Boy Abunda says "the more, the merrier" on latest showbiz talk show Paparazzi

Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/25127/boy-abunda-says-the-more-the-merrier-on-latest-showbiz-talk-show-paparazzi" data-desc="Boy says search for Ruffa Gutierrez's replacement on The Buzz is "exciting!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3e9f2800a.jpg"> Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/25127/boy-abunda-says-the-more-the-merrier-on-latest-showbiz-talk-show-paparazzi" data-desc="Boy says search for Ruffa Gutierrez's replacement on The Buzz is "exciting!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3e9f2800a.jpg"> Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/25127/boy-abunda-says-the-more-the-merrier-on-latest-showbiz-talk-show-paparazzi" data-desc="Boy says search for Ruffa Gutierrez's replacement on The Buzz is "exciting!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3e9f2800a.jpg">

Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/25127/boy-abunda-says-the-more-the-merrier-on-latest-showbiz-talk-show-paparazzi" data-desc="Boy says search for Ruffa Gutierrez's replacement on The Buzz is "exciting!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3e9f2800a.jpg"> Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/25127/boy-abunda-says-the-more-the-merrier-on-latest-showbiz-talk-show-paparazzi" data-desc="Boy says search for Ruffa Gutierrez's replacement on The Buzz is "exciting!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3e9f2800a.jpg"> Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/25127/boy-abunda-says-the-more-the-merrier-on-latest-showbiz-talk-show-paparazzi" data-desc="Boy says search for Ruffa Gutierrez's replacement on The Buzz is "exciting!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3e9f2800a.jpg"> Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/25127/boy-abunda-says-the-more-the-merrier-on-latest-showbiz-talk-show-paparazzi" data-desc="Boy says search for Ruffa Gutierrez's replacement on The Buzz is "exciting!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3e9f2800a.jpg">

"Ang ibig sabihin niyan, trabaho para sa mga kasamahan natin sa industriya. This world is big enough for three talk shows. Sa tagal ko dito sa negosyong ito, parang hindi na isyu ang competition," says the host of Channel 2's The Buzz.


Marami ngayon ang ispekulasyon kung sino ang papalit kay Ruffa Gutierrez ngayong umalis na ito sa The Buzz.

"Abangan kung sino ang aming makakasama," masayang panimula ni Boy Abunda nang mainterbyu siya kagabi ng PEP (Philippine Entertainment Portal PEP) sa taping ng SNN: Showbiz News Ngayon.

Wala pa raw sinasabi sa kanya ang management, pero "it's exciting! Really exciting!" sabi ng The Buzz co-host.

Ilan sa mga pangalang nabanggit na baka maging kapalit ni Ruffa ay sina Gretchen Barretto, Janice de Belen, at gay comedian Vice Ganda.

"May narinig pa akong Melai [Cantiveros, recent PBB Double Up winner]," sabi ni Kuya Boy.

Pero kung may choice siya, sino sa mga ito ang pipiliin niya?

"Unfair [to mention names], kasi marami akong mga [kasamang] hosts," pasintabi niya. "Sa ngayon, hindi ko pa talaga alam... Hindi ako nagpapaka-safe, but I can work with anyone."

FINDING YOUR NICHE IN SHOWBIZ. Sa mga nabanggit, kasalukuyang namamayagpag sa isang pang-umagang programa ng Dos (Showtime) si Vice Ganda.

Nangiti si Kuya Boy at the mention of the gay comedian's name. "Vice [Ganda]... you have to appreciate him... He does well with what he does. In fairness. At nakahanap siya ng linya. Naaaliw ako sa kanya sa Showtime.'"

Sa opinyon ni Boy, Vice Ganda has found his niche in show business.

"Bumagay siya sa materyal, bumagay siya sa pagkakataon, bumagay siya sa palabas," pag-compliment pa niya.

"Minsan it takes a lifetime for someone, for an artist to find his material. And he found it. Minsan, it also takes a lifetime to find the right partner in life. Ganun yun. Totoo yun.

"Parang singer. Kahit gaano ka kagaling, kung hindi mo mahanap ang kanta mo, you'll never be able to do a hit," sabi pa ni Kuya Boy.

Sa kaso niya, ang daan patungo sa tagumpay ay hindi rin agad-agad na natamo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matagal," patotoo niya. "Ilang beses ka nasusugatan, nahuhulog, natatapilok. Kasi tumatapang ka, lumalakas ka, nagagalusan ka... pero [nananatiling] buhay."

COMPETITION AND RATINGS. At madadagdagan ng isa pa ang kasalukuyang kumpetisyon sa mga showbiz talk shows. Nandiyan ang The Buzz ng ABS-CBN at ang Showbiz Central ng GMA-7, at nariyan na ngayon ang Paparazzi ng TV5.

Ang sagot diyan ni Boy: "The more, the merrier."

Dagdag pa niya, "Ang ibig sabihin niyan, trabaho para sa mga kasamahan natin sa industriya. There is enough room to walk around. This world is big enough for three talk shows.

"Sa tagal ko dito sa negosyong ito," banggit pa ni Kuya Boy, "parang hindi na isyu ang competition."

Otherwise, nariyan ang reyalidad ng TV network wars due to the ratings game.

"Totoo rin naman," pagsang-ayon ni Boy. "Pero meron din namang mga bagay na pinahahalagahan ang network. Kasi may mga panahon din naman na mahalaga sa kanila yung competence, yung galing, yung kredibilidad [ng mga talents]. May mga panahon noon, na hindi naman ang Buzz ang nasa itaas. Pero awa ng Diyos, wala namang sumulat sa amin at nagsabing, 'Maghanda na kayo at tatanggalin na kayo!'"

Natawa lang si Boy sa sariling pag-amin. "In other words, there are other elements outside of numbers [ratings], na pinahahalagahan. Pero tama rin na minsan, yun lang ang pamantayan, di ba?

"Diyos ko naman, lahat naman ng palabas... nung nag-uumpisa ang The Buzz, sinasabi nila, 'Ay, hindi 'yan magtatagal, kasi wala namang nakakaintindi ng 'buzz'!" natawa uli si Kuya Boy. "Okey lang yun. I think we've gone beyond the point of... you know, that stage na masyado kaming nakaangkla sa numero [ratings]."

Happily for everyone on The Buzz, panalo ang show na ito ng Dos sa ratings sa mga nakaraang buwan.

Sa pagtatapos ni Boy, sabi niya, "Importante sa amin—at hindi ito pitch, ha—ang importante sa amin, nagagawa namin ang aming trabaho at masaya kami sa trabaho namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/25127/boy-abunda-says-the-more-the-merrier-on-latest-showbiz-talk-show-paparazzi" data-desc="Boy says search for Ruffa Gutierrez's replacement on The Buzz is "exciting!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3e9f2800a.jpg"> Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/25127/boy-abunda-says-the-more-the-merrier-on-latest-showbiz-talk-show-paparazzi" data-desc="Boy says search for Ruffa Gutierrez's replacement on The Buzz is "exciting!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3e9f2800a.jpg"> Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/25127/boy-abunda-says-the-more-the-merrier-on-latest-showbiz-talk-show-paparazzi" data-desc="Boy says search for Ruffa Gutierrez's replacement on The Buzz is "exciting!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3e9f2800a.jpg">


Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/25127/boy-abunda-says-the-more-the-merrier-on-latest-showbiz-talk-show-paparazzi" data-desc="Boy says search for Ruffa Gutierrez's replacement on The Buzz is "exciting!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3e9f2800a.jpg"> Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/25127/boy-abunda-says-the-more-the-merrier-on-latest-showbiz-talk-show-paparazzi" data-desc="Boy says search for Ruffa Gutierrez's replacement on The Buzz is "exciting!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3e9f2800a.jpg"> Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/25127/boy-abunda-says-the-more-the-merrier-on-latest-showbiz-talk-show-paparazzi" data-desc="Boy says search for Ruffa Gutierrez's replacement on The Buzz is "exciting!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3e9f2800a.jpg"> Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/25127/boy-abunda-says-the-more-the-merrier-on-latest-showbiz-talk-show-paparazzi" data-desc="Boy says search for Ruffa Gutierrez's replacement on The Buzz is "exciting!"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/3e9f2800a.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN