Newlywed Sunshine Dizon on hubby Timothy Tan: "Noon ko pa alam na may anak si Timo."

"Marami ang lumabas na balita about him and nahihiya talaga ako sa pamilya niya," said Sunshine, who got married without fanfare to pilot Timothy Tan last March 20. "Kay Timo nga nahiya ako kasi parang naimbestigahan ang buhay niya."


Hindi umiwas o tumangging magkuwento si Sunshine Dizon tungkol sa kanyang naganap na kasalan last March 20 nang ma-corner namin siya sa kanyang rehearsal for Party Pilipinas sa GMA Network Studios kahapon, March 27.

Masayang kinuwento ni Sunshine ang ilang detalye ng kanyang pagpapakasal kay John Timothy Ong Tan at kung bakit bigla niyang naisipan mag-settle down na.

"Many are saying nga na masyado raw maaga or kung pinag-isipan ba namin ba ang pagpapakasal na iyon? Kasi nga ilang months pa lang kami ni Timo [nickname ni Timothy], so parang whirlwind romance ang lahat.

"May sinabi nga si Mommy [Dorothy Laforteza] noon sa akin na huwag kong hanapin ang lalake na para sa akin. Darating daw siya sa oras na hindi ko ini-expect... Parang hindi ako naniniwala kay Mommy noon, pero oo lang ako nang oo sa kanya. Pero talagang ngayon ko na-realize ang sinabi sa akin na iyon ni Mommy.

"Kasi nga si Timo, dumating siya talaga sa buhay ko na hindi ako prepared na magkaroon ulit ng bagong relasyon. He was just my friend. Wala kaming anumang kasunduan or anything. He was just there for me and gusto siya ng buong pamilya ko.

"At si Timo lang ang tanging lalakeng nakilala nang husto ng daddy ko noong umuwi siya dito from the U.S. As in never nakilala ni Dad ang mga past relationships ko. Si Timo lang talaga. E, that time noong ma-meet niya si Daddy, magkaibigan lang kami talaga. Kaya it's weird pero nakakatuwang isipin na we ended up together," ngiti ni Shine.

LOW-KEY NUPTIALS. Simpleng kasal lang daw talaga ang gusto nila ni Timothy. A simple gathering of ten people ang magaganap lang sana sa Valle Verde Country Club.

"Yun ang original plan namin ni Timo. Sampu lang ang guest namin. Kaso nakakahiya naman sa catering, di ba? Magpapa-cater ka for ten people lang!" sabay tawa ni Shine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So ang ginawa namin ni Mommy, we called up yung ibang relatives namin. May mga cousins ako na nandito sa Manila na very close sa akin tapos yung ibang tita ko na naging very supportive sa akin noong bata pa ako.

"Kaya umabot sa like 20 people ang tao sa kasal namin. Okey lang yung number na iyon kasi nga we want to be with people na kilala namin at yung alam naming masaya for us doing it. Walang taga-showbiz noong wedding namin. It's all close relatives and friends.

"Sa side ni Timo, hindi nakarating ang father niya kasi nga he was out of the country. Pati na yung mother niya. Kaya ang naging representative ng family niya was his cousin and a few other relatives.

"Gano'n lang kasimple ang gusto namin. Walang hassle, walang masyadong fanfare. Kaya it was a very meaningful affair para sa amin."

SHE'S NOT PREGNANT. Nag-deny si Sunshine na buntis siya kaya siya nagpakasal kaagad.

"Natatawa ako sa iniisip parati ng ibang tao. Kailangan ba buntis ako para lang maikasal? Natawa lang talaga ako kasi ilang beses na akong nabalitang nabuntis, di ba? Sana ang dami ko nang anak!" tawa niya ulit.

"Pinaplano pa namin ni Timo yung magiging pamilya namin. Siyempre, we want a big family. Si Timo kasi only child lang siya sa pamilya nila. Ako naman, iilan lang kami rin. So kung magpapamilya kami, gusto namin malaki na.

"But I am still going to school kasi. I have nine months to go pa sa culinary arts course ko. Mahirap ang mga ginagawa ko kaya parang imposible muna akong mabuntis. Sa school pa naman namin ay bawal ang mag-absent, bawal ang ma-late. E, kinukuha ko na nga siya in a span of nine months lang. Kaya I can't afford to stop my studies.

"Si Timo naman, he also has his own job. He's a pilot and he has a lot on his hands right now. Kaya kung magpapamilya kami, we need to plan it. Pero kung ipagkakaloob ni God na mabuntis ako agad, wala na kaming magagawa. It will be a blessing for both of us kung mangyari nga iyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HARSH SPOTLIGHT ON HUSBAND. Sumama lang daw ang loob ni Sunshine sa mga balitang nagsulputan matapos ikasal sila ni Timothy. Ayon sa mga balita, hindi raw ito totoong piloto, at bago si Sunshine ay may ibang karelasyon ito at may anak sa ibang babae.

"Marami ang lumabas na balita about him and nahihiya talaga ako sa pamilya niya," sabi ni Sunshine. "Kay Timo nga nahiya ako kasi parang naimbestigahan ang buhay niya.

"Ako na nagsasabi, noon ko pa alam na may anak si Timo. It's fine with me kasi it happened, e. Baby pa naman yung child niya. Wala namang dapat na ikahiya doon kasi anak naman niya iyon. Hindi mo naman puwedeng itago iyon. Sa una pa lang naman, inamin na sa akin iyon ni Timo.

"He also admitted to me that he had many affairs with different women. Hindi naman ako magugulat kasi guwapo, matangkad, matalino at mabait ang mister ko. Pero he said na sa dinami-dami ng mga babaeng nakarelasyon niya, isa lang daw ang pinakasalan niya at ako iyon. Natuwa naman ako sa pagkuwento niya sa akin niyan kasi wala naman akong balak na ungkatin pa iyon. Nanggaling na sa kanya iyon.

A REAL PILOT. "And regards sa hindi raw siya pilot. It's so unfair to say that because Timo graduated pa nga cum laude sa class nila. He's working for a well-known airlines company. Hindi naman siguro siya iha-hire kung hindi siya nakatapos, di ba?

"Actually ngayon, he's parang promoted to a different rank. Kaya he's taking up this additional course para makuha niya iyon. Magte-test pa nga siya kasi he's up for that rank.

"Kaya sana naman, maging fair ang pagbabalita ng iba about these things. Kasi nga hindi naman sanay ang tao sa ganyan, ayoko namang matakot siya or magalit siya sa kahit kanino. Mabait ang mister ko and ayoko siyang makitang bothered or nase-stress out dahil lang sa mga lumabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At sana nga, maging masaya na sila sa pinili kong buhay na ito. I know na it's all such a big thing kaagad. Pero it's the life I chose and I just want people to be happy for me and my husband. Kahit iyong thought na happy sila for us ay okey na sa amin."

PARTY HOSTING. Tuloy pa rin daw ang pag-aartista ni Sunshine kahit na may asawa na siya. Tulad nito ay parte siya ng Party Pilipinas.

"Yun naman ang pinag-usapan namin ni Timo. Lumaki na ako sa business na ito and it's hard to take it away from me. He respects that naman. Pero siyempre, may mga limitations na rin. As his wife, susundin ko naman siya sa mga gusto niyang mangyari.

"So far, itong Party Pilipinas pa lang ang ginagawa ko for GMA-7. Wala pa naman akong TV series na gagawin kasi nga hectic ang schedules ko sa school. Kung anuman ang ibigay sa akin, I am very thankful parati sa GMA-7."

Ang church wedding daw nila ay baka mangyari within the year.

"We are hoping sa December. Kasi nga it depends sa pag-uwi ng dad ko. Gusto ko kasi na nandiyan siya para siya ang maghatid sa akin sa altar, di ba? Once in a lifetime lang ito mangyayari and gusto namin ay kumpleto kami," pagtatapos ni Sunshine Dizon-Tan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN