Angelu de Leon has found her new calling

"Ayoko kasi na magsabi ng hindi, tapos bigla ka namang mapupunta dun. I cannot say where I'll be five years from now. Siyempre, all you want to do is be the best person now. And that's what I'm looking at lang," says Angelu when asked if she plans to enter politics.


Last March 30 at the Lancaster Hotel on Shaw Boulevard, we were surprised to see Angelu de Leon, who took her oath as the new president of Junior Chamber International (JCI) Ortigas Chapter.

Paliwanag ng aktres sa kanyang kinabibilangang organisasyon, "This is a non-partisan, a non-profit organization and I only have the chance to lead the Ortigas chapter for one year... Parang it's a leadership program and then after one year, we elect a new president again."

Around 2006 noong nagsimula siyang maging member ng JCI. "Well, una, referral ng friend. And it sounded good. Unang-una, non-profit siya and then it can teach you pa how to become a leader, how to organize a charity na hindi naman siya normal. Hindi naman siya tinuturo sa school. Hindi rin naman siya tinuturo sa bahay. Most especially, hindi siya tinuturo sa show business," saad ni Angelu.

Dagdag pa niya, "Medyo low-key siya, e. Hindi lang siya parang charity. It's an organization na parang may parliamentary, so para siyang mini-government in your community. Iba yung kusa kang tumutulong. Iba rin yung feeling ng nakakakuha ka ng ibang tao para tumulong. Yun ang difference ng JCI Ortigas, hindi lang siya pera mo.

"Para sa akin naman, ang pagtulong sa kapwa, wala siyang time, any time puwede mong gawin. So, yun lang ang gusto namin. Na parang I wanna make sure na hindi porke nasa showbiz ka at busy ang schedule mo, hindi ka na puwedeng tumulong. So, yun ang gusto kong maranasan.

"Even for myself," patuloy niya, "I want to stretch myself to the limit na kung walang work, hindi ako puwedeng tutulog-tulog lang. Or kapag walang ginagawa sa taping, wala kang ginagawa, tutulog lang. So, it's a continuous work."

ANGELU'S CALLING. Angelu is a Born Again Christian. Pero bago siya naging Born Again ay nasa JCI na raw siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon na lang siguro na bilang Presidente, yun ang parang calling na when you are really ready to help. Kapag na-defocus na ang sarili mo sa mga nangyayari sa kabuuan, dun ako binigyan ng chance.

"Alam naman natin na bilang showbiz, bilang artista, yung focus mo, yung sarili mo. On how you'll gonna look good at may mga luho tayo na hindi mabitawan. I guess, when God taught me how to defocus myself, mas naging open ako to this opportunity."

Kuwento ni Angelu, kamakailan lang ay nagkaroon sila ng program sa Guimaras kung saan namahagi sila ng school supplies sa isang community, bukod pa sa feeding program.

"Actually, marami kaming naka-lineup," aniya. "Not just for helping people but for individuals. Meron kaming mga training, grooming on how to look good. We have four areas like individual, community, business, and international. So, dun kami nagbi-venture."

EFREN PEƑAFLORIDA. Ang CNN Hero of the Year na si Efren PeƱaflorida ang naging guest speaker sa oath-taking ng JCI Ortigas Chapter. Nalaman nga namin kay Angelu na siya mismo ang personal na kumontak dito.

Aniya, "Yes, pareho kami ng belief to pay it forward. Sabi nga niya, one doesn't need to be old, one doesn't need to be young, one doesn't need to be yung may kaya or wala. It has to start from you.

"Alam mo, sobrang blessing niya sa akin kasi hindi ko siya kilala personally. To call him and he said yes, sobrang feeling ko, siguro yun ang answered prayer ko. I really don't know anyone naman. Sabi ko nga, it's totally different from show business.

"Ayoko rin siyang maging political. Non-partisan kami, e. Especially with this coming election, mahirap. Kaya nang umoo siya, sobra akong blessed. Kung ang feeling niya natulungan namin siya with what he said and what he showed us, mas natulungan niya kami on how to make JCI Ortigas better."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANGELU ENTERING POLITICS? Common na for any celebrity, especially for a showbiz personality like Angelu, na mapaghinalaang preparasyon sa pagpasok sa pulitika ang mga ginagawa niyang socio-civic projects.

May plano nga ba siyang pumasok sa pulitika?

"No, I don't think so," sagot ni Angelu. "Kasi unang-una, sinabi ko, before I could enter politics, I want to study first what's the ins and outs. Okey lang na ibato sa akin ng mga tao about my single mom at an early age. Pero ang ayokong pinakamabato sa akin yung wala naman akong alam sa papasukin ko. So I guess it's a step but it's not my major thing why I am here."

Pero open ba siya sa possibility na pasukin din ang pulitika?

"I guess if it's not much...kung ibibigay, ibibigay. Ayoko kasi na magsabi ng hindi, tapos bigla ka namang mapupunta dun. I cannot say where I'll be five years from now. Siyempre, all you want to do is be the best person now. And that's what I'm looking at lang."

NO LOVELIFE. Pagdating naman sa kanyang lovelife, nagbibirong naiiyak na sumagot si Angelu ng "wala na!" at saka ito natawa.

"Wala! Promise, wala talaga!" bulalas niya. "I think I've already chosen a direction which is really hard. If it's one who is not ready for what I am, for my Christianity, for my being a Born Again... My Church is very important. My JCI is very important. Mahirap siyang i-compromise, so I guess yun ang nawala sa amin. Kaya medyo hindi nagkasundo because I need to prioritize something."

Ang dalawang anak niya ang source of inspiration and pride niya ngayon.

"Malalaki na sila, they are 11 and eight. And I'm blessed because hindi mo naman nakikita how your kids are except when people tell you how good your kids are. I'm very blessed with prayers and everything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo, palagi ko namang sinasabi, sa mga anak ko, I'm just here to nurture them. But at the end of it, hindi sila sa akin, e. Kung ano ang plano ng Diyos sa kanila, yun ang mangyayari. I'm just here to guide and hopefully be a role model," saad ni Angelu.

THE LAST PRINCE. Pagdating naman sa kanyang showbiz career, regular pa ring napapanood si Angelu sa The Last Prince ng GMA-7. Natuwa nga raw siya nang malamang extended ang telefantasya.

"So far, yun pa lang ang ginagawa ko. Balita ko it's extended and we'll tape until May. Thank God, kasi kung wala pang next project, at least, napahaba ang soap namin," sabi ni Angelu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN