Model-actor Lemuel Pelayo plays the geek among hunks in D' Survivors

The commercial-modeling veteran has been getting bigger and better parts since the start of the year and already has a wish list for leading lady, mentioning Heart Evangelista ("crush ko siya") and Iza Calzado ("magaling, maganda").


Nagsimula sa TV commercials si Lemuel Pelayo at marami na rin siyang nagawang TV ads bago niya naisipang pasukin ang mundo ng pag-arte sa telebisyon at pelikula.

May mahalagang role siyang ginampanan sa indie film na Romeo at Juliet, at isa siya sa mga mai-stranded sa isang isla, kasama ang mga Brazilian hunks, na magko-comedy naman for D' Survivors showing this April 28 in selected theaters.

"Estudyante kasi ako sa movie na magpupunta ng Babuyan Island at nagri-research. So, ako yung parang geek dito na madaldal. Parang lahat alam ko. Yung mga bagay-bagay, mga simpleng bagay since matalino ako rito."

Pero natatawang itinanggi ni Lemuel na geek din siya in real life.

BRAZILIAN HUNKS. Kumusta naman makipagtrabaho with the three Brazilians, sina Akihiro Sato, Daniel Matsunaga at Fabio Ide?

"Okey naman, kasi yung ibang mga kasama ko rito, isang agency lang kami, sa Mercator. So, nagkikita-kita kami sa party. Nagkatrabaho na rin kami sa mga photo shoots. Magkakilala talaga kami. Kapag nagkita-kita kami, okey naman, wala namang problema atsaka, okey naman silang katrabaho kasi okey naman sila. And when they talk naman, makaka-relate ka rin kasi tungkol naman sa kanilang ginagawa at hindi yung sarili lang nilang oras."

Nag-umpisa ang modeling career ni Lemuel noong 2006. Sa pagpasok ng 2010 ay nagkaroon siya ng acting break as one of the leading men ni Rochelle Pangilinan sa 25th season ng Daisy Siete, sa episode na Bebe And Me. Previous to that ay nagkaroon na rin siya ng small guest roles sa ilang GMA-7 shows.

Ang wish ngayon ng 22-year-old ay makasama sa ilang soap opera.

"Gusto ko rin kasi na, as much as possible, maipakita ko rin ang talents ko."

WISH LIST. May mga wish ba siyang makasama or makapareha in the future?

"Si Heart Evangelista," mabilis niyang sagot. "Si Iza Calzado rin, kasi magaling, maganda. Pero si Heart kasi, crush ko siya. Maganda ang mukha niya atsaka, basta, iba si Heart, e. Hindi pa ako artista, crush ko na siya. So, hopefully, mabigyan ng chance," nakangiti niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halos lahat ng acting experience ni Lemuel ay sa bakuran ng GMA-7. Sa tingin niya, anong meron siya para maki-compete sa prime actors ng network?

"Sa tingin ko, meron naman ako in terms of determination. Yung pag-compete naman kasi, sa tingin ko, masasabi mo lang 'yan kapag meron ka nang break na, alam mo yun, kung hinahanap na ng mga tao sa mga palabas. Ngayon kasi, pupuwede mong sabihin na kaya kong makipag-compete sa kanila, pero, hindi naman.

"Siguro naman hilaw pa ako ngayon. Kailangan ko pang matuto. Although, I'm doing workshop in UP, in acting, singing and dancing."

Dugtong pa niya, "Sa ngayon, gusto ko talagang magtuloy-tuloy na ang pag-aartista. Para yung pinili kong career, masabi ko na may nagawa rin ako."

Hotel and restaurant management graduate si Lemuel sa Lyceum. Working student na raw siya noon bilang model, at basketball player ng Mapua noong high school pa lang.

Sa mundong napasukan niya, hindi malayo na makakilala siya ng ilang gays.

"Marami akong kakilala na talagang ano... kahit sa Facebook, meron talaga. Minsan nakakatawa na lang. Minsan meron akong mga kakilala na nagyayaya silang mag-dinner, wala namang problema dun kasi kakilala ko naman na sila, e.

"Pero yung iba kasi, lalo na kapag may kakilala sa 'yo at ganito-ganyan, sasabihin na, 'Naka-date ko na 'yan.' Ibang istorya naman yun. Hindi natin masasabi kasi ibang isip nila. Pero ako, hindi ko na lang din pinapansin. Minsan kasi, kahit i-explain mo sa tao, kung hindi sila maniniwala sa 'yo, hindi sila maniniwala.

"Pero ako, kung kilala mo ang sarili mo at alam mo ang ginagawa mo, pagdating sa gay proposals, masasabi ko na hindi pa talaga. Wala talaga," pagbibigay-diin pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN