Mark Bautista "embraces" manager's decision to transfer him to GMA-7

"Mas excited ako actually sa mangyayari sa career ko rin. Sabi nga ng manager ko, magandang move din for me kasi may mga ino-offer naman silang mga bagong projects for me. As an artist, maggu-grow rin ako at mas marami akong mae-experience na trabaho rin dito. Masaya ako. Masaya ako," says Mark Bautista about moving to the Kapuso network.


Kasabay ng pagbubukas ng Party Pilipinas noong Linggo, March 28, ay ang pag-welcome sa pinakabagong Kapuso na si Mark Bautista, na regular na ring mapapanood sa bagong musical-variety show ng GMA-7.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa Souvenir Room ng GMA Network Studios habang ongoing ang Party Pilipinas.

Bago lumipat ng GMA-7 si Mark ay kabilang siya sa musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP XV, na katapat ng Party Pilipinas. When asked kung masaya ba siya sa kanyang paglipat, sinagot niya na masaya naman siya. Pero biniro siyang parang hindi naman yata, kaya natawa ito.

"Hindi, kanina, oo...may ganun ako. Parang sa backstage pa lang, parang before noong prod ko, parang, 'Oh no, ito na yun!'" kuwento ni Mark.

What does he mean by saying, "Oh, no!"?

"Well, si Ms. Reg [Regine Velasquez], nag-i-intro sa akin, grabe ang kaba ko!" sambit ng Viva artist. "Pero sabi ko, i-enjoy ko na lang 'to. Masaya ako. Masaya ako na napasama sa show. Bago kasi ang show kaya bago ang lahat.

"Mas excited ako actually sa mangyayari sa career ko rin. Sabi nga ng manager ko, magandang move din for me kasi may mga ino-offer naman silang mga bagong projects for me. As an artist, maggu-grow rin ako at mas marami akong mae-experience na trabaho rin dito. Masaya ako. Masaya ako," diin niya.

NEW HOME. Tinanong ng PEP si Mark kung may pressure ba siyang naramdaman sa pagbubukas at pagkakasama niya sa Party Pilipinas since galing siya sa katapat na show ng kabilang network. May mga comment pa ngang, "Kaya bang ipag-rate ni Mark Bautista ang Party Pilipinas?"

"Sobra naman!" natatawang sabi ni Mark. "Hindi naman siguro. Parang... Actually, hindi naman ako yung reason siguro na magpapa-rate sa show. Sa cast pa lang ng Party Pilipinas—Regine, Jaya, Ogie, and Janno—sila pa lang, e, hindi na nila kailangan ng tulong pa. Alam n'yo yun? Ako naman, ginawa ko lang din ang trabaho ko. Gusto ko lang din na i-enjoy itong ibinibigay sa akin. Walang pressure."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakukumpara ba niya ngayon ang work na nakikita niya sa Party Pilipinas sa pinanggalingan niyang show?

"Magkaiba kasi...magkaiba yung ASAP at magkaiba ang Party Pilipinas. May kanya-kanya silang strength at sa ngayon kasi, first day ko pa lang ngayon. So far, yung mga nakikita ko, maayos naman. Maganda naman ang pakikitungo nila sa akin. Maganda naman yung ibinibigay nila sa aking prod," saad ni Mark.

Na-feel ba niya ang pag-welcome sa kanya ng mga Kapuso stars?

"Oo naman," sagot niya. "Grabe naman ang pag-welcome nila sa akin kaya siguro rin madali sa akin na makakonek sa halos lahat kasi hindi rin naman ako nahirapan din kahit papaano. Kahit sila, warm sila sa akin."

Sa ngayon, sino yung masasabi niyang mga nakaka-close niyang Kapuso?

"Actually, before pa ako na lumipat, kilala ko na ang ibang artists dito. Nakatrabaho ko na like sina Jay-R, Kris Lawrence...nakatrabaho ko na sa Japan noong nagsu-show kami. So, sila ang naging malapit sa akin. Sina Ogie Alcasid, sila Ms. Reg, siyempre, Kuya Janno [Gibbs]... Pero yung iba, kinikilala ko pa kasi medyo nahihiya pa ako," nakangiti niyang sabi.

THE TRANSFER. Ano nga ba talaga ang reason kung bakit siya lumipat?

"Actually, napag-usapan din namin ng management ko na gusto rin naming mag-concentrate sa acting din. And since sa kabila [ABS-CBN] naman, yung nabibigay lang na show is ASAP. Gusto rin namin ma-explore yung acting ability ko," saad ni Mark.

His last acting stint daw sa ABS-CBN ay ang episode ng Maalaala Mo Kaya kung saan ginampanan niya ang life story ng Pinoy Dream Academy Season 2 winner na si Bugoy Drilon.

Sa kontratang pinirmahan niya for GMA-7, may kasama raw itong soap opera.

Posible bang mag-guest din siya sa kantaserye ng GMA-7 na Diva, na pinagbibidahan ni Regine Velasquez?

"A, hindi ko pa alam," sabi ni Mark. "Pero sabi ni Ms. Reg, baka mag-guest ako. Pero hindi ko pa alam. Wala pang final na sinasabi. Wala pang pini-present sa amin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Mark, mabilis daw talagang lahat ang pangyayari sa paglipat niya.

"Ang bilis talaga ng mga pangyayari. Kahit ako, nagulat at first. Pina-pullout na ako noong last...dapat kasama pa ako sa Boracay [summer special of ASAP XV]. Pero before Boracay, wala na rin ako. Siguro, for delicadeza na rin. Ito na yung ibinigay sa akin. Ito yung ibinigay sa aking proyekto. Ito yung will ni Lord sa akin kaya in-embrace ko na," sabi niya.

Three-year exclusive contract ang pinirmahan ni Mark sa GMA-7. At umaasa siyang hindi naman siya nag-burn ng bridge sa paglipat niya.

"Huwag naman, hindi naman sana. Bago naman ako umalis, kinausap ko naman lahat ng head sa ASAP. Hindi ko na sila nakita after nga ng malaman na aalis na ako. Tinawagan ko nang lahat. Sabi ko, nagpaalam ako nang maayos."

Wala bang pumigil sa kanya o nag-counter-offer?

"Hindi nga sila pumigil!" natatawang sabi ni Mark. "No, actually, mas happy sila sa naging desisyon ko rin."

Sino ang mga mami-miss niya sa iniwang network?

"Lahat actually...lahat ng mga taga-ASAP. Siyempre, seven years..."

Si Sarah Geronimo naman daw ay makakasama pa rin niya sa kanilang U.S. shows.

"Actually yung iba, magkikita-kita rin. Hindi naman mawawala yun," sabi ni Mark.

May Bible study group siya with some ASAP hosts. Now that he's no longer part of the show, hindi kaya magkailangan sa pag a-attend siya?

"Hindi naman, hindi naman siguro!" natatawa niyang sabi. "Actually, isa yun sa project, parang goal ko na may Kapuso rin na mapasama or maipakilala rin. Mag-meet yung both networks."

USED TO INTRIGUES. Sanay na rin daw si Mark sa mga intriga, lalo na sa kanya. Hindi na rin siya nagulat na dahil sa paglipat niya ng network, may iba pang Kapamilya stars na ikino-connect at sinasabing lilipat o susunod din. Nandiyan nga ang mga pangalan nina Piolo Pascual at Rachelle Ann Go.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang dami, ang dami!" sambit ni Mark. "Simula noong lumipat ako rito, ang daming pumapasok na intriga na kesyo may ibang Kapamilya rin na lilipat. Like ngayon lang, si Rachelle or si Christian [Bautista]. Siguro, ganun lang siguro."

May mga Kapamilya stars din daw na nag-text sa kanya.

"Actually, marami, marami...si Jed Madela nag-congrats. Nakakatuwa. Yung ibang staff din ng ASAP, nag-congrats. Happy naman sila. Hindi ko pa na-check yung phone ko, so hindi ko pa alam kung sino pa ang nag-text," kuwento niya.

HOLY WEEK VACATION. Mamayang gabi, March 30, ay may taping ang Party Pilipinas sa Araneta Coliseum na ipalalabas sa Easter Sunday, April 4. Pero after that, wala pa raw siyang konkretong plano ngayong bakasyon.

"Well, first time ko kasing hindi mag-Holy Week sa Pilipinas. Madalas may show kami abroad. So, parang ano ba ang ginagawa? Siguro nasa bahay lang ako or puwede rin umuwi ako ng Cagayan de Oro. Pero siguro, sa bahay na lang muna ako. Quiet time na lang muna ko," sabi ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN