Pilipinas Got Talent contestant Richard Villanueva admits being friends with judge Ai-Ai delas Alas

"May mga blind items nga na lumabas na kasi nga raw, friends kami ni Ai-Ai. Pero kung papanoorin nila yung buong interview, hindi namin dine-deny ni Ai-Ai na magkaibigan kami. Pinapahalata niya nga na kilalang-kilala niya ako... Pero si Ai-Ai naman ang type of person na siguro kilala n'yo naman na kapag ayaw niya, ayaw niyang talaga, wala kayong magagawa," says Pilipinas Got Talent contestant Richard Villanueva (in photo) about being friends with j


Isa sa pinakamatunog na pangalan sa ABS-CBN talent show Pilipinas Got Talent ay si Richard Villanueva, ang tinaguriang "Birit King" dahil sa tindi ng pagbirit niya sa mga kanta.

Richard is not new in performing dahil nagsimula talaga siya sa mga comedy bar, tulad ng Music Box. Pero aminado ang 38-year-old performer na ang Pilipinas Got Talent ang unang attempt niya to go mainstream.

Isa si Richard sa nakatanggap ng "triple yes" mula sa Pilipinas Got Talent judges na sina Kris Aquino, Ai-Ai delas Alas, at Freddie Garcia. Isa rin ang audition video ni Richard na may pinakamaraming views sa YouTube. Pero nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Richard, aminado siya na naaapektuhan siya sa ilang negative comments na nababasa niya.

"Actually, ang nakakatawa, wala yung gray areas. Wala yung something in between. It's either ang gaganda or sobrang ang papangit," sabi niya.

Dagdag ni Richard, "Yun lang kasi ang nakaka-bother kasi kung ako lang talaga, okey lang sa akin. Sanay na sanay ako diyan, tanggap na tanggap ko 'yan. Pero siyempre, meron tayong mga taong mahal sa buhay. Meron tayong mga kapatid. Meron akong mommy, meron akong daddy. Lalo na yung mga kapatid kong nasa abroad, siyempre ipinagmamalaki niyang 'kapatid ko 'to.'"

Pero nagpapasalamat din daw si Richard sa mga nagko-comment lalo't higit sa mga nanonood sa performance niya.

May effect din ba ang comments ng mga nagpo-post sa iba't ibang online sites sa magiging judgment sa kanila sa Pilipinas Got Talent?

"Well, I guess, yes, definitely," sagot niya. "Kasi yung ibang people, dun nila dyina-judge ang isang tao, on how they judge a person, e, based sa mga reaction ng mga taong nanonood sa 'yo. But I hope naman they will concentrate on the talents. Sobrang ganda rin ng sinabi ni Mr. Freddie Garcia, yun lang talaga, like, 'Bakit hindi pa naging recording star 'to?' Yun lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

To think na among the three judges, parang mas takot si Richard sa magiging judgment sa kanya ng dating ABS-CBN executive.

BEING FRIENDS WITH A JUDGE. Aminado si Richard na kaibigan niya ang isa sa mga judge ng Pilipinas Got Talent na si Ai-Ai delas Alas. Nagkasama na raw kasi sila noon sa comedy bar at alam daw niyang puwede itong makaapekto sa katayuan niya sa competition.

"May mga blind items nga na lumabas na kasi nga raw, friends kami ni Ai-Ai. Pero kung papanoorin nila yung buong interview, hindi namin dine-deny ni Ai-Ai na magkaibigan kami. Pinapahalata niya nga na kilalang-kilala niya ako. Dun na nga lang sa interview, parang, 'Richard!' So, parang pinapahalata niya sa mga taong magkakilala kami. Pero si Ai-Ai naman ang type of person na siguro kilala n'yo naman na kapag ayaw niya, ayaw niyang talaga, wala kayong magagawa," sabi ni Richard.

Aware ba siya sa sasabihin ng iba kung sakaling makapasok siya sa finals ay dahil ito sa pagiging magkaibigan nila ni Ai-Ai?

"Parang disadvantage dahil puwedeng isipin na ganun," pagsang-ayon ni Richard. "Pero actually, nang mag-audition kami, wala pang judges. Kasi ilang screening muna 'yan bago ka makapasok sa AFP Theater, e."

AIMING FOR THE TOP PRIZE. At this point, gaano siya ka-confident na makakasama siya sa Top 30 and win the cash prize of P2 million pesos?

"Actually, hindi ko kasi napanood ang ibang contestants," sabi ni Richard. "Siyempre, ibe-base ko lang sa reaction ng mga judges at audience sa audition ko. I think, parang tawag nila sa akin 'Birit King.' Pero siyempre, I cannot tell pa rin."

Hindi pa man, may plano na si Richard kung sakaling siya ang manalo sa Pilipinas Got Talent. Instead na sa kanya mapunta ang cash prize, may paglalaanan na raw siya na bibigyan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"If I'm gonna win, I'll gonna donate it, 100 percent, sa HIV awareness sa Philippines. Yun ang very close to my heart," sabi niya.

Bakit niya gagawin 'un?

"Well, for one, gusto ko lang pong linawin that I'm an HIV negative. Baka isipin nila!" natatawa niyang sabi. "Siguro, financially, kahit paano, okey naman ako, nabubuhay naman ako nang maayos. Hindi naman umaasa sa akin ang family ko, medyo okey naman sila. Meron din silang sariling income.

Dagdag niya, "I have a friend who died because of the disease. Kasi nga, hindi niya alam. And someone very close to me, someone helping me, positive siya. Pero ang maganda sa kanya, aware siya. At ang maganda sa kanya, mas mukha pang positive ang ibang tao. At ang maganda, dahil aware siya, nabubuhay siya nang healthy. Hindi siya nakaka-infect ng ibang tao. Kasi kung ikaw, positive ka, hindi mo alam, naipapasa mo pa 'yan sa ibang tao. E, kung ibang tao tapos mapapasa pa sa ibang tao, so kumakalat siya nang kumakalat kasi nga, hindi tayo aware. So, I am after the awareness."

Napag-alaman din namin during the interview that Richard is a graduate of Molecular Biology and Biotechnology sa University of the Philippines. Nagturo rin siya ng ilang taon sa isang unibersidad. Pero it was his calling to do live performances, kaya ang pagiging stand-up comedian and singer ang naging propesyon niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN