FIRST READ ON PEP: Gretchen Barretto walks out of press conference

Gretchen Barretto did it again!

After her controversial Entertainment Live walkout two years ago, the singer-actress, again, hastily left the press conference venue of her recent endorsement, Glutamax, after reporters bombarded her with questions about her supposed gap with younger sister Claudine Barretto.


"Ayoko na!"

Ito ang nasambit ni Gretchen Barretto bago nito dagliang iniwan ang kanyang press conference na naganap kanina, ika-7 ng Abril, sa Eastwood City.

Ang singer-actress ang bagong endorser ng Glutamax. Sa simula, maganda ang mood niya at mabilis nitong sinasagot ang mga tanong ng press at media people.

Nalaman niya raw kanina lang ang posibleng pagkakatapat ang kanyang episode sa Maalaala Mo Kaya at ang drama anthology ng kanyang nakababatang kapatid sa GMA-7. Nang usisain siya kung sinadya ba ito, umiling ito at sinabing hindi. Ang kanyang talent manager na si Boy Abunda raw ang nakakaalam ng mga detalye ng kanyang projects.

Dagdag pa niya, "Wala po akong intensiyon na manakit ng tao. Ako naman, alam niyo naman buhay ko 'to, ang pag-aartista, 'yon lang ang ginagawa ko."

Isang reporter ang nagsabing baka hindi magustuhan ng kanilang ina na si Inday Barretto ang sabay na pag-ere ng kanilang mga TV projects. Napangiti lang si La Greta at sinabing maganda nga ang nangyayari dahil sa dalawang malaking istasyon, parehong Barretto ang mamamayagpag kung saka-sakali.

Noong una ay maganda pa ang pakiusap ni Gretchen, "Magkapatid kami. Hindi kami dapat pag-awayin."

Subalit noong dire-diretso pa rin ang pagtatanong tungkol sa umano'y di nila pag-uusap ni Claudine at sa nararamdaman niya, tumayo ito at biglang nilisan ang venue.

Hindi ito ang unang beses na nag-walk out si Gretchen. (CLICK HERE to read article.) Matatandaan na noong Pebrero 2008, iniwan din nito ang talk show na Entertainment Live dahil sa mga tinuran ni Nadia Montenegro, na noo'y nakaalitan niya, sa VTR.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN