Sarah Lahbati treated like a princess by Enzo Pineda's mom?

"He's very sweet po, mapagbigay, gentleman. Kapag may event po kaming pupuntahan, minsan susunduin niya kami ng mommy ko at pagkatapos ihahatid. Nakaka-touch po ang ganoong gesture niya," says Sarah Lahbati about Enzo Pineda.


Sinagot lahat ng StarStruck V Ultimate Female Survivor na si Sarah Labhati—at hindi siya na-rattle kahit medyo personal at intriga—ang mga tanong sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sa isang pocket interview na ipinatawag ng GMA Artist Center last April 21 sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

May nagtanong kung bakit nandoon siya sa premiere night ng Working Girls gayong hindi naman siya kasama sa movie, although co-producer ng pelikula ang GMA Films with Viva Films and Unitel.

"Nagpaalam po ako kasi gusto ni Mama na manood ng premiere night," paliwanag ni Sarah.

Hindi na pala bago si Sarah sa GMA-7 dahil naging child star na siya noon. Gumanap siya noon bilang Mayeng, the youngest daughter of Sen. Bong Revilla, sa sitcom na Hokus Pokus noon.

"Nagulat nga po si Sen. Bong nang magkita kami sa Boracay noong Holy Week at nagpakilala ako sa kanya. Tanong nga po niya sa akin, ano raw ang kinain ko at tumaas ako ng ganito. Nakakatuwa nga po na natandaan niya ako," kuwento ni Sarah.

Although halos sa Switzerland siya lumaki, mas lamang ang Filipino culture kay Sarah. Hindi na ba siya babalik sa Switzerland?

"Siguro po, bakasyon lang," sagot niya. "Nami-miss ko na nga po ang daddy ko. Kaya lang may work po siya at hindi puwedeng magtagal dito. Ako naman, nandito ang work ko. 'Saka mas gusto ko na po dito, dahil kapag nandoon naman ako, hinahanap ko ang culture natin dito. Isa pa, sobrang lamig po kasi doon kapag winter. Kaya mas gusto ko na po ang weather natin dito."

Wala pang masabing ibang project na gagawin si Sarah, pero alam daw niyang hindi naman siya, at silang lahat sa StarStruck V, pababayaan ng management.

"'Saka ini-enjoy ko po ang Party Pilipinas, ang saya-saya po kasi!" excited na sabi ni Sarah. "'Saka hindi pa po tapos ang aming regional shows. Sa Saturday [April 24], may show kami sa SM Cebu. First time ko pong pupunta sa Cebu kaya excited ako. At sa Sunday, sa Cebu Convention Center po gagawin ang Party Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tuluy-tuloy din po ang workshops namin under Direk Freddie Santos for hosting, Direk Gina Alajar for acting, Atek Jacinto for singing, Miggy Tanchanco for dancing.... Kapag natapos na po kami, magpe-perform kami atsaka nila kami bibigyan ng grades."

May issue na galit daw sa kanya ang makeup artists, lalo na noong may StarStruck V pa, dahil mareklamo raw siya sa makeup. Totoo ba ito?

"Hindi po totoo 'yon," tanggi ni Sarah. "Kapag dumating po ako sa studio, nagpapa-makeup na po ako. Kung meron pong makeup na parang hindi bagay sa akin o masyado pong makapal, maganda naman po ang pakiusap ko para i-retouch nila ako. Mga kaibigan ko po sila."

Kapag nagmo-malling ba siya, nakikilala ba siya ng fans?

"Kapag nasa mall kami, nahihiya po ako kaya nakatungo lang ako kapag naglalakad. Pero may tumatawag sa name ko, tapos magre-request sila kung puwedeng magpa-picture. Nakaka-touch po na nakikilala na nila ako," sabi niya.

CLOSE WITH ENZO. Kung siya ang papipiliin, sino ang gusto niyang makatambal?

"Hindi naman ako po dapat mamili. Kung sino po ang ibigay nila sa akin na katambal, doon po ako. Nagugustuhan naman po nila ang numbers namin ni Steven [Silva, Ultimate Male Survivor] sa Party Pilipinas. Pero sa ngayon po, ang pinaka-close sa akin talaga si Enzo [Pineda, First Prince], although lahat po naman kami close sa isa't isa sa workshops namin."

Ano ba ang nagustuhan niya kay Enzo?

"He's very sweet po, mapagbigay, gentleman. Kapag may event po kaming pupuntahan, minsan susunduin niya kami ng mommy ko at pagkatapos ihahatid. Nakaka-touch po ang ganoong gesture niya."

Parang prinsesa raw ang treatment sa kanya ng mommy ni Enzo?

"Hindi naman po," nahihiyang sabi ni Sarah. "Siguro po kasi mabait talaga ang mommy niya, plus wala siyang anak na babae. Tapos kaming dalawa pa ni Enzo, parehong bunso. 'Saka kung magkakasama po kami, magka-chika sila ng mommy ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung manligaw sa kanya si Enzo?

"Hayaan na lang muna natin na ganito. Work muna kami dahil mga bata pa naman kami. If one day, talagang siya po ang ibibigay sa akin, matutuwa ako."

Pero kung may project na siyang gagawin, sino sa GMA artists ang gusto niyang makatambal, maliban sa mga lalake sa StarStruck V?

"Puwede po bang mangarap ako?" natatawang tanong niya. "Sana si Richard Gutierrez po, kasi mas mataas siya sa akin. At 16 po kasi, I already stand 5'8" at ayaw ko na nga po sanang tumaas."

Alam ba niyang may hawig siya sa isa pang GMA-7 artist na si Jewel Mische, na sabi'y girlfriend ni Richard?

"Gusto ko lang naman po siyang [Richard] makatambal," sagot ni Sarah.

Biro tuloy namin, talagang si Enzo ang gusto niya, na tinawanan na lamang niya.

CASH PRIZE. Nakuha na ni Sarah ang cash prize niyang P1.5 million sa StarStruck V, ano ang ginawa niya sa pera?

"Tumutulong po ako sa family ko. Bumili rin po kami ng second-hand car, para po may ginagamit kami ng mommy ko kapag may mga commitment akong pinupuntahan. Ang iba pang pera, naka-save po sa bank dahil may tinatanggap naman akong talent fee," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN