Anne Curtis on proliferation of nip-slip photo: "Galit ako! Feeling ko nabastos ako!"

"Wala silang puso sa ginawa nila! Maiintindihan ko kung word of mouth lang, kung napag-usapan lang, pero para ilabas sa isang tabloid, that's below the belt at medyo nakakabastos at nakaka-violate," says Anne Curtis.


Binasag na ni Anne Curtis ang kanyang katahimikan tungkol sa wardrobe malfunction na nangyari sa kanya habang nagsasayaw siya sa isang production number ng ASAP XV sa Boracay last Sunday, March 21. (CLICK HERE to read related story.)

Aksidenteng nasilipan ng kanyang dibdib si Anne habang sumasayaw siya. Ang kuwento at maging ang larawan at video ng naturang pangyayari ay biglang kumalat sa Internet. Isa ring tabloid ang nag-post ng larawan ni Anne sa cover nila.

Nagpadala na rin ng request letter ang Viva Artists Agency (VAA) sa ilang publikasyon para itigil na ang pag-a-upload ng larawan ni Anne na kuha mula sa naturang insidente sa Boracay.

"REALLY DISRESPECTFUL." Sa panayam ni Anne sa crew ng iba't ibang news programs ng ABS-CBN, sinabi niya na naiyak siya dahil sa nangyari.

"Yung dito na side ko, may double-sided tape. But the thing is, yung action of doing a lift, naano talaga siya... All I wanted was to do my job properly. Sobra nga akong nalungkot at kinabahan dun sa nangyari kaya ako naiyak after ASAP," saad ng young actress.

Nagsalita rin ang ex-boyfriend at leading man ni Anne sa bago nilang movie under Star Cinema, Babe, I Love You, na si Sam Milby tungkol sa insidente. Aniya, hindi raw ito parte ng promotional slant for their movie tulad ng sinasabi ng iba.

Sabi ni Sam, na nasa tabi lang ni Anne during the interview, "It was an accident at hindi naman sinadya. I mean, some people said it's for promotion or whatever. I mean, why do we need to expose her for promotion? Sobrang disrespectful and for tabloid to have it on a front cover? That was really disrespectful."

Dugtong naman ni Anne, "At dun ako nagagalit. Kasi, bakit mo gagawin yun? Na walang silang pasabi...although alam naman siguro nila na ang magiging sagot ko dun, hindi. Kasi katawan ko yun, e. Hindi ko naman ginusto yung nangyari. So, nakakasama ng loob na ginawa pa nilang front cover."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"GALIT AKO!" Ayon pa kay Anne, pinag-uusapan na ng Viva at ng daddy niya na si Atty. James Curtis Smith kung ano ang kanilang gagawin sa paglabas ng litrato ng young actress sa tabloid at sa Internet.

"If Viva believes na merong kaso yun, ako I'm all for it," sabi ni Anne. "Para matigil hindi lang sa akin kundi yung mga susunod pa or yung mga nangyari na ito sa kanila but they didn't have the guts to make laban... If there's a case, I would support it kasi pagkatao ko yun, e, katawan ko yun, e, na hindi ko naman sinadya.

"Wala silang puso sa ginawa nila! Maiintindihan ko kung word of mouth lang, kung napag-usapan lang, pero para ilabas sa isang tabloid, that's below the belt at medyo nakakabastos at nakaka-violate.

"Galit ako! Feeling ko nabastos ako!" diin pa ni Anne.

Anong lessons ang natutunan niya sa insidenteng ito?

"As you all know, it's a wardrobe malfunction. Wala naman kaming choice kasi nasa Boracay kami. The only thing that I can do now siguro is move on, deal with it and just hope na it will pass already. Sana tigilan na. Sana lahat ng may picture, tigilan na ang pag-upload. At sa mga nag-upload na sa mga blogs nila, please, tanggalin n'yo na," pakiusap ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN