Barbie Forteza recalls near-stampede at mall show of First Time cast members

"Sobrang naawa po ako sa mga tao at saka sobrang... Una po natakot ako kasi siyempre baka mag-stampede, baka mabasag yung mga salamin ng mga shops. Tapos naawa po ako sa mga tao kasi sobrang init dun, talagang nagsisiksikan sila, talagang super-effort sila sa pagpunta doon tapos na-cancel. Sobrang gusto nila kaming makita, pero hindi natuloy, kaya sorry po talaga," says Barbie Forteza about the jampacked mall show in SM San Lazaro last March 7.


Dumalaw ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng GMA-7 teen show na First Time sa Christ the King church sa E. Rodriguez kahapon, March 25, at nakausap namin ang lead female star nitong si Barbie Forteza.

Ang unang napag-usapan namin ay ang nominasyon niya bilang New Movie Actress sa 26th Star Awards For Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) para sa indie film na Puntod ni Direk Cesar Apolinario.

Ano ang naramdaman ni Barbie nang nalaman niya ang tungkol sa kanyang nominasyon?

"Nagulat lang po ako kasi nga nominated ako, pero siyempre super thankful ako," sabi ng 12-year-old actress.

Pero ayon kay Barbie, pangatlong acting nomination na niya ito.

"Una po dun po sa MMFF [Metro Manila Film Festival], sa Ang Darling Kong Aswang at sa Wapakman," sabi niya.

Sa Puntod, isang batang pipi ang ginampanan ni Barbie. Aminado siyang nahirapan siya sa naturang pelikula.

"Opo. Bukod po sa pipi ako dun, yung location namin, at talagang lumusong ako sa Manila Bay! Ganun, pero masaya naman kasi ito nga ang naging resulta. So happy ako," sabi niya.

What if manalo siya?

"Sobrang saya!" bulalas niya. "As in baka nga po hindi ako makatulog ng tatlong araw nun, e! Kasi magagaling po ang mga kalaban ko, e."

Ang mga kalaban ni Barbie ay sina Louise delos Reyes (Agaton and Mindy), Irene Liel EscaƱo(Ded Na Si Lolo), Paloma (Pitik Bulag), at Maricar Reyes (And I Love You So).

What if matalo siya?

"Okay lang din po, at least na-nominate. Yung ma-nominate nga lang po, okay na sa akin yun, e. At least na-nominate ako."

MALL SHOW. Noong March 7 ay nagkaroon ng mall show ang main cast ng First Time sa SM San Lazaro, Manila pero ipinatigil ito ng management dahil sa sobrang dami ng tao na gusto silang makita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang naging reaksiyon dito ni Barbie?

"Sobrang saya pero sana huwag nang maulit yung ganun. Sana hindi po makansel yung iba pa naming mga mall shows kasi gustung-gusto po naming na nae-entertain yung mga tao. Ayaw po naming may nakakansel na show. Buong cast po talaga, nalungkot na nakansel yung show.

"Sobrang naawa po ako sa mga tao at saka sobrang... Una po natakot ako kasi siyempre baka mag-stampede, baka mabasag yung mga salamin ng mga shops. Tapos naawa po ako sa mga tao kasi sobrang init dun, talagang nagsisiksikan sila, talagang super-effort sila sa pagpunta doon tapos na-cancel. Sobrang gusto nila kaming makita, pero hindi natuloy, kaya sorry po talaga," pahayag ni Barbie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN