Geneva Cruz speaks up about her separation from KC Montero

"Sa akin po, respeto lang para sa kanila dahil, siyempre, tatay sila ng aking anak. Ang sa akin po talaga, may mga bagay na hindi na dapat pinag-uusapan. A marriage naman is not always madali. At yun nga, tama si KC, we grew apart. Talagang mahirap kapag magkalayo," says Geneva Cruz about her separation from KC Montero (inset).


Late last month ay nagbigay na ng kanyang statement si KC Montero hinggil sa hiwalayan nila ng asawang si Geneva Cruz. On Geneva's part, maliban sa ipinadala nitong statement kay Ricky Lo, hindi na nagpa-interview pa ang singer.

Pero sa Startalk last Saturday, April 17, ay live na nakausap ni Ricky si Geneva sa telepono habang nasa U.S. ang singer. Nagsalita na ito sa totoong estado na ng relasyon nila ni KC.

Katatapos lang ng birthday ni Geneva kaya ang tanong: Papaano siya nag-celebrate ng kanyang birthday?

"Nag-check-in po kami sa hotel kasama si KC at saka si Heaven. Dun po ako nag-celebrate ng birthday," sagot ni Geneva.

Kahit na separated na silang dalawa, nananatiling magkaibigan sina Geneva at KC. They still live in the same building but in different units.

"Yes, there's no drama or whatsoever!" natatawang sabi ni Geneva.

"WE GREW APART." Narinig na ang side ni KC tungkol sa kanilang hiwalayan, ano naman ang side ni Geneva sa paghihiwalay nila?

"Hindi ko narinig ang side niya, ano ba?" natatawang tanong ng dating miyembro ng Smokey Mountain.

Ang sabi ni KC ay walang third party at magkaibigan pa rin sila.

"Well, Tito Ricky, alam mo naman na from the very beginning, kahit kay Paco [Arespacochaga, Geneva 's first husband and Heaven's father] pa lamang, alam mo na ang kuwento ng buhay ko. But, never kayong nakarinig ng hindi magandang nanggaling sa bibig ko para sa ex ko.

"Sa akin po, respeto lang para sa kanila dahil, siyempre, tatay sila ng aking anak. Ang sa akin po talaga, may mga bagay na hindi na dapat pinag-uusapan. A marriage naman is not always madali. At yun nga, tama si KC, we grew apart. Talagang mahirap kapag magkalayo," saad ni Geneva.

Ayon kay Ricky, sayang ang ten years nila. Ilang months na silang officially magkahiwalay ni KC?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't know. Medyo matagal-tagal na rin, e. Medyo mahirap kasi kung isipin ko pa kung kailan talaga nag-start yung medyo pagbabago ng ihip ng hangin. Medyo matagal na rin po... Kapag tinatanong ako before kung kami pa, I really never said anything.

"Never naman akong nagko-comment ng anything. Ang alam ko lang, mahal ko siya. Check n'yo pa ang mga interviews before. I never confirmed nor deny anything," sabi ng singer.

Ipinaalala rin ni Ricky na nang mag-usap daw sila ni Geneva six months ago, after that ay pina-hold niya ang interview.

"Siyempre, lahat naman ng bagay... Well, anyone deserves a second chance in a relationship. Pero hindi naman talaga natin malalaman kung ano ang mangyayari," paliwanag niya.

Puwede bang i-clear na walang third party sa side niya at maging kay KC?

"Ah, no, that's something really...sa pagkakaalam ko, wala naman. Marami kasing hearsay-hearsay na sinabi ni ganito, na ganito. Pero kung ano naman ang sinabi niya sa akin, yun ang pinaniniwalaan ko."

HEAVEN UNDERSTANDS. Close sina KC at ang kanyang anak na si Heaven. So, papaano nagko-cope si Heaven sa separation nila?

"He's fine. He understands," sagot ni Geneva. "Siya actually ang nagsabi sa akin na, 'Mommy, kung pakiramdam mo...' Well, in English, 'If you feel like you and Dad, you have to separate, I think you have to do it.' Parang ganun. Parang lahat naman tayo may karapatang lumigaya. It was our son.

"Napakahirap po for my side kasi nanay ako. And from the very beginning, ten years ago, when I met KC, I was very careful. Kasi, napakahirap for a single mother na makatagpo ng ganyan kabuti. Napakabait ng family niya. Atsaka mahal na mahal siya ng pamilya ko. Mahal siya ni Heaven. Mahal niya si Heaven. Pero sabi ko na lang sa sarili ko, kapag hindi 'to nagustuhan ng anak ko, wala siyang pag-asa. Pero hindi, nagustuhan siya. I have no regrets."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ni KC na hindi pa raw siya magpa-file ng divorce dahil baka mag-reconcile din naman sila ni Geneva. Ano ang masasabi ni Geneva dito?

"Ay, wala pa rin po akong plano!" natawang sabi ni Geneva. "At sa ibang mga nagsasalita, hindi rin naman nila alam kung ano ang mga nangyari. Nagpapasalamat na lang din po ako sa Diyos na pareho po kaming matibay. Dinaanan ko na po ito dati, medyo mahirap, pero ganun po talaga ang buhay. May mga bagay na nagbabago-bago. Wala akong regrets."

Ano naman ang message niya for KC?

"Well, I hope in the case that he's working right now sa radio, we'll get to meet each other nga. Muntik na akong makatulog dito sa San Francisco. May show kami ni Rachel Alejandro dito bukas.

"Ang tanong nga po sa akin, kaya raw ba pag ganun? Sabi ko, oo naman, pagdating sa stage, walang problema or whatever. Wala namang problema. I'll tell you, Tito Ricky. I'll tell you everything, wala po talagang word war, wala talagang word war 3 or everything, wala talaga," pagtatapos ni Geneva.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN