PEP HOT SHOT: Jericho Rosales and Cesca Litton were inseparable during radio station launch

Cesca Litton and Jericho Rosales hardly left each other's side during the grand launch of FM station U92 held at the Silver City Mall last night, March 26.


Sa kabila ng pagiging tahimik nina Cesca Litton at Jericho Rosales, mainit pa rin ang usap-usapan na totoong may relasyon na ang dalawa. Ang kuhang ito marahil ay isa sa mga patunay nito.

Ito ay kuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kina Jericho at Cesca sa U92 FM Station launch kagabi, March 26, sa Silver City Mall, Frontera Verde, Pasig City.

Si Cesca ay isa sa mga DJs ng naturang radio station. Nagtatrabaho rin siya bilang reporter para sa nightly showbiz talk show ng ABS-CBN na Showbiz News Ngayon.

Nando'n na si Cesca sa Silver City Mall nang dumating si Echo (palayaw ni Jericho) bandang 9 ng gabi. Halos hindi naghiwalay ang aktor at ang reporter habang nagaganap ang launching.

"EVERYTHING IS INSPIRED." Sa isang artikulo na lumabas sa PEP noong ika-18 ng Marso, sinabi ni Echo sa mga miyembro ng media na nagtanong tungkol sa diumano'y relasyon nila ni Cesca, "I can't talk much about it anymore because I just wanna keep it private na lang. I'm sorry I'm very careful [with this]."

Ito pa ang makabuluhang sinabi ni Echo tungkol sa kanyang lovelife: "I'm really happy and inspired. Everything is inspired."

Pero may kasabihan nga na "actions speak louder than words."

Dahil dito, marami na rin ang naghihintay kung kailan babasagin ni Jericho ang kanyang katahimikan tungkol sa babaeng nagbibigay sa kanya ng inspirasyon sa panahon na ito.

(CLICK HERE to watch related video.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN