Nikki Valdez falls victim to "basag-kotse" gang

The usually bubbly actress, best known for playing the best friend of the leading lady in ABS-CBN serials, was miffed when she found out she had parked in a notorious hotspot last night, April 29. "Sila [restaurant management] rin ang nagsabi na marami na raw nangyaring ganung insidente. Mismong may-ari raw ng establishment, nabiktima na. Kaya sabi ko, di ba nga, mas dapat na may security sila?"


Alas onse kagabi, ilang Twitter post ang nabasa namin na nagtatanong kung totoo bang na-carnap ang kotse ni Nikki Valdez sa Quezon City. This morning, we learned from Nikki herself na hindi carnappers kundi "basag-kotse" gang ang nambiktima ng sasakyan niya. Nangyari ito sa bandang dulo ng Tomas Morato Ave. near E. Rodriguez Ave. sa Quezon City.

Over the phone, ikinuwento ni Nikki kung ano ang nangyari.

THE INCIDENT. Ayon sa kanya, dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan kagabi, April 29, at sa matinding traffic, instead na dumiretso sila ng kanyang ina at anak sa bahay nila sa Laguna, kumain muna sila sa isang restaurant sa Tomas Morato.

Aniya, "Binasag yung salamin ng sasakyan ko. SUV kasi yun, so, yung binasag yung salamin sa gitna... Ang nakuha nila ay yung bag ng mommy ko at dalawang bag ng anak ko na si Olivia."

Wala silang nakuha mismo kay Nikki, pero sa bag daw ng mommy niya, nakuhanan ito ng ilang valuables, tulad ng cash at ang cell phone na isang linggo pa lang niyang gamit.

"Sa bag naman ng anak ko, siyempre, yung mga gamit niya like her stuff, diapers and her foods. Actually, siguro yung time na nagaganap yun, that was the time na naisip ko pang bumalik ng car para kuhanin yung water ni Olivia. Sabi lang ng mom ko, huwag na."

Ipina-blotter ni Nikki ang pangyayari at 5 a.m. na nang sila'y makauwi. Nang makausap namin siya, halos wala pa raw siyang tulog at papunta na sa kanyang appointment ngayong araw. Ang aktres, na kilala sa mga roles na kikay na best friend ng bidang babae, ay kasalukuyang nasa supporting cast ng ABS-CBN daytime drama na Magkano ang Iyong Dangal? at nasahit movie din nina Sam Milby at Anne Curtis na Babe, I Love You.

Less than an hour lang daw sila sa restaurant. Hindi pa nga nila agad napansin ang basag na salamin. Mas ang pagkaka-bend ng upuan sa harap ang una nilang napansin na nabago dahil hindi ganoon noong iwan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong pasakay na ng sasakyan si Mommy, nakita niya na nakahiga yung seat sa harapan, yung position na parang may natutulog. Hindi pa namin na-realize kaagad na basag na pala ang salamin. Yung mga bubog, nasa loob ng kotse."

NOT THE FIRST TIME. Lesser evil na lang na itinuturing ni Nikki ang nangyari; at least hindi buong kotse niya ang nawala. Pero disappointed daw siya sa management ng restaurant.

"Bumalik ako sa kanila after kong magpa-blotter. Sinabi ko yung nangyari sa sasakyan. Sa totoo lang, ang liwanag dun sa labas, ang daming ilaw. Nang mag-park ako, tatlo lang halos kaming sasakyan na naka-park.

"Yun pala, wala silang security sa place. When I asked, sabi pa sa akin, ilang beses na raw na may ganung pangyayari, kaya sabi ko, the more na dapat silang may gawing security measures. Ang dami nilang staff na nasa labas... Ang sagot sa akin, nandun daw yung mga staff para asikasuhin ang customer, hindi ang kotse. Kaya sabi ko, customer nga ako."

May parking din daw sa ibang side ng building, pero sabi ni Nikki, kaya nga siya nag-park sa harapan ay para nakikita nila ang sasakyan at dun nga ay maraming ilaw at maliwanag.

"Sila rin ang nagsabi na marami na raw nangyaring ganung insidente. Mismong may-ari raw ng establishment, nabiktima na. Marami raw tumatambay, pati raw mga pulubi. Kaya sabi ko, di ba nga, mas dapat na may security sila?"

So far, wala pa raw update ang police kung may idea sila ng posibleng gumawa ng krimen sa sasakyan ni Nikki.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN