Ruffa Gutierrez admits new talk show Paparazzi still needs much improvement

"It's the first episode. You know, marami pang puwedeng i-improve. Ako, I'm very happy na binigyan kami ng bonggang set at hindi pa yata siya tapos. But hopefully by next week and coming weeks, things will be more relaxed and stable. There's a lot of room for improvement and there's a lot of room to do better," says Ruffa Gutierrez about Paparazzi, her new TV show with TV5.


Aminado si Ruffa Gutierrez na marami pang dapat i-improve sa bagong showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi, na nag-pilot episode kahapon, April 11. Kasamang hosts dito ni Ruffa sina Cristy Fermin, Dolly Anne Carvajal, at Jon Santos.

"It's the first episode. You know, marami pang puwedeng i-improve. Ako, I'm very happy na binigyan kami ng bonggang set at hindi pa yata siya tapos. But hopefully by next week and coming weeks, things will be more relaxed and stable. There's a lot of room for improvement and there's a lot of room to do better. So, you know, we're very excited," pahayag ni Ruffa sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press na dumalaw sa live episode ng Paparazzi kahapon.

Bagamat nanganganay pa sila sa bagong show, halata namang kumportableng-kumportable na si Ruffa sa kanyang ginagawa na parang nasa sariling bahay lang siya. Bakit ganito na ang pakiramdam niya samantalang unang episode pa lang ng Paparazzi?

"Well, here naman kasi, I can speak my mind. Actually, ako nga ang nasa-shock sa mga pasabog nina Dolly at Tita Cristy. Pati ako tuloy, gusto kong matumba sa inuupuan ko!" natatawa niyang sabi.

Baka dahil kasi "reyna" ang feeling niyang talaga sa TV5?

"Hindi naman, hindi naman ako reyna. Huwag naman nating lagpasan si Maricel Soriano. I respect her naman. She's more senior than me. So, sabihin na lang natin na ano ako, cutey princess!" tawa niya ulit.

JOHN ESTRADA BLIND ITEM. During the show, meron silang mga pasabog na blind items at kanya-kanyang opinyon sa mga picture ng mga artista. Isa sa blind item, na tila pinangalanan na rin ni Cristy, ay ang tungkol kay John Estrada. Ito ay tungkol sa isang aktor na nag-check-in diumano sa hotel kasama ang isang aktres na may asawa.

Sa pagbibigay ni Cristy ng clue, na give na give naman, ay nag-comment si Ruffa. Pero hindi nila ito kinumpirma o itinanggi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After that segment, nakatanggap daw ng text message si Ruffa galing kay Priscilla Meirelles, ang Brazilian girlfriend ni John.

"Sabi niya, 'Hi, can you please give me the number of Tita Cristy Fermin?' Siyempre, na-stress naman ako! So, I said, 'Are you watching? What's that all about?' And she goes, ''Yeah, I'm watching. Congratulations. Please give me Cristy's number,'" kuwento ni Ruffa.

So, walang alam si Priscilla na may gano'ng isyu?

"Ay, hindi ko rin alam, Day!" bulalas ni Ruffa. "Hindi ko rin alam. Hindi naman sinasabi sa akin ni Tita Cristy kung sino ang blind item niya."

Sa ganitong segments nila, gaano ba kaingat si Ruffa sa pagbibigay ng sarili niyang balita, especially may mga kaibigan din siyang mga artista? Hindi kaya eventually ay mangilag na rin sa kanya ang mga kaibigan niyang artista?

"Well, hindi naman. I didn't say anything wrong earlier. And if it's already in the news and it's already may malaking pasabog Tita Cristy knows, I can give opinion. We're not here naman para siraan ang mga kapwa ko artista.

"As a matter of fact, kung may balita nga about them, and like what I did in The Buzz, I will get their number and I would get their side of the story and it's fair. Kasi, we're not here naman para manira ng kapwa, para manira ng artista. You know, we're here para magbigay ng bagong information sa kanila whether good or bad. And of course, we always want to get their side," saad ni Ruffa.

DREAM GUESTS. When asked kung sino sa mga artista natin ang gusto pa niyang ma-interview, dalawa raw ang wish ni Ruffa—ang kaibigang si Gretchen Barretto at ang kapatid na si Richard Gutierrez.

"Si Gretchen kasi, I know that she's very candid at marami akong puwedeng itanong sa kanya. I know that would be a no-holds-barred interview. Si Richard naman, I know that he's warm naman with the press, pero I can see na may wall pa rin siya. So, I want to break that wall at ang dami kong puwedeng itanong sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KC CONCEPCION. Tinanong din si Ruffa tungkol sa pagkakapalit sa kanya ni KC Concepcion bilang co-host ng The Buzz ng ABS-CBN.

"I love KC," sambit ni Ruffa. "Whatever she decides to do, I'll support her. I do know that siya ang bagong host ng The Buzz, but not necessarily kapalit ko. Kasi may mga segments siya na bago na wala sa mga segments ko na ginawa noon.

"Kapatid ko si KC and I wish her all the best and wala namang problema. There's room for everyone in this industry and everyone deserves to have a nice job and everyone deserves to be happy, so I wish KC all the best."

FROM ENEMIES TO CO-HOSTS. Kung tutuusin, ang dalawang co-hosts ni Ruffa sa Paparazzi ay nakaalitan niya noon. Pero nagawa nga ng TV5 na pagsama-samahin silang tatlo sa iisang programa.

In Ruffa and Dolly Ann's case, muling naungkat ng press ang pagiging ex-girlfriends nila pareho ni Robin Padilla. So, Ruffa was asked how it was working with an ex ng isang ex niya?

"Oh well, you know, sa Philippines, ganun talaga. It's a big merry-go-round. Whether in show business or not... Kapag wala sa industriya, meron pa nga sa AB people, merong mga isyu with other people, what more pa sa show business?

"Hopefully, the next time I fall in love, when I'm ready, kailangan siguro wala na sa industriya at hindi siya Filipino para aking-akin lang siya at wala siyang story behind it. Kasi, especially kapag artista, my God, pasahan nang pasahan, naloloka ako!" natatawa niyang sabi.

Dagdag niya, "It's so weird in the industry. Even yung mga ex mo, nagiging kumpare mo. So, it's show business."

Pero hirit ni Ruffa, next year pa raw siya magiging open sa love.

"Well, after the breakdown of my marriage, I said, siguro hindi na ako ikakasal muli. Parang ayoko nang pakasal. Been there, done that. But after seeing one of my best friends married few days ago, nakikita ko na love still exists in this world. And I know that God will give me someone who would be my soulmate. Pero ngayon, I'm happy and I'm okay naman with my life. 'Yang mga lalake sa ngayon, pampa-wrinkles lang 'yan!" tawa ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BONDING WITH KIDS. Kagagaling lang ni Ruffa at ng dalawang anak niyang sina Lorin at Venice sa Australia. Pero prior to that, nag-bonding din silang mag-iina sa Palawan.

"Bonding moments namin yun with Lorin and Venice."

What about her ex-husband Yilmaz Bektas na sinabi niyang darating after Holy Week? Tuloy pa rin ba ito?

"Well, we just arrived from Sydney last night. So, we're gonna talk later to say I'm back," sagot ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN