Ian de Leon is proud of his Superstar mom for topping Asia's Best Actresses online poll

"Siyempre naman, sobrang proud ako kay Mama kasi nga, hindi pa rin siya nakakalimutan ng maraming tao. Hindi lang dito sa bansa natin kundi sa buong mundo," says Ian de Leon about his mom, Nora Aunor.


Natuwa at kinilabutan daw si Ian de Leon nang mag-top sa online poll ang kanyang ina na si Nora Aunor sa Asia's Ten Best International Actresses of the Decade na isinagawa ng Green Planet Movie Awards sa U.S.

Masaya ngang sinabi ni Ian sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na very proud siya sa kanyang Mama dahil kahit wala na raw nagagawang bagong pelikula at hindi na active ang Superstar sa showbiz ay nabibigyan pa rin ito ng ganitong klaseng parangal.

"Siyempre naman, sobrang proud ako kay Mama kasi nga, hindi pa rin siya nakakalimutan ng maraming tao. Hindi lang dito sa bansa natin kundi sa buong mundo. Noong mabalitaan ko nga na isa siya sa nabigyan ng parangal sa Green Planet Movie Awards, natuwa talaga ako and I am so proud to be her son. It only means na yung mga pelikula at performances ni Mama ay hindi malilimutan ng maraming tao sa buong mundo. Nag-iisa lang naman talaga si Ms. Nora Aunor at nagkataon na Mama ko pa siya," sabi ni Ian sa presscon ng bagong season ng Daisy Siete na Adam or Eve.

NORA'S RETURN. Nag-update din si Ian tungkol sa kanyang Superstar mom at sa muling pagbabalik nito sa bansa.

"Dapat magkasabay kaming umuwi, that was last February 25," banggit niya. "Pero biglang nagkaroon ng maraming offers si Mama to do concerts sa U.S. at sa Canada nga. Sayang naman daw kasi yung mga 'yon kung hindi niya tatanggapin. Kaya inayos pa ang schedules niya and hopefully by June or July ay nandito na siya.

"Kung ang ibang tao nga naiinip, what more kaming mga anak niya, di ba? Parati naman kaming nag-uusap sa telepono at lagi kong ibinabalita sa kanya na inaabangan na siya ng mga fans niya dito sa bansa."

COSMETIC SURGERY. Nasa Japan din si Ian nang sumailalim si Nora sa cosmetic surgery. Tatlong taon ding hindi nagkita ang mag-ina kaya noong magkita raw sila sa airport at niyakap at kinarga pa niya ang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ni Mama na sabik na sabik akong makita siya. More than three years kaming hindi nagkita at panay usap lang sa telepono. Kaya noong magkita na kami sa airport sa Japan, talagang tumakbo ako para mayakap ko siya. Sobrang na-miss ko siya at maganda ang naging bonding namin sa Japan," kuwento niya.

Nagustuhan ba niya ang ginawang pagpaparetoke ng kanyang Mama?

"Sa totoo lang, talagang bumata ang hitsura ni Mama. Biniro ko nga na puwede ko na siyang maging little sister. Malaki ang nabago kaya masayang-masaya siya.

"Noong mag-pictorial nga sila, may ginaya silang lumang picture ni Mama. Bata pa si Mama no'n. Parang ginaya lang ulit nila yung litratong 'yon. Kuhang-kuha nila kasi nga malaki na ang na-improve sa looks ni Mama."

CANCELLED SHOW IN CANADA. May mga lumabas na reports na hindi natuloy ang concert ni Nora dahil nagkasakit daw ito. Pero ayon kay Ian, okey na raw ang kanyang ina at wala nang sakit. Masyado lang daw itong napagod sa mahahabang biyahe.

"Mama is okay now. Health-wise, maayos na siya. Nagkaroon nga raw siya ng sipon at ubo when she traveled to Canada. Nanggaling pa kasi siya ng Japan that time. E, mahaba ang biyahe. Napagod daw siya talaga kaya medyo nagkasakit.

"Nagpapaabot nga ng sorry si Mama sa mga nag-abang sa kanya sa show niya in Canada. Talagang hindi lang kinaya ng katawan niya. Alam naman siguro nila that my mom is not that young anymore kaya madali na siyang mapagod.

"Pero bilib ako kay Mama kasi ginawa niya ang lahat para lang mapasaya niya ang mga tagahanga niya. The last time I talked to her, okey naman ang lahat," saad ni Ian.

Sa pagbabalik ng Superstar ay sunud-sunod daw ang gagawin nitong projects—pelikula, TV series, album, at concert.

"Nagulat nga ako kasi ang dami niyang naka-lineup na trabaho dito. Talagang susulitin niya ang pag-uwi niya para sa mga tagahanga niya," sabi ni Ian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DAISY SIETE. Active ulit si Ian sa pag-arte at kasama siya sa Season 26 ng Daisy Siete, ang Adam Or Eve. Gaganap siyang tiyuhin ni Rochelle Pangilinan sa naturang show. Huling napanood si Ian sa GMA-7 telefantasya na Darna.

"Na-miss ko na rin ang mag-taping. Medyo naging busy ako sa ibang bagay. Pero this time, magtatrabaho na ulit tayo. Tamang-tama naman at may in-offer na role sa Daisy Siete at tinanggap ko naman. First time ko to work sa Daisy Siete and masaya ang taping nila. Mukhang mag-e-enjoy ako working with these people."

NOT YET READY TO GET MARRIED. Nabalita ring ikakasal na raw si Ian sa kanyang non-showbiz girlfriend. Pero sinabi ng aktor na mag-iipon muna siya para may pangkasal siya.

"Hindi pa naman. Magtrabaho muna ako para may panggastos!" tawa niya. "I admit that I am in a relationship, pero wala pang magaganap na kasalan. That will happen eventually at nasa tamang edad naman na kami to settle down. Pero mas okey kung napaghahandaan namin. Madali ang magpakasal, pero ang mga mangyayari after ng kasal ang dapat mas paghandaan, di ba? Kaya trabaho muna tayo para makaipon na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN