Kris Bernal explains three birthday gifts she gave Aljur Abrenica

"Hindi naman porke't nagregalo ako ng tatlong bagay sa kanya at ginawa kong special yung birthday niya, e, kami na. Siguro, yun lang ang pagkakataon ko na iparamdam sa kanya na 'importante ka sa akin at naa-appreciate ko ang mga ginagawa mo,'" says Kris Bernal about the three gifts she gave Aljur Abrenica on his birthday.


All-out ang suporta ni Kris Bernal sa first major concert ng ka-loveteam niyang si Aljur Abrenica last March 26 sa Zirkoh Tomas Morato, ang I'm Yours. Masayang-masaya raw si Kris para kay Aljur lalo pa't alam niya kung gaano ito kabado bago ang mismong gabi ng concert.

"Napaka-successful ng concert niya at happy ako dahil alam ko na isa ito sa birthday wishes niya—ang maging successful ang concert niya. Very obvious naman na napakaraming taong pumunta at napakaraming taong sumuporta sa kanya. Nakita ko sa kanya, sa mukha niya, yung aura niya na masayang-masaya siya ngayong birthday niya.

"At saka, proud ako sa kanya. Kumbaga, makikita n'yo rito sa first concert niya kung gaano na rin ka-successful ang narating niya sa career niya. Natutuwa rin ako na yung album niya, magandang regalo rin sa kanya at yung kaso niya, natapos na rin. So, nagsabay-sabay lahat. Si Lord, talagang pinasaya siya ngayong birthday niya," pahayag ni Kris nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Alam naman daw ni Aljur na pagdating sa suporta, nakahanda siya para rito.

"Sinabi ko naman kay Aljur na, 'Kahit anong kailangan mo, palagi lang akong nandito. Kapag may problema ka, nandito lang ako. Kahit na anong pinagdadaanan mo, nandito lang ako. Lahat dededmahin ko, matulungan lang kita.'"

THE BRACELET. During their number sa mismong concert ni Aljur, naging witness ang lahat ng tao sa Zirkoh nang ibigay ni Kris ang birthday gift niya sa ka-loveteam. Isang Charriol bracelet ang ibinigay niya rito. Pero bakit nga ba bracelet ang naisipan niyang iregalo kay Aljur?

"Kasi, ang usual ko na ibinibigay sa kanya parang mga scrapbook or collage ng pictures namin. This time naman, gusto ko naman na yung something na madadala niya, maisusuot niya araw-araw. Yung kapag nakita niya, maaalala niya ko. So, naisip ko yung bracelet," paliwanag ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinadya niya bang sa mismong show ni Aljur niya ibigay ang kanyang regalo?

"Sinadya ko. Kasi noong mismong birthday niya [March 24], ang ibinigay ko, dalawang polo. Kaya ko siya binigyan ng dalawang polo kasi gustung-gusto ko siya kapag naka-polo. E, ang guwapo-guwapo niya kapag naka-polo siya. Tapos, gusto ko rin na yung dalawang polo na yun, gamitin niya para sa concert niya."

At ginamit nga ni Aljur sa I'm Yours concert nito ang polo na bigay niya.

Dugtong pa ni Kris, "Siyempre, nakakabitin. Tapos, naisip ko nga, sinadya ko talaga na dalawa lang dahil may pangatlo pa. Yung bracelet ang pangatlo."

Talagang ginawa niyang tatlo. Does it mean, "I love you"?

"Hmmm, oo, yun na rin yun!" natatawa naman niyang pag-amin. "Siyempre, hindi naman mawawala yun. Three years na rin kaming magkasama. So, yung I love you, I love you as a friend. Bilang kaibigan niya."

Ano ang sabi ni Aljur sa ibinigay niyang bracelet?

"Nagulat siya. Kasi nga, ilang beses din naming ni-rehearse yun. Wala namang eksena na iaabot. Wala sa script. So, yun, nagulat din siya. Hindi niya talaga alam. At sana natuwa siya. Kumbaga, yung bracelet na yun... Binigyan niya kasi ako ng necklace noong birthday ko. Palagi kong suot. So, kapag nakikita ko yun, naaalala ko siya. Ngayon, binigyan ko rin siya ng something na maaalala niya ako at palagi niyang suot."

Puwede kayang isipin ng mga tao, especially their fans, na sila na nga?

"Hindi naman," sagot ni Kris. "Hindi naman porke't nagregalo ako ng tatlong bagay sa kanya at ginawa kong special yung birthday niya, e, kami na. Siguro, yun lang ang pagkakataon ko na iparamdam sa kanya na 'importante ka sa akin at naa-appreciate ko ang mga ginagawa mo'.

"Kasi, minsan lang namang mangyari 'to. Once in a blue moon lang naman kami yung ganitong pagkakataon lang. So, nag-take advantage akong talaga na ano ang puwede kong gawin para mapasaya si Aljur? Ano ang puwede kong ibigay para matuwa siya sa birthday niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Kris, personal daw niya talagang binili ang naturang bracelet.

LAST PRINCE. Nalaman din namin kay Kris na mag-e-extend ang The Last Prince, ang telefantasya na pinagbibidahan nila ni Aljur.

"Masaya kami kasi magaganda ang feedback ng mga tao. Ako, nababasa ko pa rin ang mga comments ng mga sumusuporta sa amin. Nagtatanggol sa amin. Talagang very thankful ako sa kanila at dahil sa kanila, ang taas-taas talaga ng rating ng The Last Prince," nakangiting sabi ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN