Arci Muñoz gets cold treatment from ex-boyfriend Kean Cipriano

StarStruck 3 Avenger Arci Muñoz (right) interviewed both Rachelle Ann Go (left) and Kean Cipriano (center) during an Earth Day concert last Friday, April 16, at the SMX Convention Center. What transpired was caught on cam and created an issue.


Nagkaroon ng hindi inaasahang eksena nang magtagpo-tagpo sa backstage ng SMX Convention Center sa Pasay City last Friday, April 16, ang dating magkasintahan na sina Arci Muñoz at Kean Cipriano ng Callalilly, at ang napapabalitang bagong girlfriend ni Kean na si Rachelle Ann Go.

Parehong guest performers sina Kean at Rachelle sa One Earth, One Journey Earth Day Concert, samantalang si Arci naman ay nandoon upang mag-interview ng celebrities para sa isang segment ng showbiz-oriented talk show ng GMA-7 na Startalk kasama si Jan "Pacboy" Manual.

Bago ang separate interviews ni Arci kina Rachelle at Kean, kinumusta muna ng Showbiz Central si Arci. Ayon sa kanya, "Hindi ko alam kung ako or si Pacboy [ang mag-i-interview]. Hindi ko po alam kung ano ang mangyayari kasi nandito lang din po kami para sa interview ng Startalk, kaya work, professional lang."

Matatandaang early this year ay naging usap-usapan ang breakup nina Kean at Arci at ang diumano'y relasyon naman daw nina Kean at Rachelle. Naka-move on na raw si Arci from the breakup, though never namang umamin sina Kean at Rachelle sa sinasabing relasyon daw nila. Ayon kay Rachelle, magkaibigan lang daw talaga sila ni Kean.

AWKWARD MOMENTS. Balik sa eksena sa backstage ng SMX Convention Center. Nang dumating si Rachelle sa venue ay kitang-kita sa video na napatigil sa kanyang interview si Arci, na nagpakilala kay Rachelle. Ipinakita rin sa video na nag-shake hands sina Arci at Rachelle bago ang kanilang interview.

Kumusta naman ang interview ni Arci kay Rachelle?

"Trabaho yun para sa akin. Atsaka tapos na. Atsaka, yun nga po, sabi ko, bilang isang adult, that's the least that you can do—at least smile. Okay ka na, e," sabi ng StarStruck 3 Avenger.

Pareho namang inamin nina Arci at Rachelle na nagkasalubong sila recently sa isang mall. Kuwento ni Arci, "Personally po akong nag-introduce ng sarili ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After a while, patuloy na nag-interview si Arci sa mga artist na nasa Earth Day concert. Kuhang-kuha ng camera ang eksena nang lapitan ni Arci si Kean na ini-interview na ni Pacboy.

Halos hindi matingnan ni Kean si Arci at nasa iisang direksiyon ang mga mata nito sabay halukipkip ng kanyang dalawang braso sa kanyang harapan. Ang naturang kilos o reaksiyon ni Kean ay ni-reenact pa ng isa sa host ng Showbiz Central na si Mo Twister sa umpisa ng show.

Obvious din na natigilan ang kasama ni Arci na si Pacboy nang makita ang reaction ni Kean. Pero ayon kay Arci, "Hi, Pacboy, maaari mo ba akong ipakilala? Ako si Jinkee." Halatang gustong idaan sa biro ni Arci ang medyo awkward na sitwasyon.

Dagdag ni Arci, "Well, this is work..."

Pero hindi na rin niya napigilang masabi ang katagang "Ano ba 'yan?" nang makitang dedma lang talaga sa presence niya ang katabing si Kean.

Arci went on with her question to Kean and asked, "Now, na nandito ka sa Earth Day concert, puwede ba naming malaman kung ano ang partisipasyon mo kahit maliit na bagay lang para makatulong sa pag-conserve ng mga resources natin?"

Sagot naman ni Kean, na hindi pa rin nakuhang tumingin kay Arci, "Well, sinagot ko na kanina 'yan. Ano nga sagot ko?" balik-tanong nito kay Pacboy. "Well, para malinawan lang ang mga tao, yun lang."

After that encounter, muling kinausap ng Showbiz Central si Arci at tinanong ang kanyang feelings sa nangyari.

"Okey po ako...okey po ako talaga. Medyo may pagka-awkward kasi nararamdaman ko na medyo... E, kasi yun nga po, I'm trying to be civil. Magkakilala kayo, di ba? At least smile or just say 'hi,'" parang naguguluhang sabi ni Arci.

JUST FRIENDS. Sa parte naman ni Rachelle, naninindigan ang singer na wala silang relasyon ng ex-boyfriend ni Arci.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magkaibigan po kami," diin ni Rachelle. "Yung mga tao lang po siguro yung nagpapalaki ng mga isyu, gumagawa ng isyu. Dapat yung mga ganun kababaw, hindi na lang pinapansin."

Pahayag naman ni Arci, "Sa akin, parang kung anuman ang sabihin ko or kung anuman ang sabihin nila, it doesn't matter anymore. Kasi, para sa akin, what matters is I'm happy."

Both Rachelle and Arci have no problem working together in the future, lalo na ngayong pareho na silang Kapuso.

"Walang problema sa akin yun," sabi ni Arci. "Ito nga ginawa ko, di ba, trabaho? E, ako nga, ako na mismo ang nag-i-interview. Yun na yun, e. Para sa akin, work yun. I'm just being professional. Para sa akin, gusto ko lahat maayos, civil."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN