Diva Montelaba says she's still close to Steven Silva

"Gusto kong mahasa yung acting skills ko. So, kung bibigyan man ako ng projects, gusto ko yung sa mga teleserye, yun na yung puyatan talaga," says Diva Montelaba.


Tuluy-tuloy ang workshops ng Final 14 ng StarStruck V kahit medyo matagal nang natapos ang reality-based artista search na ito ng GMA-7. At ito nga ang pinagkakaabalahan ngayon ng First Princess na si Diva Montelaba, bukod sa weekly musical-variety show na Party Pilipinas.

"Right now, super hectic yung schedule namin sa workshop–hosting, acting, dancing. Yun, wala pa masyado [ibang projects]," banggit ni Diva nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Friday, April 16. Bumisita kasi si Diva at ang lahat ng StarStruck V graduates sa opisina ng Summit Media sa Mandaluyong City noong araw na yun para sa meet-and-greet with the editors of Summit magazines.

Bagamat hindi pa siya masyadong abala sa kanyang showbiz work, sinabi ni Diva na malaki na ang ipinagkaiba ng buhay niya mula noong nasa Cebu pa siya at noong nasa competition pa sila.

"Ay, sobra!" bulalas niya. "Siguro kung ire-rate ko, 100 percent na sobrang nag-iba. Kasi ano, before nung nasa StarStruck pa ako, ang akala ko lang showbiz is all about fun, making money, working. Pero I found out na it's not really all about that. Parang paglabas ko sa totoong mundo ng showbiz, parang ganito pala siya, kailangan mong malaman paano ilagay yung sarili mo sa tamang lugar. Mahirap din, mahirap. Siguro dahil nag-uumpisa pa lang ako, pero tingnan mo, ine-enjoy ko pa rin.

"Hindi ko lang alam kung hanggang kailan 'tong pag-e-enjoy kong ito!" natatawa niyang pahabol.

Hindi pa ba niya nararanasang mapuyat sa taping?

"Meron na din kasi merong mga guestings, e, hindi nga lang regular. Meron naman, pero I'm getting ready for those puyatan," sabi ni Diva.

DIVA ON DIVA? Aside from Party Pilipinas, anong klaseng show niya gustong makasama?

"Siguro po yung teleserye," sagot ni Diva. "Gusto ko yung maging kontrabida. Well, lalong-lalo na maging bida."

Kontrabida?

"Oo, kasi nung ginawa ko yung 'Kontra Diva' [artista test sa StarStruck V] with Pauleen Luna, yung sobra talagang may action na ng pagiging kontrabida, parang 'andami kong compliments na natanggap. Sabi ng mga tao, 'Bagay ka talaga diyan.' Pero napi-feel ko talaga na mas kaya ko siyang gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero naniniwala ako na meron pa akong puwedeng gampanan na roles. So, yun, gusto kong mahasa yung acting skills ko. So, kung bibigyan man ako ng projects, gusto ko yung sa mga teleserye, yun na yung puyatan talaga. Gusto ko rin yun," paliwanag niya.

Sa mga existing shows ng GMA-7, saan niya gustong makasali?

"Gusto kong makasama sa Diva kasi nakausap ko personally si Ate Reg [Regine Velasquez]. Ang bait niya, grabe! Tapos yun, napag-usapan din naming yung about sa pagsali ko sa Diva. So, sana talaga matuloy," asam ni Diva, na tila bagay nga sa napili niyang show dahil sa pangalan pa lang niya.

STEVEN & SARAH. During the StarStruck V competition, naging open sina Diva at Steven Silva, na nanalong Ultimate Male Survivor, tungkol sa nararamdaman nila sa isa't isa. Ngayong tapos na ang StarStruck V, kumusta na sila ni Steven?

"Steven? Okay naman kami," maikling sagot ni Diva.

Napapansin namin na mukhang si Steven at ang Ultimate Female Survivor na si Sarah Lahbati ang madalas pinagpapareha ng GMA-7 ngayon, lalo na sa Party Pilipinas. Nagseselos ba si Diva dahil dito?

"Ay, ako? Hindi," tanggi ni Diva.

Dagdag niya, nang parang ayaw naming maniwala, "Hindi talaga. Walang rason para magselos."

Bakit hindi siya nagseselos?

"Hindi ko alam," sagot niya.

Close pa rin ba sila ni Steven?

"Oo. Andun pa din, nasa ganung level pa din."

Hindi naman makasagot nang diretso si Diva nang tanungin namin kung sa labas ay sila naman ni Steven ang madalas magkasama.

"Ay, basta! Siguro ganun. Pinapahirapan mo ako...pinapahirapan mo ako!" tawa niya.

Pero okay pa rin sila?

"Okay naman.

Sila ni Sarah, kumusta sila?

"Ay, okay lang din," sagot ni Diva.

Nabanggit namin kay Diva na kung sila ni Steven ay posibleng mas madalas na magkasama sa labas, si Sarah naman ay madalas kasama ni Enzo Pineda. Bakit nga ba ganun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay naman kami kasi parang grupo pa rin kami kung lumalabas. Kung nagba-bonding, grupo pa rin. Lalung-lalo na yung Final 5, except for Kuya Rocco [Nacino] kasi may Gumapang [Sa Lusak] na siya," saad ni Diva.

Speaking of Rocco, hindi ba sila naiinggit na meron na agad soap opera si Rocco samantalang sila ay wala pa?

"Hindi," tugon ni Diva. "Nung nalaman naming yung balita, sobrang natuwa kami for him. Kasi ako personally, ngayon ko lang 'to sasabihin, nung nasa competition pa lang kami, no doubt na after ng StarStruck, Rocco will really take it all, win or lose. Kasi nasa kanya lahat, e–personality, attitude, lahat-lahat. So nung shinare niya sa amin na, 'Uy, part ako ng Gumapang,' sobrang natuwa kami para sa kanya.

"Tapos minsan naaawa ako kasi pag may event kami, may dala-dala na siyang malalaking maleta. Kasi didiretso na siya ng taping, sobrang pagod siya... I mean, like yung mukha niya, sobrang haggard na siya. Lalong-lalo na pag galing siyang taping, may dance rehearsal kami, sa sobrang pagod, tapos punta na naman siya ng taping, alam mo yun? Pero gusto niya yun."

BINIBINING PILIPINAS. Dahil sa kanyang height na 5' 7" at morenang kutis, marami ang nag-eengganyo kay Diva na sumali sa beauty contests gaya ng Binibining Pilipinas. May balak nga ba siyang sumali?

"Well, wala naman po sigurong mali kung i-try ko," sagot niya. "Pero for now kasi, parang yung talagang gusto kong gawin, e, yung umarte 'tsaka mag-perform. Though ginagawa ko dati yung pagsali sa mga beauty pageant sa Cebu, pero medyo hindi pa nasasagi sa isip ko na sumali sa Binibining Pilipinas. Pero given the chance, why not? Kasi minsan lang po yung...parang iilan lang din po yung ino-offer-an ng offers na ganun, so why not?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN