Eugene Domingo wants to win an award so she can give it to Piolo Pascual

The comic's busy schedule doesn't leave her much time for love. "Wala na nga, hayaan mo na! Okey na yung kinikilig-kilig ako paminsan-minsan kapag napapaligiran ako ng mga pogi. Mabait si Lord, di ba? Okey na yun," said the Urian Best Actress nominee for Kimmydora, which was produced by Piolo Pascual.


Si Eugene Domingo na yata ang isa sa busiest actresses sa local showbiz, pero gustung-gusto niya raw ang pagge-guest niya sa top-rating Kapuso series na First Time.

Iba raw kasi ang dating sa kanya ng batang cast. Refreshing, as Uge [palayaw ni Eugene] described it.

"Nakakahawa yung kanilang passion, di ba? Parang wala silang inisip na ibang gagawin. Parang wala silang problema. Parang naka-focus lang sila sa ginagawa nila. Yung pilot nila, ang ganda-ganda.

"Ikinuwento nga sa akin ni Direk Andoy [Ranay] yung lahat ng experience on and off cam. Natuwa ako. Parang gusto ko rin ma-experience yung mga bata. Sila Barbie [Forteza], sila Joshua [Dionisio]. Alam mo yun, fresh? Parang gusto mo rin ng fresh."

COUNSELOR BARBARELLA. Pasulpot-sulpot ang role niya sa First Time sa mga susunod na episodes bilang guidance counselor na nagngangalang Barbarella Buncalan Jackson.

"Hindi naman kasi matatapos ang mga problema ng mga bata, parang tinutuwid mo lang. E, kasi kung nakakanood kayo, pati mga teachers may problema! So, dapat lang na mapanood sa TV na may magsasabi na kung ano ang dapat makita ng mga bata, so, susubukan ko sanang ako yun," hirit niya.

Dugtong ni Direk Andoy, si Uge raw ang word of wisdom ng show.

"Talbog! Ha ha ha!" ang reaction ng award-winning actress.

Busy ang komedyante sa both TV and films. Magtatapos na ang Hot Mama at Cool Center, pero may sisimulan siyang show na Comedy Bar sa GMA-7 na kasama sina Allan K at Fabio Ide. Sa pelikula naman, malapit nang ipalabas ang Working Girls at kasalukuyan namang sinu-shoot niya ang Here Comes The Bride. Malapit na rin daw simulan ang part 3 ng Kimmydora.

"Tinitingnan namin kung magsisimula kaming mag-shooting ng June kasi yung script, matatapos ng May. So, as soon as lumabas yung script, magsu-shooting na kami agad. Yung Here Comes The Bride, showing nun sa June."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BOYLET INSPIRATION. Desisyon ni Uge na huwag nang kumuha ng manager. Mas effective ba sa kanya ang ganitong setup?

"Well, nagkataon lang din naman na after Kimmydora, dumagsa [ang offers]. At nagkataon din lang na gustong-gusto ko. Talagang mas doble yung kagustuhan ko na gumawa ng pelikula ngayon at sumubok ng kung anu-ano pa. Para mas ganado ako, mas ma-inspired ako, ganun."

Nang banggitin ni Uge ang pangalan ng Japanese-Brazilian actor na si Fabio Ide, may diin, kaya tinukso itong may bago na naman siyang boylet at siguradong kakainggitan na naman siya.

"Huwag na kasing kaiinggitan, sabihin na lang natin na gawin na lang na inspirasyon," natatawa niyang sabi. "Okey siya ano? Si Fabio... mabait siya at saka nakakasakay siya. Nag-aaral siyang mag-Tagalog at saka maganda ang sense of humor."

Sobrang busy niya, so, paano na ang lovelife niya?

"Wala na nga, hayaan mo na! Okey na yung kinikilig-kilig ako paminsan-minsan kapag napapaligiran ako ng mga pogi. Mabait si Lord, di ba? Okey na yun."

SOMETHING FOR PIOLO. Mas gusto pa nga raw niya na kung sakali, award ang masungkit niya for her performance in Kimmydora. Nominated si Uge sa ilang award-giving bodies.

"Yun, yun talaga ang gusto ko. Sana makatisod ako kahit isa, maibigay ko kay Piolo Pascual. Yun, tatanggapin ko yun. Hindi naman masamang magnasa kahit isa, di ba? Kahit tie, kahit triple-tie, kahit saling-pusa, makapag-uwi ako, ibibigay ko lang kay Piolo," natatawa niyang sabi.

Sa huli, si Uge, na hindi nababalitaang may ineendorsong kandidato, ay tinanong kung sino ang iboboto niyang presidente.

"Wala e.... wala ako sa tamang pag-iisip para maisip ko talaga kung sino ang tamang presidente para sa atin. Parang ngayon, naniniwala ako na dapat nating isipin na tayo ang presidente ng sarili natin because we already experienced a lot of presidents... Pamunuan natin ang sarili natin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN