Carl Guevara forms new love triangle with Kris Bernal and Aljur Abrenica in The Last Prince

The 20-year-old says says he's only ever had two girlfriends. One of them was Brazilian stunner Daiana Menezes of Eat Bulaga!


Bagong addition si Carl Guevara sa The Last Prince at posibleng mapapanood siya hanggang magtapos ang naturang primetime show. Sasagipin ng karakter niya si Kris Bernal at magkakaroon sila ng love triangle with Aljur Abrenica.

Isang pocket presscon ang ibinigay ng GMA-7 bilang pagpapakilala kay Carl as Jerrick Santenalla, isang mayaman at compassionate na binata na mai-in love kay Lara (Kris).

NO THREAT TO LOVE TEAM. Pero ayaw raw ni Carl na magalit sa kanya ang mga fans ng Kris-Aljur love team.

"Siyempre, hangga't maaari, ayokong maging kontrabida sa kanila. Alam ko naman na yung love team nila talagang matagal na. So, trabaho lang talaga," nakangiti niyang sabi.

Pero natutuwa raw siya sa support na ipinakita sa kanya, lalo na ni Kris na kaeksena niya sa first taping day niya sa Subic.

"Sobrang surprise kasi sa akin ang The Last Prince na makakasama pala 'ko. Kasi, alam ko na mataas ang rating nila at isa sila sa hottest love team sa GMA-7 na makaka-triangle ko, so siyempre, natuwa talaga ko."

Bilang paghahanda, "inaral ko na agad ang script. Then, nanood ako ng show, kasi mahirap pa, kung nandun na 'ko, 'tapos hindi ko pala alam ang characters nila, di ba? So, yun, talagang pinanood ko."

Noong bata siya, gusto na raw niya yung kuwento, although mas hilig niya ang cartoons kaysa fairy tales.

BRAZILIAN HOTTIE LOOK-ALIKE. Kapansin-pansin sa ilang entertainment press na nasa presscon ang pagkakahawig ni Carl sa Brazilian model-turned-actor na si Daniel Matsunaga, ang unang naka-love triangle nina Kris at Aljur sa The Last Prince.

Natawa si Carl, dahil marami na pala ang nakapagsabi sa kanya ng ganoon.

"Kahit yung mama ko, siya rin yung nagsabi na kamukha ko nga raw," nakangiti niyang sabi.

May nagtanong tuloy, sino raw sa tingin niya ang mas guwapo sa kanilang dalawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, sa tingin ko, magkaiba kami ng guwapo. Siguro si Daniel, mas mature. Baka ako, medyo boyish pa," natatawa niyang sabi.

Dugtong pa niya, "Dun sa mga ka-gym ko, sabi nila, 'Nakita ko yung commercial mo.' Sabi ko, 'Wala naman akong commercial ngayon.' Yun pala, yun nga, yung commercial niya. "

Ngayong Abril ay nasa cover si Carl ng Men's Health magazine, kunsaan na-feature na rin si Aljur, at parehong inaabangan ang pagrampa nila sa underwear fashion show ng Bench sa July.

Di rin pahuhuli ang TLP, may ilang eksena si Carl sa teleserye na naka-topless siya.

"Sa tingin ko, kaya naman," natatawa niyang sabi.

SHY GUY. Nalaman namin kay Carl na dalawa pa lang ang naging girlfriend niya. Isa noong nasa high school pa siya at pangalawa ay ang Brazilian host ng Eat Bulaga! na si Daiana Menezes.

"Yung noong high school, bata pa naman kami, so hindi mo rin masasabing seryoso na talaga. Siguro yung kay Daiana na yung masasabi kong serious na rin."

Pero hindi rin nagtagal ng isang taon ang relationship nila. Anyway, 20 years old pa lang si Carl, kaya pinayuhan siya ng mga nakapaligid na press na mas magandang huwag muna siyang magseryoso sa relationship.

Ipinagtapat pa ni Carl na mahiyain din daw siya at hindi marunong manligaw, kaya siguro hindi rin siya nagkaroon ng maraming girlfriend.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN