Regine Velasquez endorses a politician for the first time

"Alam mo, wala na akong birthday wish na puwede pang hingiin kasi parang lahat binibigay na sa akin. So, pasasalamat na lang ako, magpapasalamat na lang ako," says Regine Velasquez when asked about her wish for her upcoming birthday.


Sa April 22 ay ipagdiriwang ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez ang 40th birthday niya. Sa pilot episode ng Party Pilipinas last March 28, Sunday, tinanong siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang plano niya sa kanyang nalalapit na kaarawan.

"Magpapahinga ako," sagot niya. "Ang hirap ng dire-diretso [ang trabaho], hindi naman talaga ako nagwo-work kapag birthday ko. Kapag birthday ko, I rarely work."

Anong birthday wish niya?

"Alam mo, wala na akong birthday wish na puwede pang hingiin kasi parang lahat binibigay na sa akin. So, pasasalamat na lang ako, magpapasalamat na lang ako."

Hindi ba siya igagawa ng birthday special ng GMA-7?

"Meron naman akong ganun pag birthday ko, paplanuhin siguro," sabi niya. "Pero kasi nga ang Diva [her primetime series], parang special na every night, e, di ba? Umi-special na lagi, di ba?"

REGINE IS FOR NOYNOY. Wala ba siyang pupuntahang mga kampanya ngayong 2010 elections?

"A, wala. Hindi naman ako talaga...ang tinutulungan ko lang talaga, si Noy [Noynoy Aquino, presidential candidate]. I really wanted to, dapat talaga gagawa ako ng mga dalawa [sorties], ganun, rally, pero hindi ako makapunta kasi nga grabe yung taping for Diva, e. Tapos nagsu-shoot pa ako ng movie namin ni Aga [Muhlach]. Sayang nga, e, dalawa na yung na-miss ko [campaign sorties]," kuwento pa ni Regine.

First time ni Regine na mag-endorse ng isang political candidate, na never niyang ginawa noon.

"Hindi talaga ako nag-e-endorse," sabi niya. "Ang hirap kasi to be ano e, parang yung ma-identify with a candidate. But this time, I'm okay kasi parang we needed to get involved. So I thought I'd be involved to...parang kung ano yung paniniwala mo. Wala namang masama dun.

"Of course, may kanya-kanya tayong gusto, may kanya-kanya tayong opinion. Pero mahirap kasi pag parang idini-distance mo yung sarili mo with...politically ba, di ba? Lalo na kung maraming nangyayari na alam mong puwedeng itama. So it's okay to be involved."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halimbawang dumating ang time na sabihin sa kanya ni Ogie na gusto nitong tumakbo?

"Okay lang yun, tatakbo lang pala, e. Ano bang klaseng takbo 'yan? 10K? 5K? Tatakbo lang pala okay lang tumakbo siya!" natatawang biro niya.

"No seriously," patuloy ni Regine, "actually sinasabi ko nga sa kanya... Kasi actually tinanong na niya ako dati, 'Paano kung gusto kong tumakbo?' Sabi ko, 'E, nasa 'yo naman yun, ikaw naman yung magde-decide, hindi naman ako.' I will never tell him na 'Huwag mong gawin 'yan!' Especially if I know that he can help people and he can actually do it. Susuportahan ko siya, pero ako personally, hindi ko masyadong type. Pero siya yung magde-decide nun."

So, may plano nga ba si Ogie na pasukin ang pulitika?

"Pero dati pa 'yan," sabi ni Regine. "Nung tinanong ko siya ulit, he said that he's not interested. And sa akin kasi, feeling ko, you can always help. You can always help naman, e, kahit hindi ka politician. Kailangan ba politician lang para tumulong? Actually, nowadays nga, kung sino pa yung mga hindi politician, yun ang madalas na tumutulong, di ba? Walang agenda, e.

"Actually nung ilang beses na nagkaroon ng sakuna sa Pilipinas, sino yung sobrang involved? Mga tao sa showbiz, hindi ninyo napansin? Lahat tayo, including you guys, in your own little way, like writing about it, making people aware that there's something like this that's happening. So people are ano, tumutulong, di ba, kahit hindi politician."

May mga advocacies o mga foundation ba si Regine na tumutulong sa mga nangangailangan?

"Wala naman, wala naman masyado," pag-iwas nitong sagot. "Ayokong pag-usapan 'yan, parang ayoko kasing... Gusto ko kasing tumutulong, pero I don't really need to mention it, parang nawawala yung essence ng pagtulong."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN