Jennylyn Mercado on Dennis Trillo: "Parang bigla kaming nag-click."

Rumored lovebirds Jennylyn Mercado and Dennis Trillo prove that third time's the charm when they find more than onscreen chemistry in their latest series together. Says Dennis: "Noong una, iyong mga eksenang ginagawa namin, hindi namin pinepersonal. Pero habang tumatagal, may mga nakikita na ako sa kanya, may nadi-discover na ako tuwing magkasama kami sa trabaho."


Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press ang taping ng Gumapang Ka Sa Lusak ng GMA-7, sa Alpadi Compound sa Antipolo City kahapon, April 23. Sina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado at StarStruck V Second Prince Rocco Nacino ang involved sa taping noong araw na 'yon.

Pinanood muna namin ang rehearsal nina Dennis at Jennylyn bago mag-take, at kapansin-pansin ang sweetness nila sa isa't isa. Extra handsome si Dennis, beauty naman si Jennylyn, halatang in love sila sa isa't isa. After the take, nagpaunlak ng interview na magkatabi ang dalawa, para na rin sabay nilang sagutin ang mga tanong.

Kung nasa Facebook sila, ano ang kanilang status ngayon?

Dennis: "Wala akong Facebook, anu-ano ba ang status na pagpipilian doon? Meron bang 'Dating?'"

Jennylyn: "Hindi ako active sa Facebook ko, pero iyon, 'Dating' ang status ko."

WHAT ABOUT ANDREI? That morning, may nasulat na nag-away daw silang dalawa. Posible ba na ang pinag-awayan nila ay ang mga nasulat na naglasing daw ang sinasabing boyfriend ni Jennylyn of two years na si Andrei Felix, pero pinakiusapan daw ni Jennylyn si Andrei na huwag ipaalam na may relasyon sila. Naglasing daw ba si Andrei dahil hindi niya alam na nagkakamabutihan na pala sina Dennis at Jennylyn?

Jennylyn: "Wala pong reason para kami mag-away ni Dennis. Friend ko lang po talaga si Andrei at alam din po iyon ni Dennis."

Dennis: "Hindi po totoo na nag-away kami ni Jen, wala kaming dapat pag-awayan. Kilala ko po si Andrei, minsan na kaming nagkasama sa isang show."

Dalawang beses na silang nagkasama sa show, ang "Dangal" episode ng afternoon drama series na Now And Forever noong 2006 at ang telefantasiyang Super Twins noong 2007. Bakit ngayon lang nila napansin ang isa't isa?

Dennis: "Siguro po dahil mayroon kaming karelasyon noon."

Jennylyn: "Iyon din po ang sagot ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro ni Dennis si Jen kung bakit daw ginagaya nito ang sagot niya, at hinampas naman siya nang mahina ni Jen.

WHEN DID IT START? Ipinaalala namin sa dalawa na sa Super Twins unang na-in love sa isa't isa sina Dennis at Cristine Reyes. Si Jennylyn naman ay nali-link noon kay Patrick Garcia, kaya parehong napangiti ang dalawa.

Paano nila na-discover na may attraction sila sa isa't isa?

Jennylyn: "Noon naman lagi kaming nagkikita sa SOP, pero 'hi, hello' lamang kami."

Dennis: "Although nagkasama na nga kami sa shows noon, at kilala ko na siya, hindi ko rin alam kung kailan ba talaga nagsimula."

Last week of January 2010, nag-start silang mag-taping ng Gumapang Ka Sa Lusak. Dahil mag-sweetheart sila sa istorya at lagi silang magkayakap at naghahalikan sa eksena, doon kaya nagkaroon ng kulay ang pagtatambal nila?

Jennylyn: "Puwede po. Parang bigla kaming nag-click. Sabi nila may chemistry din daw kaming dalawa ni Dennis, magkasundo kami sa trabaho."

Dennis: "Noong una, iyong mga eksenang ginagawa naman namin, hindi namin pinepersonal. Pero habang tumatagal, may mga nakikita na ako sa kanya, may nadi-discover na ako tuwing magkasama kami sa trabaho."

Ano ba ang nagustuhan nila sa isa't isa?

Dennis: "Lahat. She's very simple, madali siyang i-please, mabait, maasikaso, maalaga, thoughtful."

Jennylyn: "Napaka-gentleman niya, sobrang mag-alaga. Kulang na lamang buhatin niya ako lagi, mabait siya sa family niya, napaka-thoughtful din niya."

Physically, ano ang nagustuhan nila sa isa't isa? Dapat ay sa isang word lamang, pero dalawa ang isinagot agad ni Jennylyn.

Jennylyn: "His eyes and smile."

Dennis: "Buong mukha niya, ang kabuuan niya."

By this time ay kinikilig na ang mga kaharap nila, lalo pa't nagtitinginan muna ang dalawa bago sila sumagot.

MEETING THE FUTURE IN-LAWS? Nakilala na ba nila ang family ng bawa't isa?

Jennylyn: "Just recently lang, nag-lunch po kami ng family niya, nakilala ko sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dennis: "Lagi naman kaming nagkikita ni Mommy Lydia [Mercado, ina ni Jennylyn]."

Nagkita na ba sina Alex "AJ"Jazz ni Jennylyn at si Calix Andreas ni Dennis?

Dennis: "Pumupunta po kami ni Calix sa bahay nila, naglalaro sila ni AJ."

Jennylyn: "Di po ba may ipinagawa akong playground sa likod ng house ko. Iyon, doon po naglalaro sina AJ at Calix."

Marunong ba silang magluto?

Jennylyn: "Ay, opo, marunong akong magluto. Pero si Dennis, mahilig po siya sa sweets, paborito niya iyong home-baked chocolate cookies ko."

Dennis: "Hindi po ako masyadong marunong magluto, mga prito-prito lang."

HONG KONG SIGHTING. Ipinalinaw namin sa dalawa kung sa Hong Kong ba sila talaga pumunta noong Holy Week, dahil may sinabi rin si Jennylyn na nasa Plantation Bay siya sa Cebu.

Dennis: "Nagpunta po kami ng Hong Kong, March 29, four days kami roon."

Jennylyn: "Nang makabalik kami ng Hong Kong, 'saka ako pumunta ng Cebu with my family, hindi po kasama si Dennis."

Kung hindi ba sila nakunan ng picture habang naglalakad sa Hong Kong at na-publish ito, hindi pa ba sila aamin na may namamagitan na sa kanila?

Dennis: "Ini-expect na po namin iyon. Kung gusto naming magtago, hindi sana kami pupunta sa Hong Kong na alam naming maraming makakakita sa amin doon."

Jennylyn: "Di sana po sa ibang lugar na lamang na hindi kami makikita, kaya kahit may kumukuha ng picture sa amin, hindi naman kami nagtago."

TWIN CELEBRATIONS. Sa May 12 ay birthday na ni Dennis, May 15 naman ang kay Jennylyn. May special celebration ba dahil first time nilang magsi-celebrate na magkasama?

Jennylyn: "Wala pa po kaming plano sa birthday namin."

Dennis: "Baka po magkaroon na lamang kami ng double celebration sa birthday ko, kasi taping namin ng Gumapang Ka Sa Lusak. Wala pang balak sa birthday niya, kasi Saturday iyon."

Ayaw pa man nilang umamin na may relasyon na sila, binanggit namin ang advice ni Mark Herras sa kanila na kung seryoso na sila, mag-enjoy na lamang sila at huwag silang padadala sa mga intriga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LESSONS LEARNED. Since pareho na silang may anak, hindi kaya magkamali na naman silang dalawa at bigyan ng kapatid sina AJ at Calix?

Jennylyn: "Malaki rin pong bagay na pareho na kaming may anak ni Dennis, pero we are old enough na po at natuto na ako sa unang nangyari sa akin. Magiging maingat na po ako."

Dennis: "Lesson learned na po sa akin iyon, alam ko na ang dapat gawin."

Advice ng mga taga-press na kaharap nila, huwag na silang magsisinungaling pagdating sa kanilang relasyon. Mag-enjoy sila sa magandang relasyon nila at huwag silang mag-aaway, mga bagay naman na ipinangako ng dalawa.

Hindi pa man tapos ang Gumapang Ka Sa Lusak, na tumaas ang rating pagkatapos lumabas ang tungkol sa kanila, may mga nagsasabi na dapat ay may follow-up project agad ang love team nila. Wala pa kaming alam na bagong project si Jennylyn sa GMA-7, pero si Dennis ay kasama sa Pinoy adaptation ng Koreanovelang Endless Love (Autumn In My Heart), as Andrew, ang lalaking magmamahal sa bidang si Jenny (Marian Rivera).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN