya. "Hindi namin kailangan. Tahimik ang buhay ko without him, siya rin naman. Mas maayos ang buhay namin na wala kaming koneksiyon sa isa't isa other than our kids. Yun lang kasi ang hindi mabubura doon, na may mga anak kami and we have to deal with each other dahil dito.

"Hanggang ngayon, inaamin kong may sama talaga ako ng loob kay John. Malalim ang dahilan para mabago pa yun, o masabing tuluyan kong makalimutan," pagtatapat ni Janice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN