Georgina Wilson not yet sure about accepting offer to co-host Wowowee

"Merong offer, pero hindi ako sure kung tatanggapin ko. Hindi ko pa kasi alam kung ano ang gusto kong gawin, kung ano ang kaya kong gawin. Hindi ko pa alam," says Georgina Wilson about the offer to co-host Wowowee.


Buo ang suporta ng Diaz clan, kabilang na ang model-videojock na si Georgina Wilson, sa kandidatura ni Cavite Congressman Gilbert Remulla na tumatakbo para sa Senado sa May 2010 elections. Si Georgina ay pamangkin ng aktres at dating Miss Universe na si Gloria Diaz at pinsan din ng asawa ni Cong. Remulla na si Georgia Isabel Roa.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Georgina sa presscon ni Cong. Remulla kasama ang mga Diaz kahapon, April 7, sa Annabel's restaurant. Bukod kay Georgina, present din sa presscon ang mag-inang Gloria Diaz at Isabelle Diaz-Daza, at ang mga kapatid ni Gloria na sina Georgie at Ruby, na mother-in-law naman ni Gilbert.

Ayon kay Georgina, pangalawa pa lang ang presscon na ito sa events ni Cong. Remulla na nasamahan niya. Ang una raw ay sa isang fund-raising event na siya ang naging host. Bukod sa suporta ng pamilya, personally ay malaki ang paniniwala ni Georgina sa pinsan niya.

"Yung family namin, actually, very quiet lang pero we are very supportive of Gilbert. We really believe na he'll be an asset to the Senate. We believe that the Senate needs a change and kahit pinsan ko 'yan, wala akong paki [pakialam]. Kay Gilbert talagang naniniwala ako. Matalino siya, he can really bring change and I think 'yan ang pinakaimportante sa gobyerno natin," pahayag ni Georgina.

IS WILLIE COURTING HER? Siyempre, hindi rin pinaligtas ng PEP na tanungin si Georgina sa mga kinasasangkutan nitong intriga sa showbiz. Una na nga rito ang pagkaka-link niya sa Wowowee host na si Willie Revillame. Lalo na nga't naging special guest siya ng TV host sa nakaraang birthday nito. Totoo bang nanliligaw si Willie sa kanya?

"Hindi," tanggi ni Georgina. "It just so happened na nakasama ko siya sa isang endorsement. Pero friend ko yun, walang issue or anything between us. Mabait siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May ugung-ugong na magiging co-host na rin siya ng Wowowee. May offer ba si Willie para sumali siya sa ABS-CBN noontime show?

"Merong offer, pero hindi ako sure kung tatanggapin ko. Hindi ko pa kasi alam kung ano ang gusto kong gawin, kung ano ang kaya kong gawin. Hindi ko pa alam," sagot niya.

CONSIDERING A FULL-TIME SHOWBIZ CAREER. Isa rin sa pinag-iisipan ni Georgina ay ang offer sa kanya na pasukin na talaga ang showbiz kasama na ang pag-arte.

"Maraming offers. I'm considering it. At the moment, I'm hosting, I'm endorsing, marami akong bagong endorsements na lalabas. But acting, hindi ko pa alam kung kaya ko," saad niya.

Bakit ba nagdadalawang-isip pa siya?

"Kasi everyone thought na madali ang mag-artista and everything. Pero mahirap talaga siya. Lahat ng friends ko nagwo-work sila ng 7 a.m. na umaabot minsan ng 7 a.m. din the next day. Sobrang mahirap at nakakapagod. And it's not something na pag may offer, sige, gawin ko. Ako, hindi ako ganyan. Gusto ko lahat ng gagawin ko inaaral ko muna," paliwanag ni Georgina.

Kinukumbinsi ba siya ng mga showbiz friends niya na pasukin ang showbiz?

"Oo, like si Anne, all of them. Actually, they support me in whatever I wanna do," sagot niya.

Kung sakaling ituloy niya ang showbiz career niya, posible bang kunin niyang manager ang mommy ng ex-boyfriend niyang si Richard Gutierrez na si Annabelle Rama?

"No, kasi I already have a manager now, si Wyngard Tracy. And he's very maalaga. And he knows na hindi ko pa kayang mag-act."

Anong advice ang ibinibigay sa kanya ni Wyngard tungkol sa showbiz career niya?

"Very supportive siya. He's the one who's weighing...hinahanap niya yung tamang project for me," ani Georgina.

GETTING BACK WITH RICHARD? Wala ba siyang boyfriend ngayon?

"Wala. I'm single and I'm happy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta na sila ng ex niyang si Richard Gutierrez?

"We're okay, we're friends. Close ako sa family niya," sagot ni Georgina.

Ano naman ang masasabi niya na posibleng magkabalikan si Richard at ang dati rin nitong naging karelasyon na si Anne Curtis, na friend naman niya, lalo na nga't may gagawing movie ang dalawa?

"Well, it's up to them," sambit niya.

Pero napag-usapan ba nila ni Anne ang tungkol dito?

"Of course, we talk about everything."

Inamin din ni Georgina na nagtutuksuhan nga raw sila ni Anne kung sino sa kanila ang posibleng balikan ni Richard. Sino ba talaga ang malaki ang possibility na balikan ni Richard?

"Baka si Anne!" natatawang sabi ni Georgina. "No, tinutukso ko lang si Anne. Kasi if you'll ask Anne, she'll say naman na baka ako."

Nanliligaw ba ulit si Richard?

"Friends lang kami."

Pero posible ba silang magkabalikan?

"Every day they ask me that. Let's just wait what happens."

For her first TV or movie project, okay lang ba na si Richard ang kapareha niya?

"Okay lang. Of course, I'm comfortable working with him kasi kilala ko. So, let's see na lang."

Bukod kay Richard, gusto rin daw makatrabaho ni Georgina sina Dingdong Dantes, Piolo Pascual, at Sam Milby, basta hindi alangan ang height sa kanya.

BANGKOK EXPERIENCE. Saan siya nag-spend ng Holy Week?

"I went to Bangkok. Kasama ko si Tim [Yap], si Anne [Curtis], si Solen [Heussaff], and some friends," sabi ni Georgina.

May rally daw sa Bangkok, Thailand noong nagpunta sila roon. Ikinuwento pa nga ni Georgina ang isang experience nila nang habulin daw sila ng mga raliyista.

"Oo nga, naabutan pa namin yung rally. I was shopping with a friend when we noticed two, three people wearing red shirts. When we turned around, we saw about a thousand people wearing the same colored shirts, and they were rushing towards us. Now, if you see a crowd of a size that could fit Edsa, wouldn't you run away too?" natatawa na lang na pagsalaysay ni Georgina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN