Luis Manzano on ex-girlfriend Angel Locsin: "She's not an alcoholic."

"I can honestly say na hindi ganun si Angel. I've never seen her tipsy, wala talaga. Hindi talaga umiinom si Angel. Trust me, she is the farthest thing from an alcoholic," says Luis Manzano.


Sunud-sunod ang lumabas na mga negatibong balita tungkol kay Angel Locsin. Nandiyang lumayas daw siya sa bahay nila, sumakay ng taxi papuntang airport, nagpunta ng Hong Kong kasama ang isang kaibigan, at alcoholic na raw sa ngayon ang aktres.

Tuloy, inisip ng kanyang mga tagahanga na mukhang dumaraan sa mabibigat na problema si Angel.

Lalo pang tumindi ang hinala ng iba na may katotohanan ang balita nang piliin ng aktres na manatiling tikom ang bibig noong una tungkol sa mga isyu sa kanya. Pero kung si Angel chose to keep mum about all these intrigues, pinagtanggol naman siya ng ex boyfriend niyang si Luis Manzano at nagsabing walang katotohanan ang mga ibinabatong intriga sa dating kasintahan.

"I know for a fact, I can swear na hindi lasenggera si Angel. She's not an alcoholic," mariing sabi ni Luis sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Nakasama ko na rin siyang lumbas and trust me, kahit katiting ng pagiging alcoholic, wala talaga.

"I can honestly say na hindi ganun si Angel. I've never seen her tipsy, wala talaga. Hindi talaga umiinom si Angel. Trust me, she is the farthest thing from an alcoholic."

Nilinaw rin ni Luis ang isyung lumayas ng bahay ang ex-girlfriend at nagpunta ng Hong Kong with a friend.

"Paano siya naglayas kung nag-rehearsal siya?" sabi ni Luis. "I think nakunan pa ng Star Cinema na nag-screening siya for her movie. But it's true that she went to Hong Kong for a vacation."

Ayon pa kay Luis, mas mabuti na rin kung si Angel na ang magsalita at magbigay ng panig niya tungkol sa mga isyu sa kanya sa ngayon. Na siyang ginawa naman ni Angel sa guesting niya sa The Buzz kahapon, March 28.

Inamin din ng TV host-actor sa PEP na napag-usapan na nila ng ni Angel ang tungkol sa mga isyung pinupukol dito. Pinagtatakhan nga raw ng aktres kung saan nanggagaling ang mga nasabing balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There's so many versions coming out, yung paglalayas and everything," sabi ni Luis. "Let's wait till she talks kasi pag nagsalita ako, version 4 na yun. Let's wait till she talks to clarify everything.

"I think she knows better. Alam naman niya na hindi pinapatulan ang mga ganun. Pero siguro if it really gets to her, once and for all, magsasalita yun to clear everything, though I know for a fact na ang labo ng mga issues na yun."

Kinumusta rin namin kay Luis ang panunuyo niya uli kay Angel at kung may linaw na ba ang lahat ngayon.

"We're very, very fine, taking time very, very slow. Sabi ko nga before, kung anuman naging gusto namin, we're trying our best na planstahin kahit na matagalan pa. If ever na maayos, ayos na ang lahat," sagot niya.

MOVIE WITH JUDAY & SARAH. Sa ngayon ay abala si Luis sa shooting ng pelikula niya with Judy Ann Santos and Sarah Geronimo under Viva Films. Kumusta na ang shooting nila?

"Okey naman, malapit na," sabi niya. "So far, nakakarami na kami. Sabi ni Sarah, kinikilabutan daw siya sa kilig. Sana ganun din ang maramdaman sa amin ng mga viewers.

"It really helps to develop our closness. I would like to think naman na ever since, even before the movie pa, that Sarah and I have a bond na nakakapagkuwentuhan kami, nagkaka-text kami. I would like to think na we have a level of closeness na sana naman nadagdagan pa dahil sa movie."

Tinanong din namin si Luis kung marami ba silang adjustments na ginagawa ngayong buntis si Judy Ann?

"Hindi naman, okey naman. Of course, hindi naman namin nginangarag si Ms. Juday. Nakaeksena ko na siya, comedy yung eksnena actually. It was shot in a comedy manner, comedy yung scenes," banggit ni Luis.

FILM PRODUCER IN THE MAKING. Isa sa mga artistang dumalo sa special screening ngKimmy Dorasa Boracay si Luis. Sinabi sa amin ni Luis na interesado siyang makipag-co-produce with Spring Films na siyang nag-produce ng launching movie ni Eugene Domingo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami nila Piolo, we are talking about a certain project na kami-kami ang magpo-produce and hintayin na lang nila kung matutuloy yun. I believe okey naman sa Star Cinema because I'm working with Viva. I don't think naman na there's an issue in terms of exclusivity," sabi niya.

ACTING NOMINATION. Nominated si Luis sa 26th Star Awards for Movies for Best Supporting Actor dahil sa mahusay na pagkakaganap niya sa pelikulang In My Life. He's also nominated in the same category by the Golden Screen Awards. Nanalo na siya early this year sa Gawad Tanglaw para pa rin sa pagganap niya sa naturang pelikula, kung saan nakasama niya ang ina niyang si Vilma Santos at John Lloyd Cruz.

"Maraming salamt sa PMPC for the nomination, sa ENPRESS, maraming-maraming salamat sa nomination para sa In My Life, na na-recognize kahit papaano. Whether manalo o hindi, the fact na ma-nominate lang ako, napakalaking karangalan na.

"Napakalaki ng pasasalmat ko sa Gawad Tanglaw for that award. I can say na ganap na akong aktor, so maraming-maraming salamat sa kanila," saad ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN