Ruffa Gutierrez admits wardrobe malfunction at the Star Awards for Movies

"Ang sikip ng damit ko kaya nagkaroon ako ng wardrobe [malfunction], as in ayaw niya mag-close! So, if you can see sa back nga, medyo konting bukas. Kasi pag sinikip na yun, talagang maghe-hello na yung dalawang friends ko!" said Ruffa Gutierrez about her ill-fitting gown..


Pinag-usapan sa nakaraang 26th Star Awards for Movies, na ginanap noong April 24 sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo University, ang revealing gown ni Ruffa Gutierrez. Si Ruffa ang nag-host ng nasabing award night, kasama sina Boy Abunda at Lorna Tolentino.

Sa gown kasi ni Ruffa ay nakalabas na ang kalahati ng kanyang dibdib. Kaya naman hindi maiwasang may magtanong kung nagpa-breast enhancement ba siya dahil halos kumawala ang dalawa niyang boobs.

"Hindi nga, e. Kasi nga, ang sikip ng damit ko kaya nagkaroon ako ng wardrobe [malfunction], as in ayaw niya mag-close! So, if you can see sa back nga, medyo konting bukas. Kasi pag sinikip na yun, talagang maghe-hello na yung dalawang friends ko!

"These things happen especially kapag hindi ako nakapag-fit. And they really had to sew the dress on me dun mismo sa backstage. So, maraming salamat kay Francis Libiran [designer ng gown niya], he sent his six staff para itahi ang dress. So gusto ko mang takpan yung kalahati, wala na talagang tela kasi nga hindi ako nakapag-fit and, you know, as they say, the show must go on," paliwanag ni Ruffa nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa studio ng Paparazzi last Sunday, April 25.

So, walang "Salamat po, Doctor?"

"Wala, hello!" bulalas ni Ruffa. "Ever since naman, I've always been busty. Gusto ko ngang magpabawas para magmukha akong payat, if ever."

Isyu rin ang hindi pagdating ni John Lloyd Cruz sa Star Awards for Movies upang tanggapin ang kanyang Best Actor trophy para sa In My Life. May ispekulasyong lumalabas na iniwasan daw ng aktor si Ruffa dahil host ang aktres ng gabing 'yon. Minsan ding na-link sa isa't isa sina Ruffa at John Lloyd.

Ano ang masasabi ni Ruffa dito?

"Naku, kung dumating siya, baka ma-shock siya sa bobey ko! Baka ma-in love siya lalo!" pabirong agot ni Ruffa, sabay tawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinagot din niya ang intrigang binawalan daw si John Lloyd ng rumored girlfriend ng aktor ngayon na si Shaina Magdayao na pumunta sa Star Awards dahil magkikita sila ni Ruffa. Any reaction?

"Alam mo, mahirap naman for me to assume anything. Kasi, you know, ang sinabi ng tumanggap ng award [ni John Lloyd], may sakit siya. So, it's not an issue naman, e. I was there because of my job," sagot ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN