Rufa Mae Quinto on Mo Twister: "Nagkaayos na kami."

Last September, Mo earned his co-host's ire with his Twitter joke that she was "engaged to Mikey Arroyo." Cordial relations were reestablished only recently. "Mahirap din naman yung may katrabaho ka, tapos may hatred ka sa isang tao, di ba?" said Rufa Mae. "Kahit ilang oras lang yun na live, parang ang tagal-tagal. Gusto mo nang umuwi. At saka ayoko yung nagtatanim. Ako rin naman ang magdadala nun."


Last Thursday, April 29, nagpatawag ng presscon ang GMA-7 para sa kanilang dalawang showbiz talk shows, Startalk and Showbiz Central, at doon inanunsiyo na magkakaroon ng "crossover" ang mga host ng dalawang programa.

Feel daw ng SC host na si Rufa Me Quinto ang pressure ng hakbang na ito, sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sa dumalo sa presscon na ginanap sa GMA Network Center.

Aniya, "Masaya 'ko, kasi isipin n'yo naman, ang Startalk at Showbiz Central, kailangan na mag-merge pa. Isipin n'yo naman ang pressure sa akin, e, dati ini-interview lang ako ng lahat ng 'yan. So, may pressure talaga. Kailangan kong matuto at maging kasing-tapang nila at kasinggaling.

"Sa Diva naman, schedule ko nga, dahil may iba pa akong commitments. Ang dami ko pang gagawing pelikula dahil pipirma ulit ako sa GMA ng bagong contract, so, ang dami, ang dami ko pang ginagawa."

BACK IN HER GOOD GRACES. Kumusta na sila ngayon ng co-host niyang si Mo Twister? Nagkaayos na ba sila or for show lang ang ipinapakita nila? Matatandaang nagkaroon ng gap ang dalawang Showbiz Central hosts nang mag-tweet si Mo noong Setyembre na "engaged" daw si Rufa Mae sa anak ng pangulo na si Mikey Arroyo. Ni-retract din naman ni Mo ang tweet, pero diumano di tinanggap ng sexy actress ang apology niya.

Pero ang sabi ngayon ni Rufa Mae, "Nagkaayos na kami. Kasi alam mo, mahirap din naman yung may katrabaho ka, tapos may hatred ka sa isang tao, di ba? O hindi mo gusto ang katrabaho mo. Kahit ilang oras lang yun na live, parang ang tagal-tagal, ayaw matapos. Gusto mo nang umuwi.

"At saka, ayoko sa lahat yung nagtatanim. Hindi maganda yun, di ba? Ako rin naman ang magdadala nun. So, kapag may nakasakit sa akin or naasar ako, madali namang mawala. At the same time, nag-uusap din naman kami. Nagkataon din lang na malamig naman siguro ang ulo niya or feeling niya, hindi na niya ako gustong buwisitin," natawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Partner" na nga raw ang tawag niya sa dating pet peeve, "kasi may natutunan din kasi ako sa kanya, kasi nga siya yung tanong nang tanong ng kung anik-anik."

Sino sa kanila ang naunang lumapit para magkaayos na?

"Parang nagkasabay lang siguro... parang one time, nagkabati na lang lahat. Happy mood. Nagka-hello na, tapos, yun!"

Paano kung matuloy ang paglipat ni Mo sa ibang network?

"Palagi kong sinasabi sa kanya na, 'Mo, partner kita. So, I'm sad if you're gonna leave. Ngayon pang close na tayo at alam ko na marami pang pasabog tayo na darating,' na hindi sa amin, ha, kung hindi alam ko na magiging magandang team kami. Alam ko na magkakaroon kami ng magandang tandem."

NOT MARRIED TO ARAB. Hindi lang pala si Marian Rivera ang natsitsimis na nagpakasal sa isang Arabo. Pati rin pala si Rufa Mae.

"Grabe naman!" ang natatawa niyang reaksiyon nang tanungin namin siya. "Hindi pa naman ako nagpapakasal. At saka, wala namang Arabo na nanliligaw sa akin. In fairness, wala. Kasi, sa tingin ko, hindi kami magkakaintindihan... English nga, hindi ko alam, Arabo pa. Ano ba naman, ha ha ha!"

Natural na ang susunod na tanong sa kanya ay tungkol sa kanyang mysterious boyfriend. Engaged na raw sila, pero tila parami nang parami ang nagdududa kung totoong may fiancé nga siya.

"Okey lang naman sa akin," nakangiting sagot ni Rufa Mae. "Kasi, ang importante naman ang totoong nangyayari sa aking buhay. Meron namang totoo. Alam ko yun. Alam ng Diyos. At alam n'yo rin, I'm sure, hindi lang kayo sure na sure, di ba? Pero, sure na sure na meron."

Pero bakit nga parang ang tagal na ng pahulaan?

"E, kasi nga, gusto ko surprise. Parang ang tagal-tagal ko nang nag-share ng lovelife ko. Parang this time, na-realize ko na yung talagang ramdamin ko, yung talagang feel na feel ko, para kung magkamali rin ako if ever, wala rin naman akong ibang sisisihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan kasi kapag marami kang naririnig, hindi mo alam kung feelings mo ba talaga yun or galing lang sa narinig mo."

LIFETIME COMMITMENT. Kahit ang mga co-hosts niya sa Showbiz Central ay hindi pa rin nakikilala ang boyfriend niya.

"One time dapat, pero, hindi natuloy. Tapos, naging busy na rin. Tapos, ngayon na lang din ako ulit nagiging close... Di ba, ngayon na lang din ulit kasi nga, nagtu-tour ako sa U.S., sa Canada, kung saan-saan. Sa Dubai, sa New York, kung saan-saan. Ngayon na lang ulit ako bumalik kaya nagkaroon ulit ako ng segment sa Showbiz Central."

Nasabi niya last year na sa 2010 na ang plano nilang pakasal. Sa December 2010 nga daw. Tuloy pa rin ba ito?

"Tuloy... pero yung date naman naming talaga, kami lang. Pero, hindi naman kailangang paghandaan nang sobra-sobra. Siguro papatahi pa rin naman," natawa niyang sabi. "Pero ayoko ng sobrang ganitong date. Pero this year lang. Siguro magde-decide ako ng date, month, sa May 28.

"Magbe-birthday pa 'ko, mag-e-election pa, kaka-graduate lang ng mga kapatid ko. So, parang yun muna. Tapos, may mga Diva taping, di ba?"

Last year, marami siyang binigay na dahilan kung bakit hindi pa sila puwede pakasal, tulad ng pagkakaroon niya ng concert at ang mga pelikula niyang ginagawa.

This time ba, tuloy na tuloy na ito kahit ano pang mangyari?

"Oo, tuloy na tuloy. Nakundisyon ko na sarili ko. Basta sa May 28 magde-decide kung kailan ang date. Pero yung guy, yung commitment na naibigay namin sa isa't isa, is lifetime. So, yun na yun."

SIMPLE WEDDING. Kailan niya ipakikilala ang guy sa lahat?

"Kapag ikinasal na!" nakangiti niyang sabi. "Kasi ang plano ko, parang simple lang, then, isang malaking kainan na lang after."

Hindi na siya nangangarap ng isang bonggang wedding?

"E, araw-araw naman lahat ng ginagawa ko, naka-gown, naka-makeup. Gusto ko yung simple lang talaga. Lahat ng ginagawa ko sa pelikula sa role ko, palagi akong naka-gown. Ikinakasal din. So, feeling ko, ano pang isusuot ko na gown na pangkasal na titindi pa sa mga naisuot ko na? So, gusto ko talaga, simpleng-simple... It's either sa malamig na malamig na lugar or sa mainit na matubig na lugar, kumbaga, beach ba or ano..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga haka-haka na baka isang politico from the north ang fiancé niya. Anong masasabi niya rito?

"Kung kilala nila ang tao at kung ano ang pagkakakilala nila, okey lang sa akin. Kumbaga, tinanggap ko naman siya kahit ano pa ang sabihin ng kahit sinong tao... Ganun naman akong magmahal. Ang importante, kung ano ang sinabi niya at napag-usapan namin and I think naman, nangyayari rin in real life at hindi naman chika-chika lang."

Nandito ba sa Pilipinas ang boyfriend niya?

"Nandito siya ngayon... ngayon lang," nakangiti niyang sabi.

Taga-Pampanga raw ba?

"I think, nandun siya ngayon, pero hindi siya taga-Pampanga. Taga-ibang probinsiya siya. Pumupunta-punta lang since ako ay Kapampangan kaya parang taga-Pampanga na rin siya," natatawang sagot nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN