John Prats tackles breakup with Shaina Magdayao with humor

Asked what he would do if he came face to face with John Lloyd Cruz, who's been sighted with his ex-girlfriend, John Prats said: "Magpapa-autograph ako, he-he-he."


Naghahanda na para sa kanyang production number sa bonggang launching ng TV5 si John Prats noong makausap namin siya backstage.

Siyempre pa'y ang ex-girlfriend pa rin na si Shaina Magdayao ang topic ng interview.

Hindi ba niya sinubukan na isalba ang relasyon nila ni Shaina?

"Of course on my part I've really tried my best... Lahat naman ng ginagawa ko, I always try my best para no regrets."

Sinabi ni Ruffa Gutierrez sa kanyang interbyu sa launching din ng TV5 na since August 2009 pa lang daw ay alam na niya na may nangyayari kina John Lloyd Cruz at Shaina. December bago mag-Christmas ang breakup nina John Prats at Shaina.

Kailan niya nalaman ang tungkol kina John Lloyd at Shaina?

"Actually, hindi ko na matandaan kung anong date. Wala, na-lost track ako nung mga panahon na yun... Siguro nga ganun talaga ang buhay, 'no?

"Sana kasi, open pa rin talaga ako sa possibility na puwede pala talagang mangyari na hindi kayo mag-e-end. Hindi siya fairy tale na hindi lahat happy ending."

"YUN ANG TSISMIS." May tsismis na gusto raw makipagbalikan sa kanya ni Shaina pero siya raw ang ayaw?

"Yun ang tsismis, he-he."

Totoo nga ba na siya ang nakipag-break kay Shaina through text message?

"It was a mutual decision. Kasi we never had a chance. Nag-cool off muna kasi kami and we never had the chance to see each other."

Ilang buwan silang nag-cool off?

"Two weeks, mga ganun."

Bakit sila nag-cool off?

"Siguro, yun nga, mga personal differences."

Hindi dahil sa may third party?

"Yun ang gusto kong paniwalaan."

Open ba siya sa possibility na maging magkaibigan sila ni John Lloyd?

"Never naman kaming naging close, e... Ang daming nagsasabi kung sasapakin ko raw, kung totoo... Hindi kasi ako ganung tao, e... Naniniwala ako na kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"MAGPAPA-AUTOGRAPH AKO." Kung magkikita sila ni John Lloyd, ano ang una niyang gagawin?

"Magpapa-autograph ako, he-he-he. Magpapa-picture ako, hahaha!"

Ano ang masasabi niya sa ipinalabas na VTR sa Showbiz News Ngayon kung saan ipinakita na sumusulyap-sulyap sa kanya si Shaina habang nagre-rehearse sa taping ng ASAP XV sa Boracay?

"Baka gusto niya yung tan ko, ha-ha-ha!"

Ano ang nararamdaman niya kapag nakikita niya o nababalitan na magkasama sina John Lloyd at Shaina?

"Okey na ako... parang ngayon ko nae-enjoy yung time ko with my friends... Kung may dyowa ka hindi mo naman mae-enjoy yun, e, di ba?... Nung kami that time, most of my time usually kapag wala akong trabaho, sa kanya."

Ano ang reaksyon niya noong mapabalita na lumalabas daw at umiinom sina John Lloyd at Shaina?

"Drink moderately, he-he. Don't drive while you're drunk."

Bakit matagal bago lumabas na break na sila?

"Kasi wala naman akong gustong sabihin, e... Yun yung stage ng buhay mo na ayaw mo nang magsalita... gusto mo nang manahimik... Hindi ko rin naman gusto yung nangyari."

"ACCEPTED KO NA." Naka-move on na ba siya?

"Oo, definitely."

Anong ginawa niya?

"Nung nangyari yun, mahirap talaga. Stage yun, e. And nandito na ako sa stage na accepted ko na. Na wala naman akong choice but to be okey, di ba?"

May nararamdaman pa rin ba siyang pagmamahal kay Shaina?

"Lahat naman ng naging ex ko siyempre lagi silang may special place in my heart and never akong magba-bad mouth against them. Hindi ko naman gawain talaga yun."

Ano naman ang sinabi sa kanya ng Magdayao family?

"Okey kami. I mean, kami nina Ate Vina [Morales]. Well, nung rocky naman kami, sila yung kausap ko, e... That's why okey kami ngayon. Alam naman nila na, hindi naman sa wala akong kasalanan... [pero] I never cheated and never kong sinaktan si Shaina, physically and verbally."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN