Boy Abunda says SNN will be reformatted when Kris Aquino returns

"Ang sarap gumawa ng isang bagay, tulad ng pag-aaral na... Kasi nung estudyante ako, di ba, habol nang habol ng pambayad...walang pambayad ang nanay ng tuition... Ngayon, it's good kasi iba na yung perspektiba ko. Parang I wanna go to school. At hindi ako nag-o-online, ha. I have an option to go online, pero ayoko. Gusto ko talagang harapan, may kadiskusyon ka, may kausap ka," says Boy Abunda.


Hindi lang ang The Buzz, kundi maging ang SNN (Showbiz News Ngayon), ay nakatakdang mag-reformat bilang pagtugon sa lalong tumitinding labanan ng mga entertainment talk shows sa telebisyon. Kinumpirma ito ng TV host na si Boy Abunda nang bisitahin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng SNN noong Biyernes ng gabi, April 16, sa ABS-CBN studios.

"We were supposed to do the reformat, sa The Buzz, matagal na talaga. Nagkataon lamang [ang pag-alis ni Ruffa Gutierrez]. Even with SNN, matagal nang nakakasa yung reformat. When Kris [Aquino] comes back, after the elections, we will launch new portions on SNN," sabi ni Boy.

Bagay na kinumpirma rin ni Mr. Louie Andrada, isa sa executive producers ng The Buzz at SNN.

"Dapat sabay-sabay 'yan, kaso nag-leave si Kris [sa SNN]. Idinelay lang namin yung sa SNN, until makabalik siya," sabi ni Louie.

Taun-taon ay nagre-reformat sila sa show, sabi rin ni Boy. "Pero within the year, if the creative team sees that there's a need to introduce new portions, they do that."

Right now, nagpapalit-palit ang co-host ni Boy Abunda sa SNN on weeknights. In the absence of Kris Aquino, nagsisilbing alternate co-hosts sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, at Mariel Rodriguez.

Dahil nasanay munang si Kris lamang ang co-host, nanibago si Boy nang mag-leave si Kris sa SNN.

"It's very difficult because iba-iba sila," aniya. "I've been working with Kris... I mean, these girls are very new, but they bring in a different thing. Iba ang baon, ibang atake. Mariel is so different from Toni; Toni is so different from Bianca.

"Ay, Kris Aquino is Kris Aquino! She's different from the rest of them. Iba ang 'baon' ni Kris," pagtukoy rin ni Boy.

CAMPAIGNING FOR NOYNOY. Sa mga kampanya para sa presidential candidate na si Noynoy Aquino ay nagkakasama naman sina Boy at Kris. Tulad kamakailan, nang magtungo ang grupo nila sa bayan nina Boy sa Samar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napakainit ng pagtanggap," masayang pagbabalita ni Boy, na kagagaling nga lang noon mula eastern, northern at western Samar. "Ngayon lang ako nakaranas ng...sakay ng eroplano, baba, motorcade, rally, presscon..."

Sabi rin ni Boy, sa mga ganitong pagkakataon, o kaabalahan, ay naisasantabi na ang pangamba sa anumang maaaring mangyari.

"Sa umpisa lang, pero nawawala na ang takot [pag nando'n na]," aniya.

RUFA MAE QUINTO AND ERIK SANTOS. Dalawa sa mga talent na mina-manage pa rin ni Boy ay sina Rufa Mae Quinto at Erik Santos.

Of Erik, natutuwa si Boy sa pinakahuling achievement nito.

"Grumadweyt na siya!" nakangiting wika ng manager ni Eric, na kamakailan ay nakasali sa martsa ng successful batch of graduates ng Centro Escolar University (CEU), sa kursong B.S. Psychology.

Si Rufa Mae naman, pinag-uusapan ngayon ang umano'y "pagpapakasal" sa isang Muslim general, bilang ikatlong asawa nito.

"Hindi totoo. I would know. Hindi," paglilinaw ni Boy.

In her late 30s na si Rufa Mae, at nais din daw ni Boy ang paglagay na nito sa tahimik.

"Ako, bilang pangalawang ama, ay nagnanais na, sana...hindi ba? Pero we wouldn't know. She's now how old? I mean, she's of age. [Eventually] she's gonna get married. Si Rufa Mae kasi, katulad ng maraming artista sa industriya, talagang worked all her life for her family. She deserves to be happy," sabi ni Boy.

Incidentally, dating naging magkasintahan sina Rufa Mae at Erik.

FINISHING HIS MASTERAL COURSE. Buong pagmamalaki ring binanggit ni Boy ang napipinto niyang pagtatapos, sa pagka-dalubhasa sa kursong Communication Arts sa Philippine Women's University (PWU).

"Hopefully, after the elections, tapos ko ang masteral ko. Thesis na lang," ani Boy. "'Tapos, I will proceed into doctoral degree. Pag-aaralan ko talaga. I've always been hungry [for knowledge]. Naghahanap ako ng panibagong bagay na gagawin, pampalawak ng perspektiba. I'm an interviewer, so you don't stop learning. And I wanna teach, eventually."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit din ni Boy ang halaga ng edukasyon na hindi naging madali para sa kanya na makamit.

"Ang sarap gumawa ng isang bagay, tulad ng pag-aaral na... Kasi nung estudyante ako, di ba, habol nang habol ng pambayad...walang pambayad ang nanay ng tuition fee... Ngayon, it's good kasi iba na yung perspektiba ko. Parang I wanna go to school. At hindi ako nag-o-online, ha. I have an option to go online, pero ayoko. Gusto ko talagang harapan, may kadiskusyon ka, may kausap ka.

"My teachers also admit the fact na meron din akong baon-baon bilang practitioner. Yung binabasa namin, halimbawa, na principles in communication, tsina-challenge ko [sila] na, 'Kasi, ito ang kalakaran ngayon...'"

May paglilinaw rin si Boy hinggil sa katotohanan ng kanyang formal schooling, bilang undergraduate student noon ng dalawang unibersidad—ang Lyceum of the Philippines at Ateneo de Manila University.

"Sa Lyceum, ang nangyari, hindi nga ako naka-graduate... When I was [still] working at the Metropolitan Theater, gusto ko sanang tapusin noon habang ako'y nagtatrabaho. I had about six units [na] lang, sa Lyceum. Hindi naman ako masyadong nag-aral doon. Hindi ko rin masyadong nagamit sa masteral ko yung sa Lyceum. Hindi naman nila ibinigay sa akin, e. Meron silang requirements na I have to fill out some papers for me to be able to clear my six units. So, when I did my masteral, hindi ko nagamit yung six units na nakuha ko.

"The bulk of my academic units came from Ateneo," patuloy niya. "Undergrad lang naman ako dun, e. So, pinunuan ko na lang. I can't imagine, bago ako nag-master's, tinapos ko muna lahat ng requirements ng undergrad. Nagma-master's ako, wala naman akong diploma! Totoo 'yan. Hindi ko namalayan.

"Lahat ginawa ko. Nag-exams ako...nine exams! I did write a piece. Tapos, sabay pa nun, nag-course set ako ng International Relations and Public Diplomacy. Tuwing Sabado, nando'n ako sa school. Ang daming requirements. Walang shortcut. Pinasukan ko lahat 'yon. Pero natapos lahat 'yon. Kaya one more paper, I'm about to finish and then, simultaneous with my thesis, I have my Master's!" excited na sabi ng TV host and talent manager.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN