Dingdong Dantes says being unpredictable makes relationship with Marian Rivera exciting

"Siguro yun ang isang pinanghahawakan namin kahit nung simula pa lang namin magkakilala. Yun ay ang pagiging unpredictable namin, kaming dalawa, even individually. Kumbaga, hindi pa namin nahuhulaan yung mga susunod na gagawin ng isa't isa kaya mas nae-excite kami sa bawat araw na nagkakasama kami," says Dingdong Dantes about his relationship with Marian Rivera.


Balik-tambalan ang on-and-off cam couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa GMA Films at Regal Entertainment movie na You To Me Are Everything, directed by Mark Reyes. After kasi ng kanilang successful teamup sa telebisyon sa Marimar, Dyesebel, at Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, gayundin sa first movie nilang One True Love, ay pansamantala ngang pinaghiwalay muna ang kanilang love team at naipareha sila sa iba.

Pero dahil sa clamor ng kanilang fans na mapanood sila ulit na magkasama kaya nabuo ang romantic-comedy film na You To Me Are Everything na palabas na sa mga sinehan sa May 5. (CLICK HERE to view behind-the-scene photos)

Aminado si Dingdong na talagang nag-enjoy sila ni Marian sa paggawa ng movie na ito lalo na nga't nag-shooting pa sila sa isang strawberry farm sa Benguet.

"Sa strawberry farm, siguro mas maraming beses kaming kumain ng strawberry kaysa sa nag-take. Kasi habang naghihintay, bunot kami nang bunot. Pero siyempre binayaran din nila [production] after. Kasi bihira lang din kaming makapunta sa isang strawberry plantation kaya talagang nilubos na namin," kuwento ni Dingdong sa presscon ng You To Me Are Everything na ginanap kagabi, April 13, sa Imperial Palace Suites.

Ano ang pagkakaiba ng personal at working relationship nila since their launching movie?

"Sa working relationship medyo mas naging complicated kasi siyempre ngayon...unlike before na medyo walang pakialam. Ngayon talagang we see to it na kumportable ang isa't isa. Kumbaga yung level of caring, e, times two ngayon."

Ano ang makakahikayat sa mga tao para panoorin ang pelikula nila at tumabo ito sa takilya?

"Ako, naniniwala kasi ako na siyempre we have to do our part in promoting it. Kami, committed kami sa paggawa niya. Tapos pagpunta namin sa labas, kumbaga ang sinasabi namin sa mga tao, like sa mga mall shows, na panoorin siya. Plus ang pinakamakapagsasabi talaga kung kikita yung pelikula ay kapag maganda ang pelikula. It will spread by word of mouth. Naniniwala ako doon na pag ganun, talagang panonoorin ng mga tao. And I believe na maganda ang pelikula namin," saad ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang ibig sabihin sa kanilang personal life ng title ng movie nila na You To Me Are Everything?

"Parang equation lang 'yan. A plus B equals C. So, you and me equals everything. Siguro yun ang para sa akin...para makumpleto ang equation."

OFF-CAM RELATIONSHIP. Gaano na ba kalalim ang kanilang off-cam relationship ni Marian?

"Kumbaga sa balon pag sumilip ka, wala kang makikita dahil sa madilim. Hindi dahil sa madumi kundi talagang malalim talaga," sagot ni Dingdong.

Ano ang reaksiyon niya sa sinabi ni Marian na sa araw-araw na pagsasama nila ay lalo siyang gumuguwapo sa paningin nito?

"Ako, sapat na sa akin yung siya yung naguguwapuhan sa akin," sabi ni Dingdong. "Kasi kumbaga, hindi naman ako feeling, e. Ako, never ko naman kine-claim na pogi ako. Pero once na sinabi yun ng mga taong malapit sa iyo, siyempre mapa-flatter ka. Minsan sa mga araw na ganun na napa-flatter ka, it really makes my day. Yung mga simple things na ganun, hindi mo maipagpapalit yun sa kahit anong regalo, kahit ano pang materyal na bagay. Yung simple things na ganun will be remembered always."

Ano ang mga bagay na nabago sa kanya dahil sa impluwensiya ni Marian?

"Sa tingin ko, maraming bagay naman, e. Pero isa sa pinakaimportante na nakita ko na nag-enjoy ako the most is siguro kung paano ako maging relax sa pananaw ko sa buhay at sa mga bagay-bagay. Siguro dati masyado akong seryoso, masyado akong stiff. Pero isa sa mga naituro niya sa akin yung kung paano maging totoo sa kung ano talaga yung gusto ko. Wala masyadong pretensions, just be your self. Yun ang isa sa mga natutunan ko sa kanya na ine-enjoy ko ngayon."

Dumating na ba sila sa puntong nagkasawaan sila?

"Hindi po. Kasi siguro yun ang isang pinanghahawakan namin kahit nung simula pa lang namin magkakilala. Yun ay ang pagiging unpredictable namin, kaming dalawa, even individually. Kumbaga, hindi pa namin nahuhulaan yung mga susunod na gagawin ng isa't isa kaya mas nae-excite kami sa bawat araw na nagkakasama kami. Much more na gumagawa ng roles na ganito na never naming in-expect na ganun yung atake sa roles. So, kahit ano, nasu-surprise ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga pananalita nila tungkol sa lalim ng relasyon nila, tila kulang na lang ay ikasal na sila. Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

"Iyan ang isa sa mga bagay na kung pag-uusapan kailangan talagang pagtuunan ng oras, ng pansin. If that time will come, it will be the right time," saad niya.

VERY SUPPORTIVE OF MARIAN. Sa kanilang dalawa ni Marian, si Marian ang mas madalas na intrigahin. Ang latest intriga nga ay pagkakaroon diumano ng anak ni Marian. Ano ang reaksiyon ni Dingdong dito?

"In all personalities that are doing good, that are doing well sa larangan nila, e, talagang magkakaroon sila ng butas na masisilip para i-criticize, e. Siyempre, curious ka kung paano ba itong taong ito gumalaw, mag-isip, ganun. Normal iyan, e. Pero siyempre at the end of the day, ang katotohanan ang magse-set sa iyo apart. Ang mga taong nakakaalam ng katotohanan ay yung mga taong malalapit sa iyo."

Paano niya sinusuportahan si Marian?

"Just by always being there. Sabi ko nga, I got her back. Atsaka constant reminder lang na we're always here for you because we know the truth."

Sa isang interview ni Dingdong tila nagbanta siya sa mga nang-iintriga kay Marian na dapat muna nilang siguraduhin ang mga ibinabalita nila. Gaano siya kaseryoso sa kanyang banta?

"Seryoso talaga," sagot ni Dingdong. "Totoo naman, e, kung may proof naman I will not hurt you. Pero kung wala, which I know what the truth is, e, mahiya naman sila."

After ng kanilang movie, from May to June, isang buwan ding mawawala sa Pilipinas sina Dingdong at Marian para sa kanilang shows abroad. Sisimulan na rin nila ang balik-tambalan nila sa telebisyon na Endless Love.

Anong paghahanda ang ginagawa nila para sa bago nilang gagawing soap sa GMA-7?

"Mabigat yun. Magkakaroon kami ng workshop. It will be a greater challenge for us kasi panibagong roles, panibagong characters na naman ang gagawin namin. Pero we're both excited sa pagsasama ulit namin sa isang TV project," saad ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN