Jolina Magdangal brings her new look to Party Pilipinas

"Basta ako, hindi na lang ako nagpapa-pressure sa sasabihin ng ibang tao. Lately, parang naluto na ako sa expectations ng mga utaw. Basta ang sa akin, may show kami, masaya ang show at ang mga kasama namin dun. Kumbaga, kahit pare-pareho man, like sila Ate Reg [Regine Velasquez], Kyla, Jay-R, still, alam naming may iba-iba pa kaming flavors na puwedeng ipakita," says Jolina Magdangal about Party Pilipinas.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jolina Magdangal nang maging special guest siya sa first concert ni Aljur Abrenica, I'm Yours, sa Zirkoh Tomas Morato last March 26. Natutuwa raw siyang nakikita si Aljur ngayon dahil noong sumali ito sa StarStruck 4 ay isa pa siya sa hosts ng reality-based artista search ng GMA-7

"Matinee idol siya, e, pero tingnan mo, kumakanta siya, ginagawa niya 'to. Nakakatuwa na hindi lang siya nakakahon sa acting. Na kapag nagsawa, magbabarumbado na lang. E, siya, marami pa pala siyang puwedeng ipakita. At isa itong si Aljur sa seryoso sa craft niya," sabi ni Jolina habang hinihintay na lang din niya sa dressing room na matapos ang concert.

PARTY PILIPINAS. Kasama rin si Jolina sa bagong Sunday noontime variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas bilang isa sa regular hosts na galing sa SOP before. Pero hindi raw siya nagpapa-pressure sa kung ano ang iisipin ng ibang tao sa bago nilang show.

Aniya, "Basta ako, hindi na lang ako nagpapa-pressure sa sasabihin ng ibang tao. Lately, parang naluto na ako sa expectations ng mga utaw. Basta ang sa akin, may show kami, masaya ang show at ang mga kasama namin dun. Kumbaga, kahit pare-pareho man, like sila Ate Reg [Regine Velasquez], Kyla, Jay-R, still, alam naming may iba-iba pa kaming flavors na puwedeng ipakita."

On her part, ano ang mga aabangan sa kanya sa show?

"Para sa akin, yung performance pa rin, e. Yung mga production numbers na gagawin. Kasi nga, yun na ang pinagkasunduan namin ni Mother Perry [Lansigan, Jolina's manager] na paghahandaan namin every number na gagawin. Although siyempre, kailangan din naming mag-adjust. Hindi lang naman kami yun ni Perry, e, so meron din kaming makikipag-compromise rin kami sa plan ng Party Pilipinas," saad ni Jolina.

Obviously, nandun pa rin ang tatak ng bago niyang look sa Party Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba naman ngayon ang team na kinuha ko for the look, e. Para iba-iba. Basta ako naman, feeling ko, ano na lang, kapag napapanood nila ang Party Pilipinas, para silang nanonood ng magazine, fashion magazine," sabi niya.

AKIHIRO SATO. Kinamusta rin ng PEP kay Jolina ang Brazilian-Japanese model-actor na si Akihiro Sato, ang leading man niya sa Panday Kids.

"Nakakatuwa siya," nakangiting pahayag agad ni Jolina. "Tumatawa siya hindi naman niya naiintindihan ang sinasabi namin. Pero mabait siya. Gentleman siya. At saka maaliwalas ang mukha niya. Nababaitan ako sa kanya.

"Willing siyang matuto. Like kanina, may eksena kami, e, on the spot ko lang nakita ang script. Takang-taka siya kung paano ko raw name-memorize yung ganun. So, in-explain ko sa kanya na minsan, kailangan mo kasing alamin ano ang nangyayari sa eksenang yun para hindi mo kailangang word for word i-memorize. Unless Tagalog, di ba?

"At saka nakakatuwa, kapag walang take, aral! May mga libro siya. At saka may natutunan ako na word from Brazil," kuwento pa niya.

Click agad silang dalawa?

"E, kasi, tawa siya nang tawa. At saka kasama rin namin si Philip Lazaro [stand-up comedian], so masaya kami. At saka hindi siya yung katulad ng matanggap, modelo, or hindi siya yung parang naiilang siya, iba ang lengguwahe niya. Hindi. At saka kahit nga hindi niya naiintindihan, yung reaction at kung paano siya tumawa, parang naiintindihan niya yung sinasabi namin. Okey siya, mabait siya."

Nararamdaman naman niyang may chemistry sila?

"Hindi ko nga alam, e," sagot ni Jolina. "Paano, unang eksena namin, kiss agad. Hindi ko siya kilala. Hindi ko alam kung ilang taon na siya. Kaya after ng kiss na yun, ang tanong ko sa kanya, 'Ilang taon ka na ba?'

"Parang ako, apektadong-apektado, e, siyempre hindi naman ako nakikipag-kissing scene. Pero siya, parang wala lang. At saka yung unang eksena, alam niyang kiss yun, pero hindi siya nagte-take advantage. Naramdaman ko ang respeto and to think na hindi siya Pinoy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HOLY WEEK IN TAGAYTAY. Ngayong Holy Week, sa Tagaytay raw ang plano ni Jolina na mag-spend ng bakasyon. May business silang itinatayo rito at supposedly nga raw, opening na sana ng restaurant nila kung hindi nagkaroon ng aberya sa contractor.

Kapag nagkaroon ng chance at wala naman daw problema sa parents niya, posibleng after Tagaytay, she might spend some time also with boyfriend Mark Escueta and his family kung saan man ang magiging plano ng mga ito na bakasyon this week.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN