Derek Ramsay on controversial photo with Angelica Panganiban: "I find it amusing."

"Natawa nga kami sa photo. It's an amusing photo, it made me go back to that day and it was really a fun day. It's not an issue for both of us. Yun nga lang, nasa kulturang Filipino na dapat nirerespeto ang babae, di ba?" says Derek Ramsay about his photo with girlfriend Angelica Panganiban that came out in a tabloid.


Pagkatapos lumabas sa isang tabloid ang controversial photo nina Derek Ramsay at Angelica Panganiban na kuha raw sa Boracay two years ago, kung saan nakapasok ang kamay ni Angelica sa boxer shorts ni Derek Ramsay, agad na lumabas ang kuwento na may kasunod pa raw na pictures ng dalawa ang lalabas. Isa raw kaibigan ng aktor ang nagbenta nito sa naturang tabloid.

Sa nakaraang annual show ng Guard All Electronics Security System Inc., ang family business ng mga Ramsay, ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) upang kunin ang reaksiyon ni Derek tungkol dito.

"It was mentioned to me, but hindi ako naniniwala na gagawin sa akin ng kaibigan ko yun," sabi ni Derek. "There's so many ways kung paano lumabas yung pictures, so hindi ko na paiimbestigahan pa. Wala naman kasi silang sinasabing pangalan. Basta ang sinasabi nila, one of my friends. But I know all the people that were there [in Boracay] that day, they're not only my friends, mga teammates ko rin ang mga yun. Kilala ko sila, for them to sell the pictures?

"Maniniwala pa ako kung binigay sa kanila ng kaibigan. Parang okay, if that's the case, what can I do? It's better for me kasi nalaman ko na hindi ko siya talaga kaibigan. Hindi ako nagagalit sa taong yun. At least, now I know who I can trust and I can take that person off my life. Better pa something like this kesa maloko pa ako sa pera o sa ibang bagay.

"If that picture they talked about that day, siguro kung masagwa yung pictures na nilabas sa akin, na para sa akin ay hindi naman masama, pero yun na ang pinakamasama, what for, di ba? Lalabas na iba na talaga ang intentions nila," pahayag ni Derek.

Naapektuhan ba nang sobra si Angelica sa lumabas na picture nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She's very good," sagot ni Derek. "She's not feeling well lang, may sakit siya ngayon kasi grabe siyang magtrabaho. Pagkagaling sa Bora [for ASAP XV], diresto siya agad sa taping.

"Natawa nga kami sa photo. It's an amusing photo, it made me go back to that day and it was really a fun day. It's not an issue for both of us. Yun nga lang, nasa kulturang Filipino na dapat nirerespeto ang babae, di ba? Ang babae nandito, una ang Diyos, sumunod ang mga magulang, the respect for women. It's kind of unfortunate pero she has a great attitude na 'Keber, boyfriend ko naman ito?'"

Sa kabila ng nangyari, sinabi ni Derek na wala silang plano na magdemanda o gumawa ng legal na aksyon.

"Like I've said nga, nagpapasalamat ako sa [tabloid] na pinatay nila yung issue na hiwalay kami ni Angel. I really find it amusing and I don't think na nilabas nila yun para manakit sa amin ni Angel. Nagte-thank you pa nga ako. It was an amusing photo, baka hindi lang nila naisip na baka masaktan nga si Angel. Buti na lang si Angel has that personality na wala sa kanya, so wala talagang issue. I completely respect na binigyan ng view of a lawyer against this, but we have no plans," saad ng actor.

DEREK'S FAMILY LIKES ANGELICA. Matagal na ring bali-balita na hindi raw boto kay Angelica ang pamilya ni Derek. Pero ayon sa aktor, maganda ang relasyon ng girlfriend niya sa kanyang pamilya, contrary sa mga lumabas na balita.

"They talk all the time and she gets along with my family. My sisters are very close to her, so I don't know kung saan nanggaling 'yan. Dito nagiging sensitive ako, kasi totoong tao ang pamilya ko, hindi sila nakikipagplastikan for my sake. Alam nila ang gusto ko. Pag hindi nila gusto, they let me know, they let that person know. Angel will definitely feel it. The best person to ask will be Angel."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SOAP WITH GRETCHEN. Ipinapalabas pa rin hanggang ngayon ang teleseryeng Habang May Buhay, pero sisimulan nang gawin ni Derek ang teleseryeng Magkaribal, kasama sina Bea Alonzo at Gretchen Barretto.

Balitang may sizzling love scene daw agad na kinunan sina Derek at Gretchen na baka pagselosan daw ni Angel at ng partner ni Gretchen na si Tonyboy Cojuangco. Lalo na't open ang aktres na crush niya si Derek at ito nga ang ni-request niya na maging leading man sa nasabing teleserye.

"Intense, yun lang ang masasabi ko," paglalarawan ni Derek sa naturang eksena. "May eksena na pinagawa sa amin, ice breaker daw. I can say na talagang ice breaker nga. Siguro hindi na kami mahihiya sa isa't isa ni Gretchen kasi grabe yung eksena, talagang grabe!

"Sa umpisa, I can say na may ilangan. Pero nung nagsabi na ng 'Take' ang direktor, nakita ko kung gaano ka-intense si Gretchen, how she is into her character, nadala na ako.

Dagdag niya,"Walang issue yung sinasabing selosan kasi we're professionals here, this is our work. I've never met Sir Tonyboy but sabi naman ni Gretchen, it's not an issue to him. Like I've said, lahat kami professionals dito. Gretchen is a great actress and I'll be doing my work. It's all just acting."

Aminado si Derek na isa lang si Gretchen sa mga babaeng naka-intimidate sa kanya.

"She's Gretchen Barretto," sambit niya. "I mean this as a compliment, she's a very intimidating woman. I've been intimidated only by handful of women coz I don't easily got intimidated. They are Kris Aquino, Maricel Soriano, Gretchen Barretto, and my mom [Medy Ramsay]. When they walk into the room, you feel their presence. But once na kausapin mo, sobrang bait naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN