Ogie Alcasid gets Twitter post that retracts negative comment about Regine Velasquez

"Ang decision process, hindi lang naman isang tao, maraming committee. Sa sobrang tight ng competition, kailangan may go signal from above. Kailangan may go signal from the staff. Ang failure kasi ng show, hindi naman sa director lang. Kung mag-fail ang show, kasalanan ng buong team. Now, we just have to do what we have to do. We just have to entertain people. Hindi naman 'to laban, e," says Ogie, who tries to shed further light on what happened at Party Pilip


Nagsama-sama ang ilang Kapamilya at Kapuso stars last night, May 1, sa San Andres Sports Complex sa Malate, Manila, para sa grand event ng Ayos Na (Advocates of Youth and Students for Noynoy Aquino) headed by Dingdong Dantes.

Napagsanib ang mga talents ng magkatunggaling networks sa ilalim ng isang adhikain: "Prinsipyo Ko, Walang Presyo; Boto Ko Para Sa Pagbabago."

Isa sa mga artistang dumalo ay si Ogie Alcasid.

HIGH HOPES. Ang sabi ni Ogie, "Ako ay batch '85 ng high school. So nakagisnan ko ang mga pangyayari kay Ninoy at kay Cory [late Senator Benigno Aquino Jr. and late President Corazon Aquino]... Kailangan natin ng hindi mo alam kung saan nanggaling, tapos, siya yung magiging different. Noong nag-decide si Noynoy [Senator Benigno Aquino III] na tatakbo siya, yun na, sumulat na 'ko. Sinulat ko ang 'Hindi Ka Nag-Iisa,' binigay ko kay Kris Aquino..."

Ginamit ang kanta para sa campaign music video ng senador.

Totally unsolicited daw ang composition na 'yon, pati ang kanyang pangangampanya di lamang para kay Senator Aquino kundi para sa iba pang mga kandidatong napupusuan niya. Karamihan sa mga binanggit niya ay mga kaibigan niya sa showbiz at lahat sila'y "tinutulungan ko... lahat yun walang bayad."

Biniro namin si Ogie na di ba siya nanghihinayang sa supposedly milyones na kikitain sana niya?

"Hindi mo naman mabibigyan ng presyo yun, e," ang sagot niya sa amin. "Parang pupunta ka run, tutulungan mo ang tao tapos hihingan mo ng pera? Sa akin, bilang entertainer, puwede kumanta ka run, e.

"Pero yung sabihin mo na iboto mo si ganyan, iba yun, e, walang presyo yun. Pero yung kumanta ka, okey lang, trabaho yun, siyempre, entertainer ka. Pero yung sabihin mo na iboto mo si ganyan, hindi mo malalagyan ng presyo yun."

PARTY PILIPINAS CONTROVERSY. Aminado si Ogie na after more than a month of being on the air, ang bagong Sunday variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas ay marami pa ring improvements na kailangan gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, nanganganay pa. ASAP [ng ABS-CBN] is still a superior show."

Nanghihinayang daw si Ogie sa pag-walkout ng direktor nilang si Louie Ignacio last week. (CLICK HERE to read the story.) Sa episode ng PP ngayon sa Davao, si Rommel Gacho ang pumalit na direktor for the meantime.

"Sa totoo lang, malaking kawalan siya, kasi part siya ng team namin," sabi ni Ogie. "Kaibigan namin siya. So, kung anuman ang desisyon niya, respetuhin na lang namin, di ba?"

Ang himutok daw ng direktor na inilahad niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong April 27 ay, "Parang dictated na ang gustong mangyari sa show. Hindi ko na ito show... Ginagawa ko na lang ito kung ano ang gusto ni ganyan." May mga nag-comment tuloy online na di kaya isa si Ogie sa pinatutungkulan ni Direk Louie, dahil isa siya sa may creative input sa show?

Ang sagot ni Ogie: "Kasi ano 'yan, e, ang decision process, hindi lang naman isang tao, marami, e. So, halimbawa, maraming committee. Ganun talaga ang pamamalakad... Sa ngayon, sa sobrang tight ng competition, kailangan may go signal from above. Kailangan may go signal from the staff. Ganun ang nangyayari."

Dugtong pa niya, "Pero alam n'yo, ang failure kasi ng show, hindi naman sa director lang. Kung mag-fail ang show, kasalanan ng buong team. Team 'yan, e. Now, we just have to do what we have to do. We just have to entertain people. Hindi naman 'to laban, e.

"This is just a show. Our objective is to come up with a good show. So, ngayon, it's not easy because maraming involved. Maraming cast. Yung mga out-of-town shows namin, e mahirap i-mount. Malaki ang cost. Maraming technicalities, so yun ang challenge. E, sinabak ulit kami sa out of town. Kami, e, mga sundalo lang, di ba?"

TWITTER RETRACTION. Nilinaw ni Ogie ang Twitter post niya kunsaan idinipensa niya ang girlfriend na si Regine Velasquez laban sa paratang ng isang tweeter na ang Asia's Songbird daw ang nirereklamo ni Direk Louie of unprofessionalism. (CLICK HERE for related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Ogie, "Medyo na-hurt ako na inaano niya, na sinasabi niyang si Regine yun, reliable source pa na siya yung pinatutungkulan ni Louie. Kaya sinabi ko, 'I humbly ask that you retract your statement.' And in fairness, pinalitan naman niya. Tinanggal naman niya ang Regine."

Isa sa birthday gift ni Ogie for Regine ay ang pagbabakasyon nila sa Bohol.

"Okey naman, masaya. Nag-concert kasi kami run noong February, bumalik kami. Bonus na rin niya yun, kasi ang taas ng rating ng Diva."

Very proud nga si Ogie sa girlfriend.

"She's a revelation. She's excellent. Nakakaaliw. Ang galing niya! Nakakatawa, nakakaiyak, magaling si Regine, 'ba. Ang galing niya. That's my totally unbiased opinion.

"Sana manalo siya ng acting award man lang, mahirap ang ginagawa niya," sabi pa ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN