Claudine Barretto defends herself against "horror stories"

"For the longest time, noong nasa kabila [ABS-CBN] naman ako, wala ka namang maririnig na ganun. Ako, kilala ko ang sarili ko. Alam ko kung ano ang kaya ko. Ano ang ginagawa ko at ano ang hindi ko ginagawa," says Claudine Barretto.


Isang magarbong press conference ang inihanda ng GMA-7 para kay Claudine Barretto kagabi, April 5, sa 55 Events Place, Sct. Rallos St., Quezon City. Ito ay kaugnay ng kauna-unahang show ng aktres sa Kapuso network, ang drama anthology na Claudine.

Ang Showbiz Central co-host na si John "Sweet" Lapus ang nagsilbing host ng grand launch ng Claudine. May ipinalabas ding VTR kung saan bumati ang mga kaibigan at naging katrabaho ni Claudine noon sa ABS-CBN, gaya nina Kris Aquino, Diether Ocampo, Direk Wenn Deramas, at Judy Ann Santos. Nagbigay rin ng kanilang mensahe ang top executives GMA-7 na sina Atty. Felipe Gozon, Mr. Jimmy Duavit, Atty. Annette Gozon-Abrogar, at Ms, Wilma Galvante.

Present din kagabi ang mister ni Claudine na si Raymart Santiago at ang mga anak nilang sina Sabina at Santino. Incidentally, si Raymart ang kapareha ni Claudine sa pilot episode ng kanyang drama anthology.

REAL KAPUSO. Overwhelmed naman si Claudine sa ibinibigay na importansiya sa kanya ng GMA-7 bilang bagong Kapuso.

"Sobra akong overwhelmed sa warmth na ipinapakita n'yo sa akin and truly, you always make me feel comfortable," umpisa niya. "Siyempre, noong una ho talaga, nangangapa pa akong talaga. Hindi rin ho biro ang 17 years [na pag-stay sa ABS-CBN]. And this is the first time na lumabas po ako out of my comfort zone and they've been really so wonderful, and parang I'm blessed with so much and I got more than what I really wanted."

Nararamdaman na ba niya ang pagiging isang totoong Kapuso?

"Yes, I've always felt that," sagot ni Claudine. "For some reason, I've always felt that. Siguro nga dahil palagi kaming tsine-check ni Ninang Wilma [Galvante] sa bahay. Every other month yata dun. Kapag birthday ni Ma'am Redgie [Magno], kahit sino... si Ms. Lilybeth [Rasonable], Ma'am Avin [Marivin Arayata], dun sa bahay ini-spent. Tapos, magluluto si Raymart, yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CLAUDINE & GRETCHEN. Sa pagsisimula ng Claudine sa Sabado, April 10, ay halos makakasabay nito ang pagpalabas ng episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN kung saan ang ate ni Claudine na si Gretchen Barretto ang bida.

Aminado si Claudine na malungkot siya sa naturang pangyayari.

"Hindi po ako natutuwa. Malungkot po ako. Kasi, ayoko na ho sana... Once and for all, sasagutin ko na ho para hindi na lumaki pa. The only reason...sana na lang, hindi. Dumating sa point na kung puwedeng ma-move na lang next week or next, next week yung airing ng Claudine because...

"Only yung mga pinagdadaanan ko, pagdadaanan ko pa lang, simula pa lang ng paglabas ng show na ito, alam ko ho yun. Pero hindi ko ine-expect na ganito, kasi it affects my parents so badly.

"Ang parents ko ho, 70-plus na. Huwag naman sana, sabi ng dad ko, na pagsabungin kaming magkapatid kasi pamilya namin 'to, e... Three years ko hong hindi nakausap ang kapatid ko. Naging magkaaway kami for such a long time and sana huwag lang siyang magamit," saad niya.

Kumusta sila ni Gretchen ngayon, okay ba sila?

"Alam n'yo, honestly, ayoko talagang magsabi about my ate. Kasi, all she wants is to work and you know, I really want to give her that with all sincerity. And ayoko talaga... Ang ayoko lang, ang pag-awayin ulit kami. Please naman," sabi ni Claudine na halatang pinipigil lang mapaiyak.

Umiling si Claudine nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung nagkausap na ba sila ng Ate Gretchen niya.

"Hindi pa, hindi pa... Yung parents ko, naaapektuhan. Kung ako lang, okey lang, okey lang. Trabaho, di ba? Pero yung parents ko ang nahihirapan."

Aniya pa, "Seventy-plus na yung parents namin. Kung kami lang dalawang magkapatid ang gusto n'yong pag-awayin, go. Pero, di ba, bonus na bonus kung may 10 years pa sila? Pero yung yesterday na kausap ko ang dad ko, talagang hindi siya happy. Hindi siya happy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May tampuhan ba sila ng ate niya?

"I think so... Pareho," pag-amin ni Claudine.

Last month lang daw nagsimula ang hindi nila pagkakaroon ng chance na magkausap ni Gretchen.

"Siguro, may mga nakakarating lang sa ate ko na hindi naman talaga totoo. Ayoko talagang isipin. Kasi nangako ako, even sa ate ko, na hindi na talaga kami mag-aaway. At sana talaga, kung anuman ang sama ng loob niya, kung anuman ang ipinaparating sa kanya, sana, wala na lang."

Alam ni Claudine na pangit nga naman kung silang magkapatid ang tila pagsasabungin. Tinanong namin siya kung gusto ba niyang ipakiusap na huwag gawin ang ganung bagay sa pagitan nila ng ate niya. Pero tumanggi si Claudine.

Paliwanag niya, "Hindi ko gagawin. Kasi, alam n'yo, wala rin namang kasalanan ang ate ko d'yan. Gusto lang din niyang magtrabaho. Naiintindihan ko yun, sobra. At gusto kong malaman niya yun na naiintindihan ko yun."

Naramdaman ba niyang tinapatan talaga ang pilot episode ng show niya lalo pa nga't ito ang kauna-unahang regular show niya bilang Kapuso?

"Ano sa tingin mo?" natawang balik-tanong naman niya. "Hindi...ayoko talaga. Ang parents ko talaga is sobrang nasasaktan and I really feel they don't deserve this. Kung ako lang talaga at wala sila, okey lang. Pero, di ba?

"Para makita mo ang anak mo... Dalawa anak ko, e. Para makita mo ang dalawang anak mo na parang pinagsasabong, masakit yun. Ang tagal namin nag-try na maayos. Nang maayos, eto pa. And naiintindihan ko sobra yung parents ko that's why I'm just trying to be a good daughter. I'm just trying to protect my parents lang."

"HORROR STORIES." Nabanggit ni Ms. Wilma Galvante sa kanyang welcome speech para kay Claudine na marami raw nakarating sa kanilang "horror stories" about the actress. Nandiyang mahirap daw itong katrabaho, papasakitin ang ulo nila, etc. Pero hindi raw ito naging balakid sa Kapuso network at maging sa production staff dahil nakikita naman nila kung gaano ka-professional ang bagong Kapuso star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In fact, during the presscon, dumating si Claudine na namamaga pa rin ang mukha at may rashes pa dahil diumano sa allergy. Pero hindi niya ito ginawang excuse para hindi sumipot sa press conference ng show niya.

So, ano nga ba ang masasabi niya sa sinasabing "horror stories" about her?

"Alam n'yo kasi, for some reasons, bakit kasi ngayon lang naglalabasan ito?" sabi ni Claudine. "For the longest time, noong nasa kabila [ABS-CBN] naman ako, wala ka namang maririnig na ganun. Ako, kilala ko ang sarili ko. Alam ko kung ano ang kaya ko. Ano ang ginagawa ko at ano ang hindi ko ginagawa.

"And as a person, I will not lie kapag hindi ko kaya ang ipinapagawa sa akin, hindi ko gagawin. Pero bilang artista, inuuna ko talaga ang professionalism. And I really never, never do anything para makapagbigay ng sakit ng ulo sa iba. So, whatever it is, hindi ko tina-try to prove yung point ko. Kung ano lang ang ibinigay sa akin ng Diyos na talent, yun lang ang gagawin ko kasi makikita rin naman at the end of the day, malalaman din."

Nasasanay na rin ba siya sa mga intrigang ganito?

"Hindi ko ho masasabing sanay, pero I try my best na kahit paano, huwag nang mag-focus sa negative. Alam kong pasimula pa lang 'to, e. And parang feeling ko, makikita rin naman talaga," saad niya.

May demolition job ba siyang nakikita sa likod ng mga naglalabasang intriga tungkol sa kanya?

"Alam n'yo, ayokong isipin," sagot ni Claudine. "Kasi, hanggang ngayon din naman, ang dami kong kaibigan dun. Kumbaga, hindi mo naman mabi-break ang 17 years na ganun-ganun lang. And as much as possible, ako, iniisip ko na hindi. Tina-try ko na paniwalaan na hindi."

Tinanong ng PEP si Claudine kung sa palagay niya ay hindi naging maganda ang pag-alis niya sa ABS-CBN at nagsunog siya ng tulay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, hindi ko rin alam," sagot niya. "Parang ano naman, parang okey naman kami ng iba dun, ng marami..."

What about with Star Magic, na siyang humawak ng kanyang career habang nasa ABS-CBN siya?

"We're okay...we're okay," sagot niya. "Hindi ko rin alam kung sino ang nagsisimula. Ayoko na rin alamin. Maliit lang ang industriya at mas maraming magaganda kesa sa pangit. So, ayoko namang isipin."

Isa siguro sa magandang ugali ni Claudine ay ang pagiging protector niya sa mga taong malapit sa kanya. That she will fight for them. Palagay niya, isa yun sa posibleng rason kung bakit minsan ay nalalagay siya sa alanganin.

"Kasi alam n'yo, yun minsan ang problema ko. Dapat kasi, hindi na ako nakikipaglaban for other people!" natatawang sabi niya. "But you know, it's all worth it at the end of the day. Kasi when people remember you as somebody who is loyal and who will fight for you and fight for what you think is right, mas importante yun at the end of the day."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN