(UPDATED) Cesar Montano's camp says there's no foul play in Angelo's death

The son of actor Cesar Montano, Christian Angelo Manhilot (inset), reportedly committed suicide inside their home at Tivoli Royal subdivision in Batasan Hills, Quezon City earlier this morning, March 26. Christian Angelo was 23.


Ipinatigil na ng aktor na si Cesar Montano ang imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD) sa pagkamatay ng kanyang anak na si Christian Angelo Manhilot.

Ayon sa ulat ng GMA News, sinabi ng abugado ni Cesar na si Atty. Joel Ferrer na malinaw sa pamilya ng aktor na walang foul play at forced entry sa kanilang tahanan nang maganap ang insidente.

Ayon sa initial report, natagpuan kaninang umaga, 6:18 a.m., ang bangkay ni Angelo sa bahay ng kanyang ama sa Yakal Street, Tivoli Royale, Quezon City. May tama ng bala sa ulo si Angelo, nasa tabi nito ang caliber .45 at naka-hang ang telepono.

Ang kasambahay ni Cesar na nagngangalang Alicia Pancho ang nakakita sa lifeless body ni Angelo sa kusina ng kanilang bahay. Siya rin ang humingi ng tulong sa security guard ng village na kanilang tinitirhan.

Agad na rumesponde ang mga pulis sa panawagan ng security personnel. Dinala si Angelo sa General Malvar Hospital sa Commonwealth, Q.C. pero idineklara siya na dead on arrival.

Kinumpirma rin ng kampo ni Cesar na lisensiyado ang .45 caliber na baril na ginamit ni Angelo.

Bagamat walang pang kumpirmasyon, sinasabing ang dahilan ng pagpapakamatay ng anak ni Cesar ay dahil sa problema sa pag-ibig.

Habang isinusulat namin ito, pabalik na sa Maynila mula sa Bohol si Cesar, ang kanyang asawang si Sunshine Cruz, at ang panganay na anak na si Angela.

Nagpa-book agad ng flight si Cesar nang malaman nito ang malungkot na balita tungkol sa kanyang anak. "Wala na si Angelo, wala na si Angelo," ang diumano'y paulit-ulit na sinasabi ng gubernatorial bet sa Bohol ng Liberal Party.

Ngayon sana ang kick-off ng campaign ni Cesar sa Bohol, pero hindi na ito matutuloy dahil sa naganap ng trahedya sa kanyang anak.

Huling nakausap ng writer na ito si Cesar noong Miyerkules, March 24. Maraming kuwento si Cesar tungkol sa kanyang kandidatura at mga suporta na natatanggap niya mula sa mga Boholano. Punumpuno ng pag-asa si Cesar, isang pag-asa na biglang nalukuban ng matinding kalungkutan dahil sa nangyari sa kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Angelo ang bunsong anak ni Cesar kay Marilyn Polinga na sumakabilang-buhay noong 1993 dahil sa brain tumor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN