TV host Bianca Gonzalez does not aspire to become an actress

Bianca Gonzalez is momentarily co-hosting the nightly showbiz magazine show SNN while regular co-host Kris Aquino is on leave.


Happy ang resident ABS-CBN host na si Bianca Gonzalez sa mga iniaatang sa kanyang hosting jobs ng Kapamilya network. Ang latest ay ang pansamantalang pagiging co-host ng Showbiz News Ngayon (SNN) na kanyang ini-enjoy nang husto.

"Sobrang honored ako!" ganito ang naibulalas na damdamin ni Bianca nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Channel 2 studios after her live stint with SNN.

"Kasi, first of all, ang SNN, hindi lang ang show kundi lahat dito...favorite ko talaga si Boy Abunda [her manager]!" sabi ni Bianca. "Dati pa, pinapanood ko 'yan pag nasa bahay ako."

Kaya naman nang ma-assign siyang maging kapalit nang mag-file ng leave of absence si Kris Aquino (Abunda's co-host) ay hindi naka-hindi si Bianca. Hindi niya matatanggihan ang assignment na gusto niya, bagamat nahihiya at kabado sa naiatang na tungkulin.

For one, bilang pansamantalang kapalit ng isang Kris, para kay Bianca, is an honor and a big responsibility.

"Nanliliit ako," sabi ni Bianca. "Everybody tells me, in every episode, 'Wag mong isipin na si Boy Abunda [ang kasama mo]. Kasi kung hindi, wala na akong masasabi."

HAPPY FOR ZANJOE AND MARIEL. Madalas mapanood si Bianca Gonzales sa mga programa ng Kapamilya station, tulad ng Cinema One News Alert, Entertainment Live, Y-Speak at tuwing ongoing ang Pinoy Big Brother edition na kanya ring pinagsimulan as an alumna.

Naging close nga raw sila ni Zanjoe Marudo noon as housemates.

"When we were housemates, dun ako parang [na-link kay Zanjoe]...isa sa mga story lines ng edition na 'yon," pagri-reveal ni Bianca.

Now, magkasama lang sila ni Zanjoe sa ABS-CBN, bilang Kapamilya talents. Walang anumang ugnayan o kahit seryosong "past" na mababanggit si Bianca tungkol sa kanila ng aktor.

"Not at all," nangiti lang si Bianca. "At saka sobrang ako pa yung happy sa kanila ni Mariel [Rodriguez, Zanjoe's girlfriend] talaga. Gustung-gusto ko yung personality nila na parehong nakakatuwa, fun to be with talaga!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PBB TEEN EDITION SOON. At present, Bianca is satisfied with her hosting chores for the Kapamilya network. Hindi siya nag-a-aspire—not yet anyway—na maging isang movie actress.

"No, no. I'm just a host talaga. Mag-i-start uli ako sa PBB [Pinoy Big Brother] sa April 10, yung Teen Edition," sabi ni Bianca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN