Internal bleeding limits pregnant Tanya Garcia's movements

"Di ba, usually na maririnig mo, spotting or nagbi-bleed? Pero ako, based on ultrasound, yung bleeding ko, internal just like with Mischa," shared Tanya Garcia about the very delicate condition of her pregnancy.


Just like her first pregnancy, nagiging mahirap na naman para kay Tanya Garcia ang kanyang ikalawang pagbubuntis. Ito ang napag-usapan sa phone conversation ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng actress-businesswoman kahapon, Abril 13.

Nang una ngang magbuntis si Tanya, kinailangan niyang mag-bed rest ng ilang buwan at napilitan siyang huminto sa pag-aartista kahit kauumpisa pa lang ng seryeng Super Twins kunsaan isa siya sa cast.

This time, bed rest pa rin ang order ng kanyang doktor. In fact, sa bahay nila sa Porac, Pampanga, nasa kuwarto na lang daw siya at nakahiga.

"Ganun pa rin, e, katulad pa rin noong magbuntis ako kay Mischa [two-year-old daughter], nagkakaroon ako ng internal bleeding. Di ba, usually na maririnig mo, spotting or nagbi-bleed? Pero ako, based on ultrasound, yung bleeding ko, internal just like with Mischa.

"Pero last week, noong magpa-check-up naman ako sa o.b. [obstetrician] ko, nakita naman na okey na, pinayagan na nga niya ako na puwede na raw akong maglakad-lakad. Kaso, noong umalis ako at mag-grocery, wala pa yatang five minutes, nagpabalik na ako dahil sobrang iba na yung pakiramdam ko, and ngayon, nagsusuka talaga ako. So, yun, bed rest muna raw talaga kahit na sobrang nakakainip. Siyempre, napanood ko na yata halos lahat ng DVD at mga TV shows," natatawang kuwento pa niya.

HOPING FOR BABY BOY. Kung sila raw ng asawang si Mark Lapid ang masusunod, they want a baby boy this time. Pero kung ano pa rin daw ang ibigay sa kanilang anak ay okey na rin, as long as healthy raw ito. In a way, natupad naman ang plano niya na masundan na nga ang panganay na anak and after that, saka nila itutuloy ni Mark ang church wedding nila.

Napapansin din daw niyang parang napi-feel na ng panganay na anak na magkakaroon na ito ng kapatid at hindi na lang ito ang magiging baby sa bahay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba kasi siya ngayon. Mas malambing siya at saka, palaging nagpapakarga sa akin. E, hindi naman siya ganun dati. Kaso, hindi naman ako puwedeng magbuhat. Hindi ko naman siya puwedeng kargahin.

"So, kung nasa bahay si Mark, siya yung talagang gumagawa. Proud naman ako kasi ever since, Mark has been a good father and maasikaso siya sa amin. Ngayon nga lang, busy rin dahil sa campaign period."

Tumatakbo for re-election ang ama ni Mark na si Senator Lito Lapid.

SALON BUSINESS. Kailan lang, nag-open ng kanyang sariling salon si Tanya sa Metrowalk, ang Alcutraz. Pero hindi nga raw niya ito personal na napupuntahan ngayon because of her situation.

"But I always call and check naman from time to time. And okey naman kasi, may mga tao rin naman ako na nag-aasikaso talaga. Plano ko pa to have another one, yung sa SM Megamall sana, kaya lang, may problema pa sa place na ibinibigay sa amin since we want a bigger one sana."

Bago mag-venture sa salon business, nag-aral muna si Tanya ng salon management and hairstyling course sa Australian College of Hair Design and Beauty.

SOAP OFFER. Natatawa rin nitong ikinuwento na kung kailan naman daw siya nabuntis, saka naman may soap-opera offer sa kanya ang isang network.

"Nakakatuwa nga, parang nag-i-inquire kung puwede raw ako. Ako naman, kahit noon, okey lang naman ako. Namimiss ko rin naman yung umarte talaga and gumawa ng soap. Kaya lang sabi ko nga, ano ba 'yan, ang tagal ko na hindi naman buntis, walang ganung offer, kung kailan naman ako nabuntis at bed rest pa, 'saka may offer," natatawa niyang sabi.

"Well, hopefully, after I give birth, kung may offers pa rin, I still want to continue acting. Okey rin naman kay Mark as long as, siyempre, yung mga bata, hindi mapapabayaan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN