Joross Gamboa and non-showbiz girlfriend spend Holy Week in Phuket

"Blessing lang talaga lahat ng mga nangyayari ngayon, at nagpapasalamat naman ako sa mga projects na nagagawa ko ngayon sa GMA-7. I would say na ngayon, mas relax-relax na rin. Mas wala na yung ilang unlike noong umpisa na siyempre, hindi pa namin alam ang pasikot-sikot, so parang nangangapa pa," says former Kapamilya star Joross Gamboa.


Last Monday, March 29, ay umalis si Joross Gamboa kasama ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Katz Zaga papuntang Phuket, Thailand. One week silang magbabakasyon doon.

Kuwento ni Joross sa PEP (Philippine Entertainment Portal), first time daw nilang mag-out-of the country na silang dalawa lang. First time din ng young actor ni Joross na makarating ng Thailand, unlike her girlfriend na bilang isang modelo ay madalas na rito at gayundin sa iba pang bansa. In fact, kakarating lang ni Katz for a modeling assignment in Europe.

Pero ayon kay Joross, na nakausap ng PEP sa taping ng First Time, medyo nag-worry rin siya because of the recent earthquakes na nagaganap sa iba't ibang bansa lately.

"Siguro kapag magtse-check in sa hotel, kailangan siguro hanggang third floor lang para ligtas sa lindol at ligtas na rin sa tsunami, in case. Nagkaroon na rin ng history last 2004 [ang Thailand] ng tsunami. So, yun lang, parang nag-iingat na rin," sabi niya.

Sa April 3 pa raw ang balik nila sa Pilipinas kaya naman bago siya umalis, Joross made sure na wala siyang trabahong mabibitin. Kuwento rin ni Joross, kahit magkasintahan pa lang sila ni Katz, meron na rin daw silang perang itinatabi para sa kanilang dalawa. Kaya biro namin, para na silang mag-asawa.

"Hindi naman. Kumbaga, para yung pera, hindi waldas lang nang waldas," ngiti ni Joross.

OPEN ABOUT COMMITMENT. Kapansin-pansin na very open ngayon si Joross sa relationship niya with his non-showbiz girlfriend. Ano ang dahilan nito?

"Oo, e. Kasi kung hindi pa ako magiging open, baka kung saan-saan na naman ako mapapadpad. At least, reminder 'yan na meron kang commitment!" natatawa niyang sabi.

Magtu-two years na rin daw sila ng kanyang girlfriend.

Open man daw siya sa relationship niya ngayon, itinanggi ni Joross na nagli-live-in na sila ng kanyang girlfriend.

"A, hindi, hindi," giit niya. "At saka sabi ko nga, mag-iipon lang ako enough para magkaroon ng pamilya sa future. Pero hindi naman sobrang ipon na halos hindi mo na maisip mag-asawa. At saka meron siyang sariling place sa BF din. Minsan nandun ako. Malapit lang din halos sa bahay. Pero close naman kasi siya sa family ko, so minsan nasa bahay naman siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung siya raw ang tatanungin, gusto niyang ang present girlfriend na niya ang kanya makatuluyan.

"Siyempre, when you enter a relationship naman, gusto mo or yung iniisip mo, pang-matagalan na talaga," sabi ni Joross.

FIRST TIME. Sa ibang usapan, sinabi ni Joross na masaya naman daw siya sa First Time. Natatawa nga itong nagbiro na kumbaga sa babae, ang haba raw ng hair niya dahil pinag-aagawan siya ng dalawang babae rito—sina Michelle Madrigal at Roxanne Barcelo.

"Biro lang!" bawi niya. "Pero masarap silang katrabaho. In fact, kaming tatlo nga ang palaging magkakasama. Kahit na off-cam, kami yung magkakatabi."

JACKIE RICE. Aside from First Time, malapit na ring ipalabas ang Dear Friend episode kung saan sila naman ni Jackie Rice ang magka-partner.

"Muntikan na ngang hindi matuloy yun, di ba?" sabi ni Joross. "Talagang pinaglaban ko lang kay Kuya Noel [Ferrer, his manager] na gusto ko siyang maka-partner."

Bakit nga ba gustung-gusto niyang makapareha si Jackie Rice?

"Actually, si Jackie at saka yung iba pang stars," paglilinaw niya. "Siyempre, like si Jackie, siya yung hindi ko pa talaga nakakatrabaho. And okay naman. Sa taping namin, mabait siya. Medyo mabigat yung role niya, pero makikita mo naman siya na talagang pinag-aaralan niya."

Nabasa ba niya ang FHM kung saan si Jackie ang cover? Umamin naman si Joross.

Aniya, "Actually, nabasa ko yun, hindi ko pa alam na siya ang makaka-partner ko. Sabi ko, maganda. Before naman, wala akong alam sa ibang station. So, ngayon, natutuwa ako na nakikilala ko na rin sila.

"Blessing lang talaga lahat ng mga nangyayari ngayon, at nagpapasalamat naman ako sa mga projects na nagagawa ko ngayon sa GMA-7. I would say na ngayon, mas relax-relax na rin. Mas wala na yung ilang unlike noong umpisa na siyempre, hindi pa namin alam ang pasikot-sikot, so parang nangangapa pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How is Jackie as a partner?

"Ang maganda sa kanya, down to earth siya," sabi ni Joross. "Minsan nagtatanong siya kung paano ba dapat. Ako naman, napa-flatter ako dahil hindi pa naman ako ganoon kagaling. At saka parang ang pangit kung tuturuan ko ang co-actor ko. Pero kapag nagtatanong siya, nagbibigay rin ako ng tip kung paano, like kapag may scene kami. Okey siya, mabait."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN