Tanya Garcia is three months pregnant with her and Mark Lapid's second baby

"Kung ano yung naramdaman ko noong nabuntis ako kay Mischa, yun ulit ang pakiramdam ng katawan ko. So I took a pregnancy test at positive nga. Tinawagan ko si Mark at sinabi ko na humawak siya sa anumang makakapitan niya kasi may ibabalita ako sa kanya. So, akala niya pagkakagastusan na naman. Pero noong sinabi ko na 'I'm pregnant,' talagang sumigaw siya sa tuwa. At mabilis siyang umuwi para makita ako," relates Tanya Garcia.


Masayang ibinalita ni Tanya Garcia sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na three months pregnant na siya sa ikalawang anak nila ni Mark Lapid nang makausap namin siya sa grand opening ng AlCUTraz Hair Studio sa Metrowalk Commercial Complex, Ortigas Center last March 27, Saturday.

Ikinuwento ni Tanya na dapat ay sa December this year ay magpapakasal na sila ni Mark. Nagpaplano na raw sila kung saan gagawin ang kanilang wedding, pati ang wedding gown na isusuot ni Tanya ay pinaghahandaan na.

"Ever since naman na natapos na yung problema ni Mark doon sa first marriage niya last year, we were already planning it nang paunti-unti. Since campaign period nga ni Dad [Lito Lapid, Tanya's father-in-law], we were going to sit down on it mga bandang June or July kapag tapos na ang election.

"Siyempre ang una ko munang inasikaso ay ang magiging wedding gown ko, di ba? I was telling him [Mark] nga na gusto ko yung mga gawa ni Monique Lhuillier. Kahit na yung mga off-the-rack niyang wedding gowns lang, okey na sa akin kasi gustung-gusto ko siya. Kesa kasi sa magpa-design pa ako, baka mas mahal pa at matagal gawin. Kaya balak namin to go to the U.S. para tumingin sa boutique ni Monique Lhuillier. Basta lahat 'yan magagawa namin after elections sana," saad ni Tanya.

SECOND PREGNANCY. Pero biglang dumating ang hindi inaasahan ni Tanya na pagbubuntis niya ulit sa pangalawang baby nila ni Mark.

"Noong isang taon pa naman kami talaga nagta-try ulit ni Mark. Kasi nga two years old na si Mischa [their first child] at gusto na namin siyang bigyan ng kapatid. Pero we weren't lucky pa sa pagbuo ulit. So, parang bahala na. Kung bibigyan ulit kami ni Lord ng isa pang baby, it will happen na lang. Kaya hindi na kami nag-try ng sobra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Then a few months after, parang iba na yung pakiramdam ko. Kung ano yung naramdaman ko noong nabuntis ako kay Mischa, yun ulit ang pakiramdam ng katawan ko. So I took a pregnancy test at positive nga. Tinawagan ko si Mark at sinabi ko na humawak siya sa anumang makakapitan niya kasi may ibabalita ako sa kanya. So akala niya pagkakagastusan na naman. Pero noong sinabi ko na 'I'm pregnant,' talagang sumigaw siya sa tuwa. At mabilis siyang umuwi para makita ako," kuwento niya.

Pero maingat pa rin si Tanya sa kanyang muling pagbubuntis dahil maselan siyang magbuntis.

"Tulad nga noong nagbuntis ako kay Mischa, talagang hindi ako puwedeng kumilos no'n. I was always lying down kasi may risk nga na hindi mabuo yung pagbubuntis ko. Pero nagpapasalamat ako kay Lord na naligtasan namin ni Mischa 'yon. Kita n'yo naman, healthy baby girl si Mischa.

"My doctor said medyo at risk na naman itong pagbubuntis ko and she advised na hindi ako puwedeng ma-stress, mapagod, or yung magbiyahe nang matagal. Baka raw kasi maging masama sa katawan ko.

"Itong opening kasi ng AlCUTraz, hindi na namin puwedeng i-postpone kaya sinabi ko sa doctor ko na it's only for one day na bibiyahe ako to Manila from Pampanga. Family business kasi namin ito kaya kailangan nandoon ako with Mark. So, pinayagan naman ako ng doctor. Pero ito na yung last time na bibiyahe ako nang mahaba. Kaya sa Pampanga na muna ako habang buntis ako."

Sa huling check-up ni Tanya ay maayos naman daw ang lagay ng second baby nila ni Mark. May heartbeat na ito at normal ang signs sa ika-third month nito.

"I'm so thankful kay God kasi nga nandiyan Siya to always protect me and my family," sabi niya. "Kaya it's my duty naman na pangalagaan ang sarili ko rin. Buti na lang nandiyan ang family ko at family ni Mark to help me out. Kung may kailangan daw ako na manggaling sa Manila, sila na ang kukuha for me. Itong salon nga, may mapagkakatiwalaan naman ako na mag-manage habang nasa Pampanga ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Seafoods ang cravings ni Tanya noong nagsimula siyang maglihi.

"Basta gusto kong kumain ng isda. Iba-iba kasi ang gusto kong seafoods. Once na natikman ko, ayoko na. Iba naman ang hahanapin ko. Minsan nga, naglambing ako kay Mark na ipagluto niya ako ng adobong pusit. Natawa siya at sinabing ibang klaseng luto na lang daw ng pusit ang hilingin ko baka raw kasi maging kakulay niya yung second baby namin!" tawa ni Tanya.

WISHING FOR A BABY BOY. Dahil babae na ang panganay nila, gusto raw nina Tanya at Mark na lalake naman this time ang maging anak nila.

"Kasi nga may baby girl na kami kaya lalake naman ang gusto namin. Pero kung ipagkakaloob sa amin ni God na babae ulit, okey lang. Basta normal and healthy baby siya," sabi ni Tanya.

May name na ba silang naiisip kung sakaling babae o lalake ang second baby nila?

"May naisip na nga akong name. Kakaiba rin. Natawa nga si Mark kasi iba raw ako makaisip ng name. Tulad nga ng pinangalan namin sa una, Mischa Amidala. Kakaiba iyon, di ba? Gusto ko kasi yung walang katulad. Kapag nanganak na ako, doon na siguro kami makakapili."

Dahil sa pagbubuntis ni Tanya ay na-move sa 2011 ang kasal nila ni Mark.

"My due date kasi is November kaya I need time na maayos ko ang sarili ko. Siyempre, sa first few months, ang baby ang aalagaan mo. At kailangan ko ring magpapayat kasi tabain ako. Noong kay Mischa nga, matagal ako bago pumayat ulit. Baka it's either early part or mid 2011 kami magpakasal na ni Mark. At least makakasama na sa wedding namin ang dalawang anak namin ni Mark."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN