Ogie Alcasid on pilot episode of Party Pilipinas: "It's not perfect but we did a great job."

"Kung ang ratings ang iintindihin namin, hindi kami makakapag-eksperimento. We will always end up doing the same show. Kaya we will have fun first, try new things and explore other possibilities. Para naman ito sa mga Kapuso natin who have always been there para suportahan kami," says Ogie Alcasid about Party Pilipinas.


Sa Amanpulo, Palawan magbabakasyon ngayong Holy Week ang magkasintahang sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Kuwento ni Ogie sa PEP (Philippine Entertainment Portal), regalo raw sa kanila 'yon ni Mr. Tony Tuviera ng TAPE Inc.

Matagal na raw kasi silang gustong bigyan ng all-expense paid trip ni Regine dahil sa mga naitulong nila sa TAPE Inc. at sa APT Films. Noong una raw ay Hong Kong trip ang ibinibigay sa kanila. Pero noong sila na raw ang pinapili kung saan nila gusto, sa Amanpulo ang sinabi nila at mabilis namang inayos ang kanilang bakasyon.

"For the first time, makakapagbakasyon kami ni Regine na walang trabaho. As in, bakasyon talaga. Nagpapasalamat nga ako kay Mr. T. dahil siya ang nagbigay sa amin nito.

"Usually kasi kapag nasa ibang bansa kami ni Reg, trabaho pa rin, e. Sinisingit lang namin ang pamamasyal at bitin kami parati sa pahinga. Ngayon, talagang bakasyon grande kami kasi wala kaming work at totally pahinga kami," nakangiting sabi ni Ogie nang makausap siya ng PEP sa pilot episode ng Party Pilipinas last March 28, sa Souvenir Room ng GMA Network Studios.

Pareho kasing sagad sa trabaho sila Ogie at Regine kaya deserving naman silang magpahinga kahit na ilang araw lamang.

"Marami naman ang may alam na we are both working very hard. Tulad nga ni Reg, lahat ng energy niya nasa show niyang Diva, which is doing very well sa ratings. Marami na ang nagkakagusto at nakaka-relate na sila sa show talaga.

"Ako naman, as usual, marami pa ring raket dahil nangangailangan tayo ng pera. Ang hirap kasi ng buhay at kayod lang tayo nang kayod, di ba?" sabay tawa niya. "Kaya tama lang itong bakasyon kasi makaka-recharge kaming dalawa para sa pagsabak ulit namin sa trabaho after Holy Week."

Ngayong araw, March 31, ang alis nina Ogie at Regine papuntang Amanpulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PARTY PILIPINAS. Bukod sa gag show niya na Bubble Gang at ang nalalapit na pagbabalik ng Hole in the Wall, may bagong trabaho ngayon si Ogie sa GMA-7. Ito ay ang pagiging creative consultant ng bagong musical-variety show na Party Pilipinas. Kasama raw 'yon sa pinirmahan niyang bagong kontrata saKapuso network.

"Natutuwa naman ako kasi nabigyan na ako ng chance to really be involved with a show, at ito ngang Party Pilipinas ang una kong tinatrabaho as creative consultant," saad ni Ogie.

Dagdag niya, "Two months before the reformatting nga ng SOP, nagmi-meeting na kami nila Ma'am Wilma [Galvante, SVP for Entertainment ng GMA-7] and they were offering me this position. Natuwa naman ako because it means na may karapatan pala akong makialam or magbigay ng suggestions to improve a show.

"Naiinggit nga ako before kina Bitoy [Michael V.] at kay Regine din because they act as creative consultants sa projects nila. Kaya yung mga ideas nila, nailalagay nila sa mga ginagawa nilang shows. So, gano'n na rin ang ginagawa ko. Pero I still consult the staff of Party Pilipinas. Hindi naman ako diktador na dapat sundin nila parati. I am open to their suggestions, comments, feedbacks, and questions. Kung ano ang sa tingin nila na makakaganda at makakabuti sa show ay gagawin natin.

"Kaya nga natutuwa ako sa aming lahat sa Party Pilipinas kasi lahat cooperative at lahat kumikilos to make it a big thing. Sabi ko nga, 'Puwede naman palang gawin ito, bakit ngayon lang nangyari?' But then I realized nga na it's time for a big change. Yung SOP kasi, it reached na it's peak and kailangan nang palitan. With this new show, alam namin na we can make it bigger than what we all can expect."

Sa naganap na big launch ng Party Pilipinas last Sunday, ano ang masasabi niya sa kabuuan ng show? (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya ako because we all did a good job," sabi ni Ogie. "Natutuwa ako for the staff because sila ang pinakangarag sa lahat. I am not saying na perfect ang pilot show namin. It's not perfect. Meron pa rin kailangan ayusin at ma-improve. But overall, we did a great job at masaya kami sa magagandang feedbacks ng audience."

Nasabi rin ni Ogie na hindi na muna sila magiging conscious sa ratings. Ang importante raw sa ngayon ay ang mag-enjoy sila sa bagong show at gawin ang lahat para mas mapaganda pa ang Party Pilipinas.

"Kasi nga we want to improve and adjust first kasi this is a new show. Natural maninibago ang ibang manonood. Kung ang ratings ang iintindihin namin, hindi kami makakapag-eksperimento. We will always end up doing the same show. Kaya we will have fun first, try new things and explore other possibilities. Para naman ito sa mga Kapuso natin who have always been there para suportahan kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN