Marian Rivera on negative issues about her: "Dedma, keber."

"Parang ang hirap naman kasi na magpaka-plastic ka. Pagkatapos ng araw, sino niloko mo? Sarili mo. Paano ako magiging flexible [actress] kung hindi ko ipapakita ang totoong ako?" said Marian Rivera when asked if she ever thought of changing her acts onscreen.


A smiling Marian Rivera greeted PEP (Philippine Entertainment Portal) and the other invited media during the press visit on the last shooting day of her second movie with boyfriend Dingdong Dantes, You To Me Are Everything, yesterday, April 18, at the GMA-7 compound in Quezon City.

The 25-year-old actress said she is happy about her reunion movie with Dingdong because it's lighter than their first movie together, One True Love (2008).

"Siyempre, noong nag-movie kami ni Dong, 'yong One True Love, e, heavy drama 'yon. At least dito, light lang, tuwa-tuwaan lang, kalog-kalogan lang, enjoy lang. Ito, lalabas ka sa sinehan, ngingiti ka. 'Yon kasing isa, ang bigat, e."

In real life, the Kapuso actress admitted they're almost similar to their characters in the movie. In fact, during one of their shooting days, one candid shot after a take was included in the movie.

"Siguro lumalabas na 'yong natural," related Marian. "Kasi, gusto ni Direk [Mark Reyes], 'O, Marian, madaldal ka dito, bubbly ka. Gusto ko makulit ka dito pero in a way na hindi nakakainis. Kapag pinagalitan ka, gusto ko parang bata ang reaksiyon mo.' 'Yon ang gustong approach ni Direk na ginawa ko hanggang dumating sa punto na, [sinabi ni Dingdong], 'Tumahimik ka.'

"Halos kalahati ng movie na 'to, puro adlib kaya nakakatawa. Sabi ko nga kay Direk, 'Naku, Direk, ikaw na ang bahala mag-edit ng mga pinaggagagawa ko diyan!'"

"HINDI KAMI NAG-AAWAY." Marian and Dingdong are having so much fun with each other that they don't experience serious arguments.

"Hindi naman kami nag-aaway niyan, e. Tampuhan, oo. 'Yong mga arteng tampuhan, the usual," Marian said when asked whether she and Dingdong ever had a serious misunderstanding.

Then, she explained, "Kasi, wala kaming malalim na pinag-aawayan. Halimbawa ako, may gusto akong sabihin, on the spot sasabihin ko sa kanya. Ganun din siya sa akin. Ganun kaming dalawa. Walang malalim [na dahilan], puro arte-artehan lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marian, who was first paired with Dingdong in Marimar (2007), said it's better to just enjoy each other's company. Although, she admitted, little problems might come along the way.

"Hindi naman lahat ng relationship masaya," she said. "Alam naman nating lahat ang pinagdaanan namin noong una. At least may YES! magazine na nalinaw lahat. Pero hindi pa rin lahat ng tao ay mapi-please mo. Basta ang importante, masaya kami. Lagi rin niyang sinasabi, 'Basta, ikaw at ako, nagkakaintidihan, okay tayo.' Hindi naman namin sinasabi na wala kaming pakialam sa mga taong nakapaligid sa amin. Pero 'yong mga mahal namin sa buhay kasi, nandiyan para suportahan kami. Okay na kami doon."

"WALANG DAPAT BAGUHIN." Since they came together, Marian said that Dingdong never asked her to change her personality. Instead, the actor just gave her his full support especially when negative issues were being thrown at her.

"Alam mo 'yong time ng Marimar, halos lahat tumitira sa akin, nami-misinterpret ako Sabi niya sa akin, 'Wala kang dapat baguhin sa sarili mo. Minahal ka ng tao bilang ikaw. Ako, kaya kita nagustuhan bilang ikaw. Pero hindi lahat ng tao masama. Tandaan mo, 80 percent din ang mabuti diyan, 20 percent lang ang masasama.' 'Yon ang lagi niyang sinasabi sa akin."

According to Marian, this changed the way she handles showbiz intrigues. "Hindi naman lahat ng tao mapi-please mo, e. Pero tanungin ninyo ang mga nakatrabaho ko. Doon ako maniniwala. Kung isa man doon ay tumagilid, 'Ay, may attitude 'yan, prima donna.' Doon ako maniniwala. Lahat naman ng nakatrabaho ko, okay naman."

Dingdong has always been the No. 1 defender of Marian whenever there is a negative rumor. And Marian is very grateful about it.

"Kaya siguro ganun din katapang ito magsalita dahil alam niya kung ano ang totoo. Alam niya na ang talagang point lang ay siraan ako," said Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How does Marian react now to never-ending intrigues in showbiz?

"Dedma na, keber [ignore]," she said. "Kasi, kung patulan ko, e di, ang saya nila. Pinatulan ko, humaba, nagka-isyu pa siya. Huwag na lang nating isyuhan para wala nang masulat."

Instead of being affected with the intrigues, Marian just said jokingly, "Palagi ko ngang dyino-joke, di ba, next na issue ko, bakla ako, nagpaopera ako. Basta ako, masaya ako, may movie kami, may Endless Love kami, nandiyan siya."

MOST IMPORTANT PART OF A WOMAN'S LIFE. When the entertainment media asked Marian about the wedding, she said it's something that must be discussed seriously.

Marian stands by her belief about weddings. She reiterated, "Kasi, 'yan 'yong pinakaimportanteng bagay na alam niyang ayaw kong balewalain. Ayaw kong basta-basta na, 'Ay, usap tayo. Kailan ang gusto mo?' Hindi ganun kadali para sa akin 'yon, e. Ito ang career ko, ito ang ginagawa ko. Ganun din naman siya, 'yong career niya, ganito.

"Sabi ko nga, e, 'Bilang babae, pinakaimportanteng parte ng buhay ang kasal.' Ano 'yan, parang korona 'yan ng babae. Kapag ako ang ikinasal, ay, ibo-broadcast ko 'yan. Ganun lang, importante kasi sa akin 'yon, kaya ayaw kong balewalain, e. Ayaw ko 'yong basta usap lang."

She admitted, however, that if ever she ties the knot with Dingdong, there would be a lot of changes in her life.

Marian said, "Kapag kasal, maraming magbabago. Siyempre, may iba ka nang priorities. Pero 'yong career siguro, kung mahal ka ng tao bilang ikaw, iba 'yon. Kung artista ka, inborn kang star, inborn kang magaling, mananaig pa rin ang talent. Pero siyempre, kapag kasal ka na, iba na ang priorities mo—pamilya mo, asawa mo, anak mo, future ninyo. Puwede ba naman na, 'O, yaya, alagaan mo silang dalawa, magte-taping ako.' Hindi ako ganoong klaseng tao, e. Gusto ko ako 'yong nag-aalaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Since Dingdong has always backed her up during her low days, how far would Marian go to reciprocate?

She answered, "Kung anu-ano na nga ang nakuha kong kapintasan at kumpara, di ba? Care ko. Ako 'yong masaya, e. Masaya nga silang lahat, ako hindi. Ano pipiliin ko? E, di doon na lang ako sa masaya ako at may ilang masaya para sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN